ANS- 19

117 6 0
                                    

...Not sure if you know this
But when we first met
I got so nervous I couldn't speak...

Ayaw ni Kristina na maiyak pero may kaunting luha talagang kumawala sa mga mata niya nang mga oras na marinig niya ang boses ng kanyang mahal na kumakanta. Hindi niya iyon mapigilan. Maganda ang boses ni Zachary at nagbibigay kakaibang pakiramdam iyon sa kanya habang naglalakad.

...In that very moment
I found the one and
My life had found its missing piece...

"Don't cry sweety. This is your most special day. Dapat nakangiti ka lang." Bulong ng daddy niya habang papasok sila sa loob ng malaking simbahan. Nilingon niya ang kanyang ama at nginitian. Kumakabog ang dibdib niya habang nakaangkla sa braso ng kanyang ama.

Ito ang araw na ikakasal na siya kay Zachary. Ang tanging araw na pinakahihintay niyang mangyari sa buhay niya. Ang maipagkaloob nang buo ang kanyang sarili para sa lalaking itinatangi. Dalawang buwan na rin ang lumipas at kahit papano ay nawawala na ang takot sa puso ni Kristina. Tanging pasasalamat sa Poong may Kapal ang lagi niyang ginagawa dahil sa kaligtasan nila ni Zachary at lalo na sa anghel nila.

...So as long as I live I love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white
And from now till my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
Tonight...

Huminto siya ng makita ang mama niya at lumapit dito. Matamis ang mga ngiti nito habang papalapit siya.

"I love you, anak. Andito lang kami palagi ng daddy mo," hinalikan siya ng kanyang ina sa pisngi. Makikita sa lahat na andoon ang kasiyahan sa kanilang mga mukha. Buong pamilya nila Zachary ay lumuwas para sa kanilang kasal. Mga barkada ng binata at pati sa kanya ay dumalo rin para saksihan ang araw nilang dalawa.

"Love you, mom. Thank you po." Usal niya sa ina bago naglakad ulit papunta sa harapan.

"Ate, sobrang ganda mo..." hindi maiwasan ni Amber na sabihin ng makita siya. Nasa gilid ang mga ito kasama ang mga kapatid at magulang ni Zachary.

"Thankyou, Amber..." Lumapit din siya sa mga magulang ni Zachary. Yumakap nang mahigpit sa mga ito. Miyembro na siya ngayon ng pamilya ni Zachary at alam niyang mahal na mahal siya ng mga ito.

"Salamat dahil minahal mo ang aming, anak. Tina." Saad ng mama ni Zach. Niyakap pa siya nito ng mahigpit habang may guhit na kasiyahan sa mga mata. 

"Thank you po mama... Kung wala kayo, wala rin si Zach dito. Mamahalin ko po ang anak niyo, mama." nakangiti niyang sabi. Nagpatuloy silang maglakad ng kanyang daddy. Nakikita na niya ang lalaking araw-araw nagpapatibok ng kanyang puso. Ang lalaking inalagaan siya nang sobra at ang lalaking nagligtas din ng buhay niya. Walang pagsidhan ang ngiti na nakikita niya sa mukha nito habang walang kurap na nakatingin sa kanya at kumakanta. Puno ng pagmamahal ang mga mata nito habang nakatitig sa mga mata niya.

...What we have is timeless
My love is endless
And with this ring I say to the world
You're my every reason you're all that I believe in
With all my heart I mean every word...

So as long as I live I love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white
And from now till my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white...

Huminto sila mismo sa harapan ni Zachary. Tumigil na rin ito sa pagkanta at binigay ang mic sa katabk nito, inilahad nito ang kamay para sa kanya. Inabot niya ang kamay ng taong mapapangasawa niya.

"Take care of my daughter, Zach." Sabi ng kanyang ama sa binata. Tumitig si Zachary sa kanyang ama at tumango ito. Nagamano pa ang binata sa kanyang ama bago nagsalita.

"Makakaasa po kayo papa. I will love her and respect her." sagot nito na ngumiti kay Kristina. Tumango rin ang kanyang ama at binalingan siya. Maluha-luha siya ng yakapin siya ng kanyang daddy.

