Chapter 12

268 45 64
                                    

Rated SPG!

----

Pansin agad ni Zach ang pamumula ng mga mata ni Tina, lalo na ang ilong nito. Alam niyang galing ito sa pag-iyak. Gusto na niyang bumaba kanina nang makita na na hinawakan ni Larkin ang kamay ng dalaga. Nagiigting ang bagang niya nang makita niya si Tina na umiiyak sa loob habang nagsasalita si Larkin. Anong sinabi ng lalake at umiyak ang dalaga. Gusto man niyang magtanong pero mukhang wala namang plano si Tina na pagusapan ang nangyari sa loob.

Pinatawad na kaya niya si Larkin? Paano kung hanggang ngayon ay hindi parin pala nawawala ang pagmamahal ni Tina para sa kanya? Magkakabalikan na ba sila ulit? Paano na ako? Parang ayaw niyang tanggapin iyon. Sobrang masasaktan siya kapag nagkabalikan na ang dalawa.

Pero ano nga bang magagawa niya kung ang dalaga na ang magdesisyon? May magagawa ba siya kung si Larkin ang pipiliin nito sa huli? Andiyan siya noong panahong wasak ang dalaga. Andiyan siya sa tabi nito lagi ng kailangan siya ng dalaga, at ang katotohanan na may nangyari na sa kanilang dalawa. Sapat na bang dahilan iyon para mabaling ang pagtingin at pagmamahal ng dalaga para sa kanya?

Puno ang puso niya ng mga pangamba at takot. Ayaw niyang lumayo ang dalaga sa kanya ng tuluyan. Mahal na mahal niya higit pa sa sobra.

"Salamat sa paghatid dito. Sigurado kang ayaw mo nang pumasok?" tanong ni Tina sa kanya. Umiling siya. Gustuhin man niya ay may kailangan siyang puntahan, ang mga kasamahan niya sa trabaho na naghihintay sa kanya. Kanina pa ang mga ito naghihintay sa kanya. Maaga pa pero nagiinuman na raw ang mga ito. Isa sa kasamahan niya ay nagsi- celebrate ng birthday sa mismong bahay nito. Sinabi niya lang na hahabol siya dahil kasama niya ang girlfriend niya. Napangiti siya bigla ng maisip salitang iyon. Sana nga ay maging girlfriend na niya ito ng tuluyan.

Umuklo siya at tinanggal ang seatbelt ng dalaga. Naaamoy niya ang pabango nito na hindi na yata mawawala sa sistema niya. Napangiti sila pareho nang magkatitigan. Banayad niyang hinaplos ang ilalim ng mga mata nito. Nagulat na lang siya nang biglang pumulupot ang mga braso ng dalaga sa katawan niya.

Damn! Hindi lang yakap ang gusto niyang maramdaman mula rito. Gusto niyang maramdaman muli ang malambot nitong mga labi. Naalala niya bigla ang paghalik nito sa kanya kagabi bago ito matulog. Ang lalim ng mga pinapakawalan niyang hininga. Gumanti siya ng mahigpit na yakap sa dalaga.

"Magpahinga ka na muna. Babalik ako rito mamaya." Nakangiting sabi ni Zach nang iharap niya ang dalaga at pinagpantay ang mga mukha nila. Tumango si Tina sa kanya. Tumungo siya at binigyan ng isang masuyo at pinong halik ang labi ng dalaga.

Lumabas siya saglit ng sasakyan at pinagbuksan ang dalaga. Kinuha niya ang gamit nito sa loob at hinintay ang Nana nito na pagbuksan sila ng gate.

"Mag-ingat ka sa pagmamaneho," sabi ng dalaga nang papasok na siya sa loob ng sasakyan. Tumango siya rito at kumaway ng nakangiti. Nang makitang pumasok na ang dalaga sa loob ng bahay nito ay pinaharorot na niya agad ang kanyang sasakyan.

Nang makarating siya sa bahay ng kaibigan niya ay rinig na niya agad ang ingay sa loob nito. Pinark niya ang sasakyan sa labas katabi ng mga sasakyan ng iilan din niyang kaibigan. Ngayon lang ulit sila magkikikita simula ng pumanaog sila sa barko. Lima sila lahat at ang isa ay nag-asawa na siyang nagdidiriwang ng kaarawan ngayon.

"Nasa labas na ako," sa wakas ay sinagot rin ang tawag niya. Lumabas siya ng sasakyan nang makita si Phil na bumukas ng gate. Ang lapad ng ngiti nito ng makita siya.

"Happy birthday, dre!" Saad niya dito at tinapik ang balikat ng kaibigan. Umakbay ito sa kanya habang papasok sila sa loob.

"Thank you, dude. Akala namin Hindi ka na talaga darating eh," saad nito at tumawa.

Ako na lang sana COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon