ANS-18

159 18 5
                                    

MULA SA KAIBUTURAN NG AKING PUSO, LUBOS AKONG NAGPAPASALAMAT SA MGA TAONG NAGING BAHAGI NG KUWENTONG ITO.

SA MGA TAONG NAGBIGAY INSPIRASYON PARA IPAGPATULOY AT TAPUSIN ANG KUWENTONG ITO. SANA NAPASAYA KO KAYO.

"TO GOD BE THE GLORY"

----

"Zachary... Zach, baby..." Patuloy niyang tawag sa lalaking nakahiga rin sa isang kama na katabi rin niya ngayon. Halos wala ng lumalabas sa boses niya at nanunuyo na ang kanyang lalamunan. Gusto niyang uminom ng tubig dahil ramdam niya iyong uhaw. Parang may kung anong tinik na bumara bigla sa kanyang lalamunan. Hindi siya agad makalunok. Lumingon siya sa paligid para tingnan kung andiyan pa ang mga magulang niya pero wala ang mga ito.

Tiningnan niya ulit ang mukha ng kanyang mahal, bigla na lang ang pamumuo ng mga tubig sa gilid ng kanyang mga mata.  Kalaunan, kusang naglandas sa kanyang mukha ang masaganang mga luha. Rumihistro bigla ang takot sa kanyang mukha nang maalala na naman niya ang nangyari.

Hindi niya kakayanin kapag tuluyang nawala si Zachary sa kanya. Lalo pa ngayon at magkakaroon na sila ng anak. Paano na lang silang dalawa kapag nawala si Zach.

Tumagilid siya para mahawakan ang mukha ng binata. May benda ang kanang braso nito at alam niyang tama ito ng balang pinakawalan ni Larkin. Ang kalewa naman nitong braso ay may nakakabit na maliit na tubo na parang daluyan ng tubig mula sa dextrose nito. Naalala niyang pinaputukan din ito ni Larkin sa magkabilaang paa. Pero hindi niya makita ang mga benda nito dahil na rin sa suot nitong lab gown.

Nang maramdaman siguro ni Zachary ang paghaplos niya sa mukha nito, unti-unti itong dumilat at nagtama ang mga mata nila. Hindi niya mapigil na humagulgol nang makitang ngumiti ito sa kanya at makitang may mga luhang unti-unti ring namumuo sa gilid ng mga mata nito.

"Zach..." Luhaang usal niya.

"Baby," usal nito. Tinangka nitong hawakan ang kamay niya na nasa mukha nito pero napangiwi si Zach nang maramdaman ang sakit na dulot ng sugat nito sa braso. Pinahiran niya ang mga luha ni Zachary sa mukha nito kahit pa basa rin ng mga luha ang mukha niya.

"Akala ko mawawala ka na sa akin. Sobrang takot ko dahil baka iniwan mo na ako. Hindi ko kaka---" hindi natapos ang sasabibin niya ng dampian ng halik ni Zach ang kanyang labi.

"Ssshhh... Tahan na. Buhay ako, love. Hindi kita iiwan. Mahal na mahal kita at hindi ako papayag na kukunin niya Ako agad dahil gusto pa kitang makasam nang matagal." saad nito ng matapos siyang halikan. Tumango-tango siya dito.

"I have something to tell you, Zach." Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Tina. Pinahid niya ang kanyang mga luha at dahan-dahang inabot ang kaliwang kamay ni Zach, nakatagilid pa rin siya pero hindi naman siya nahirapan na kuhanin ang kamay nito. Dinala niya ang kamay ni Zach sa kanyang tiyan.

"Magiging daddy ka na, love." nakangiti niyang sabi dito na maluha-luha ang mga mata. Sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ni Zach at makikita rin sa mga mata ang kasiyahan ng marinig nito ang sinabi niya.

"Totoo bang maging daddy na ako?" Hindi pa rin ito makapaniwala. Tumango-tango si Tina dito. Hinimas-himas nito ang kanyang tiyan at pilit na bumangon pero napadaing na naman ito sa sakit.

"Huwag ka munang bumangon, love. May mga tama ka ng baril sa iyong mga paa." Usal niya rito. Tumango naman ito at tumingin sa kisame.

"Hindi ko mapapatawad si Larkin kahit sa kabilang buhay kung may nangyari sa inyong dalawa ng magiging anak natin... Hindi ko siya mapapatawad, baby." Nagtiim-bagang ito at puno ng galit ang mga mata. Hinaplos niya ulit ang mukha ng binata para pakalmahin ito. Kahit man siya ay hindi niya mapapatawad si Larkin sa ginawa nito sa kanya. Walang mapagsidlan ang galit niya sa binata. Hinding-hindi niya gustong makita ulit ang demonyong pagmumukha nito.

Ako na lang sana COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon