Chapter 16

243 34 18
                                        

Kalahating oras ang hinintay ni Zachary bago lumabas si Larkin at Vienna sa isang hospital. Tinext siya kanina ni Vienna nang sunduin na raw siya nito ni Larkin sa bahay mismo ng babae. Sinabi ni Vienna sa kaniya kung saan silang hospital papunta kaya agad niyang pinaharorot ang sasakyan papunta sa hospital na sinasabi nito.

Nag-park siya hindi kalayuan sa hospital. Hiniram niya kahapon ang isang sasakyan sa kanyang isang barkada para hindi malaman ni Larkin ang plano niya na susundan niya ito. Alam kasi nito ang kanyang sasakyan. Tented ang salamin ng sasakyan kaya alam niyang hindi siya nito makikita.

Sobrang pasasalamat niya kay Vienna dahil hindi ito nagdalawang-isip na sabihin sa kanya na andiyan na si Larkin. Akala niya matatakot ang babae dahil iniisip nito ang kapakanan ng magiging anak nila ni Larkin. Naiintindihan niya naman ang side nito at may kaunting kirot din sa puso niya kung sakali mang mailuwal nga nito ang anak na wala si Larkin sa tabi ng babae. Pero hindi rin talaga siya papayag na makakatakas si Larkin sa ginagawa niyang pagdukot kay Tina.

"Kaunting hintay na lang, baby. Magkikita na ulit tayo," saad niya habang binubuhay ang makina ng sasakyan. Alam ng mga magulang ni Kristina na susundan niya si Larkin. Oras na umapak na siya sa teretoryo ni Larkin, tatawagan niya ulit ang mga magulang ni Tina para pupunta sa mismong lugar kasama ang mga police. 

Lumarga ang sasakyan ni Larkin. Nagdasal siya na sana maging maayos na ang lahat at makuha niya si Tina nang ligtas bago pinatakbo ang sasakyan.

Inihinto niya ang sasakyan nang huminto ang sasakyan ni Larkin sa tapad ng isang drugs store. Bumaba si Vienna at pumunta sa harapan ng drugs store. Siguro bibili ito ng gamot na inireseta siguro ng doctor.

Napatingin ito sa gawi ng sasakyan na kinalalagyan niya. Kinuha niya ang kanyang phone at tinext ang babae.

"Hindi niya alam, 'diba?" tanong niya. Kinuha nito ang cellphone sa shoulder bag nito nang marinig sigurong tumunog ito. Nag-type ito sa cellphone at tumingin sandali sa sasakyan ni Larkin.

"Huwag kang mag-alala, wala akong sinabi at hindi niya alam." Sagot nito sa text niya.

"Maraming salamat." Sagot niya rito.

"Ihahatid lang ako ni Larkin sa trabaho, tapos aalis na rin siya. Hindi ulit siya papasok," text ni Vienna sa kanya. Tumiim ang bagang niya dahil sa sinabi nito. Paano nga naman papasok si Larkin sa trabaho kung may tao itong itinatago at kailangang bantayan para hindi makatakas. Ngayon pa lang nag-aapoy na ang kalooban niya dahil sa galit para kay Larkin. Nakita niyang ibinalik ni Vienna ang cellphone sa bag nito nang lapitan na ito ng isang pharmacist. Ilang minuto pa'y humakbang na ito pabalik sa mismong sasakyan ni Larkin. Hinintay niyang lumarga ang sasakyan nito, tsaka niya pinaandar ang sasakyan na gamit niya.

Nang huminto ang sasakyan ni Larkin sa tapat ng kompanyang pinagtatrabahuan nito ay inihinto rin niya ang sasakyan. Tinawagan niya ulit ang mga magulang ni Tina at pinaalam na sinusundan niya pa rin si Larkin. Lumabas ito ng sasakyan kasama si Vienna. Inihatid niya ang babae hanggang entrance.

Naningkit ang mga mata ni Zachary nang makitang papalapit ang mismong guard na kinausap niya kahapon kay Larkin. Pumasok na si Vienna sa loob at naiwan ang dalawang lalaki na nag-uusap. Kinutuban siya nang hindi maganda dahil dito. Ilang minuto pa ang hinintay niya bago tinapik ni Larkin ang balikat ng guwardiya at pumasok na sa sasakyan nito.

Sinundan na niya si Larkin nang tumakbo na ang sasakyan nito. Humigpit ang hawak niya sa kanyang manibela. Ngayon pa lang, binubugbog na niya si Larkin sa kanyang isipan. Gusto niyang bigyan ito nang napakalakas na suntok. Gusto na niyang balian ito ng mga buto at paputukin ang mga labi.

Ako na lang sana COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon