Nang umalis si Zachary sa bahay nila Tina, pinuntahan niya agad ang lugar kung saan nakatira si Larkin. Baka sakaling doon dinala ng binata ang mahal niya. Ngunit nang dumating siya doon ay nalaman niyang hindi na doon nakatira ang binata at isang linggo na rin nang ito ay umalis sa tinutuluyan nitong apartment. Biglang nagtagis ang mga bagang niya at naikuyom ang kanyang mga kamao. Bigla siyang pinanghinaan ng loob nang pumasok siya sa loob ng kanyang sasakyan.
"Baby. . . Sana okay lang. Hahanapin kita. Ililigtas kita, mahal ko," bulong niya at dahan-dahan na iniyuko ang kanyang ulo sa manibela. Mahigpit rin ang hawak niya sa manibela ng kanyang sasakyan. Hindi niya pinigilan ang kanyang mga luha na kusang lumabas sa gilid ng kanyang mga mata. Gusto na niyang makita ang dalaga at yakapin ito nang mahigpit. Gusto niya na ulit marinig ang magandang boses nito, ang tawa nito. Baka mabaliw na nga siya kung tuluyang hindi na niya makikita ang babaeng mahal niya.
Sinubukan niyang tawagan ang numero ni Larkin na nakarehistro pa rin sa kanyang cellphone. Tanging ang operator lang ang sumasagot. Ilang beses niyang hinampas ang manibela dahil sa galit at pooy na nararamdam niya sa binata. Hindi niya akalain na magagawa ito sa kanya ni Larkin at sa babaeng mahal niya.
Nang dumating siya sa condo niya ay naabutan niya pa si Amber na naghinintay sa kanya sa sala. Puno ng pagaalala ang mukha nito nang makita siya sa kanyang hitsura. Para na kasi siyang tinakasan ng lakas at sobrang pagod ang makikita sa mukha niya. Nilapitan agad siya ng kanyang kapatid at hinawakan ang magkabila niyang balikat.
"Kuya, anong nangyari?" Pinigilan niya ang kanyang sarili na huwag ilabas ang emosyon na nararamdaman niya sa harap ng kanyang kapatid.
"Nawawala si Tina. . . " saad niya sa kapatid at matamlay na naupo sa sofa. Hindi niya alam kung masisilayan niya pa ang magandang mukha ng dalaga at mahahawakan pa ito ngayong hawak ito ni Larkin. Pero dalangin niya na sana mahanap na nila si Tina. Sinabi niya sa kapatid ang nangyari at hindi nito napigilan na umiyak at niyakap siya nang mahigpit.
"Hindi pa nga kami nagkikita ulit, tapos ngayon nawawala siya," saad nito habang humahagolgol.
"Mahahanap natin si Ate Tin, Kuya. Manalig lang tayo at idalangin na sana ay ligtas siya," parang dinudurog ng bato ang puso niya sa loob. Para siyang nawawala sa tamang katinuan sa t'wing iniisip niya kung may ginagawa bang kahalayan si Larkin sa dalaga.
Buong gabing walang tulog si Zach. Nasa sala lang siya at nakaupo sa sofa. Hawak ang kanyang Cellphone at laging dena-dial ang numero ng dalaga. Matapos siyang ipaghanda ng kanyang kapatid ng almusal ay umalis na rin siya agad. Bilin niya sa kapatid na huwag ng ipaalam sa mga magulang nila ang nangyari tungkol kay Tina para hindi na mag-aalala ang mga ito lalo na ang Papa nila na may sakit pa naman sa puso. Tinawagan niya ang mga magulang ni Tina. Ipinaalam niya sa mga ito na pupuntahan niya ang kompanyang pinagtatrabahuan ni Larkin. Kung hindi na rin ito pumasok doon ay baka may alam ang mga kasamahan nito sa trabaho kung saan ang binata.
"Sige, Hijo. . . May mga kinausap na rin kaming mga tao para hanapin ang anak namin," saad ng Daddy ni Tina.
"Sige po. Mag-ingat po kayo ni Tita, Tito." saad niya bago pinatay ang tawag. Agad siyang bumaba ng sasakyan nang mataring niya ang kompanya kung saan nagtatrabaho si Larkin. Agad niyang ipinagtanong ang binata sa g'wardiya na nagbabantay sa labas ng kompanya.
"Noong isang araw pa hindi pumapasok si sir Galvez dito, sir. Bakit niyo ho na naitanong?" nagtatakang saad ng g'wardiya.
"Gusto ko lang sana siyang makausap. Alam mo ba kung bakit siya hindi pumasok?" tanong niya ulit. Ayaw na niyang ipaalam dito nangyari.
"Pasensiya na po, Sir, pero wala po akong alam," hinging paumanhin nito at pormal siyang nginitian.
"Sige ho, magpapaalam na rin ako," saad niya bago magpasalamat sa g'wardiya.
BINABASA MO ANG
Ako na lang sana COMPLETED
General FictionKristina 'Tina' Drilon. Simpleng babae pero may tanging angking ganda. She loved her boyfriend so much but in the end, iniwan lang siya nito. Sa mga oras ng kalungkutan niya ay andiyan naman ang lalaking handang pasayahin siya. Zachary 'Zach' Valenc...
