Matapos maghapunan ay dumating naman ang kapatid ni Zach at ang asawa nito at ang anak nila. Agad din niyang nakagaanan ng loob ang ate ni Zach dahil mabait ito sa kanya. Kahit na may anak ito ay hindi mo aakalain dahil sexy pa rin ito. Halatang maalaga sa katawan."Ang cute ng baby mo, ate. Anong pangalan niya, ate?" tanong ni Tin sa kapatid ni Zach na si Jezzel.
"Jezzeker," nakangiti na sagot ni Jezzel sa kanya. Mas lumapit pa siya sa ate ni Zach at ang tamis ng ngiti na nakatunghay sa bata.
"Pwede ko ba siyang kargahin?" parang nag-aalinlangan pa siya na itanong iyon sa ate ni Zach. Gusto niya rin kasi maranasan na kargahin iyong baby at yakapin. Tumango ang ate ni Zach at inilapit ang bata sa kanya. Nanginginig pa siya noong una nang mahawakan na niya ang baby pero kinalma rin niya ang sarili nang maakap na niya ito. Ang bango ng bata, hindi pa ito nakakakita pero panay ang galaw ng itim sa mga mata nito na para bang tinitingnan iyong mga tao sa paligid niya.
"You're so cute," sabi ni Tin at inamoy ang mukha ng bata.
"Ang g'wapo ng pamangkin ko, ano? Mana sa akin," nakangiting saad ni Zach kay Tin nang lumapit ito sa kanya. Inungusan niya ito. Narinig niya ang mahinang tawa ng ate ni Zach.
"Feeling ka talaga. Ang g'wapo ng pamangkin mo pero hindi siya nagmana sa'yo. Huwag sana siya magaya ng tito niya na mahangin," saad ni Tin sa kanya at tumingin ulit kay baby Jezzeker.
"Ahw!" saad ni Zach at napatampal na lang sa noo. Tinawanan tuloy si Zach ng mga kapatid niya. Ibinalik din ni Tin ang baby sa ate ni Zach nang mangawit ang braso niya. Napangiti siya dahil ramdam niya kasi ang bigat ng baby kahit ang liit pa nito.
Naging busy ang mga kapatid ni Zachary sa kusina kaya nagpresenta si Tin na siya na ang gagawa ng Maja Blanca. Ito rin daw kasi ang favorite ng mama ni Zach kaya masaya siya na matitikman ng mga ito ang gagawin niyang dessert. May iba pa kasing ginagawang desserts ang mga kapatid ni Zach para sa okasyon bukas.
Habang tinitikman niya ang ginawa niyang Maja ay siya namang pagpasok ni Zach sa loob ng kusina. Natigil pa siya sandali sa ginagawa nang makita ang suot ng binata. Puno ng dugo ang damit nito at pati mga kamay. Nakipagbunuan kasi ito sa tatlong baboy kanina at tumulong pa ito sa ama na linisin ang mga ito. Andiyan naman ang ibang mga pinsan ni Zach na lalaki at ang bayaw niya na tumulong. Ayaw na nga siyang patulungin ng papa niya pero nagpumilit siya. Matagal na rin kasi nang huli niyang nagagawang kumatay ng isang baboy.
"Hey! tikman mo nga ito sandali," tawag niya sa binata. Lumapit sa kanya so Zach. Inilapit niya ang kutsara dito na may lamang Maja. Pero imbis na tikman iyon ni Zach ay iba ang ginawa ng binata. Dumiritso ang labi niya sa labi ni Tin at agad itong binigyan ng isang dampi sa labi.
"Macharrap," nakangising saad ni Zach. Nahampas tuloy niya ito sa braso.
"Boyset!" Namumulang sabi ni Tina. Nakita iyon ng mga kapatid ni Zachary kaya rinig niya ang Ayehhhh ng mga ito. Sinamaan niya ito ng tingin.
"Masarap naman kasi talaga," nakangising saad ni Zach sa kanya.
"Hindi mo naman tinikman eh!" padabog na sabi ni Tin. Natatawa si Zach habang kinuha ang kutsara na nasa kamay niya. Agad nitong isinubo ang Maja SA bibig.
"Masarap. Masarap pa sa gawa ni mama," sabi nito sa kanya. Napangiti naman siya dito.
"Thank you," sabi niya.
"Kaibigan lang daw pero kung makahalik! Naku! Sino niloloko mo, kuya? Bigyan mo nga ng tittle silang dalawa, Junifa..." biglang sabi ni Amber na nagpapula sa pisngi ni Tin. Napalingon tuloy siya sa dalawa na may nakakalokong mga ngiti.
BINABASA MO ANG
Ako na lang sana COMPLETED
Ficção GeralKristina 'Tina' Drilon. Simpleng babae pero may tanging angking ganda. She loved her boyfriend so much but in the end, iniwan lang siya nito. Sa mga oras ng kalungkutan niya ay andiyan naman ang lalaking handang pasayahin siya. Zachary 'Zach' Valenc...