Spg! Spg! Spg!
Ilang minuto pa ay naisipan na nilang apat na pumasok sa loob. Isang bote lang naman ng beer ang ininom ng mga kapatid ni Zach. Mukhang hindi naman tinamaan ang mga ito sa ininom nila. Napagpasyahan kasi nila kanina na sa labas na lang sila uminom kasi andoon sa loob ang mga kabarkada ni Zach at iba mga pinsan na lalake na nagiinoman din at nagve-videoke. Saktong pagpasok nila sa may pintuan ay siya namang paghawak ni Zach sa mic. Agad nagtama ang kanilang mga mata ni Tin. Gumuhit ang ngiti sa mapulang labi nito. Kita niya ang pamumula ng mukha ni Zach. Alam naman niya na marunong mag control si Zach at alam niyang hindi pa ito lasing.
Hero! Iyan ang kantang pinatugtog ni Zach. Napapikit siya bigla at bumuntong-hininga. Nagdilat siya ng mga mata at hindi niya inaasahan na nakatingin pa rin si Zach sa kanya.
"Ang kantang ito ay para sa babaeng sobrang special para sa akin," ngumiti ito sa kanya at inilagay ang mic malapit sa bibig.
Would you dance if I asked you to dance?
Would you run and never look back?
Would you cry if you saw me crying?
Would you save my soul tonight?
Would you tremble if I touched your lips?
Would you laugh? Oh, please tell me this.
Now would you die for the one you love?
Hold me in your arms, tonight.
I can be your hero, baby.
I can kiss away the pain.
I will stand by you forever.
You can take my breath away.
Napahawak si Tina sa kanyang dibdib dahil nagsisimula na naman itong tumibok ng malakas. Pakiramdam niya, sila lang dalawa ni Zach ang nakatayo sa bahaging iyun habang inaawitan siya. Ramdam niya ang panunubig ng kanyang mga mata ng hindi niya malaman ang dahilan.
Would you swear that you'll always be mine?
Would you lie? Would you run and hide?
Am I in too deep? Have I lost my mind?
I don't care. You're here tonight.
I can be your hero, baby.
I can kiss away the pain.
I will stand by you forever.
You can take my breath away.
Oh, I just want to hold you.
I just want to hold you, oh, yeah.
Am I in too deep? Have I lost my mind?
Well, I don't care. You're here tonight.
I can be your hero, baby.
I can kiss away the pain, oh, yeah.
I will stand by you forever.
You can take my breath away.
Puno ng damdamin ang bawat linyang bininigkas ni Zach mula sa kanta. Hindi niya maibaling sa ibang direksiyon ang mga mata niya dahil ramdam niya ang emosyon at pagsusumamo sa mga mata ni Zach na pakinggan niya ang bawat nilalaman ng kantang iyon na para sa kanya. Na sana maramdaman nito ang nilalaman din ng puso ng binata.
Namalayan na lang niya ang pagdaloy ng kanyang mga luha sa kanyang mukha. Agad niya itong pinahid gamit ang palad niya. Masiyadong nadala ang lahat ng nakarinig sa kanta ni Zach. Hindi nila namalayan na tapos na pala ito.
"Yeah! Ang galing ni kuya. Sobrang galing, kaya bigyan na iyan ng jacket!" nakangising saad ni Amber habang pumapalakpak. Nahampas naman ito ni Junifa sa balikat.
"Tumigil ka nga. May pinanghuhugutan kaya iyong kanta ng kuya natin," saad naman ni Junifa. Lumapit si Jezzel sa kanya at inakbayan siya.
BINABASA MO ANG
Ako na lang sana COMPLETED
Ficción GeneralKristina 'Tina' Drilon. Simpleng babae pero may tanging angking ganda. She loved her boyfriend so much but in the end, iniwan lang siya nito. Sa mga oras ng kalungkutan niya ay andiyan naman ang lalaking handang pasayahin siya. Zachary 'Zach' Valenc...