"I love you, honey. Ikaw ang nag-iisang prinsesa ko at ngayon nga ay ikakasal ka na. I'm very happy for you, my princess." Sabi ng daddy niya.

"I love you, dad. Mahal na mahal ko kayo ni mommy..." usal ni Kristina sa ama. Pinakawalan na siya nito at nagtungo sa puwesto kung saan andoon ang mommy niya.

Sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso ng humarap ulit siya kay Zachary at tingnan ang mukha nitong sobrang guwapo. Pinahid nito ang mumunting luha na kumawala sa mga mata niya.

"Shall we?" Usal nito. Tumango naman siya dito. Humakbang sila papunta sa harapan kung saan andoon naghihintay ang pare na magkakasal sa kanila.

Hindi niya mawaglit ang mga mata niya sa mukha ng taong pinakamamahal niya na ngayon ay kaharap niya. Hinawakan ni Zachary ang kanyang kaliwang kamay at dahan-dahang inilagay ang singsing sa kanyang daliri  habang binibitawan ang mga salitang tumutunaw sa kanyang puso dahil sa tuwa.

"Love, ikaw lang ang nag-iisang babaeng mamahalin ko. Iyong iyo lang ako mahal ko. Mamahalin kita nang buong puso sa tanang buhay ko.  Sasamahan kita hanggang sa pagtanda nating dalawa. Hanggang sa kabilang buhay mamahalin kita." Maluha-luha si Tina habang pinapakinggan ang mga salitang binibitawan ni Zachary. Hinawakan niya rin ang kamay ni Zach at isinuot dito ang singsing.

"Love, thank you for loving me. Salamta dahil andiyan ka palagi kapag kailangan kita. Thank you for saving my life and the life of our angel. Hindi ko kakayanin na mawala ka sa buhay ko, love. I promise to be a good wife and a good mother to our child. Hawak-kamay nating tatahakin ang bagong mundo na ating gagalawan. I will love you forever, mahal ko." Tumulo ang kanyang mga luha habang binibigkas iyon. Hinaplos ni Zachary ang kanyang mukha at tinuyo ang kanyang mga luha.

"I love you," namutawi sa labi ni Zachary.

"I love you," sagot naman niya sa kanyang mahal at matamis na ngumiti.

Napuno ng palakpakan ang  buonh loob ng simbahan ng magtagpo ang kanilang mga labi. Ilang segundo nilang pinagsaluhan ang tamis ng kanilang paghahalikan. Wala silang pakialam sa mga taong nanunudyo at nagpapalakpakan sa kanila. Hinawakan ni Zachary ang tiyan ni Kristina bago siya pakawalan. Nagulat pa siya ng lumuhod ito at hinalikan ng matagal ang tiyan niya. Puno ng kagalakan ang kanyang nararamdaman at maluha-luha na naman siya. Tumayo rin si Zachary at niyakap siya ng mahigpit. Hindi nagtagal ay lumapit na sa kanila ang mga mahal nila sa buhay para magkaroon sila ng picture taking.

Ngayon ay parehong naglalakad ang mag-asawa sa dalampasigan. Matapos ang hindi malilimutang okasyon ay nagpunta sila sa lugar ni Zachary. Doon muna sila mamalagi ng isang linggo bago bumalik ng Maynila. Gusto munang makasama ng pamilya nila Zachary si Tina bago sila uuwi sa kanilang bagong bahay na binili ni Zach.

"Excited na akong malaman ang gender ng baby natin bukas, love..." salita ni Zachary sa bandang tainga niya. Pinagsalikop nito ang kanilang mga kamay. Pareho silang naka-paa na dalawa habang naglalakad.

"Gusto ko pa rin lalaki, love. Iyong kamukhang-kamukha mo," nakangiting saad ni Tina sa asawa. Magkasalungat kasi sila ng gusto. Ito naman ay babae ang gusto para daw makuha nito ang maganda niyang mukha lalo na ang mata niya. Pero babae man o lalaki ang magiging baby nila ay sigurado namang mamahalin nila ito ng lubos.

Ako na lang sana COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon