"Uuwi na muna ako sa amin. Sasama ka ba o sasama ka?" tanong ni Zach sa kanya. Napataas ang kilay niya sa tanong nito. Nasa garden silang dalawa sa bahay nila Tina. Kasalukuyan nitong binabalatan ang manggang hilaw para sa kanya. Request niya kasi kaninang umaga na kapag binisita siya nito ay bibili ng mangga para sa kanya.
"Bakit ka uuwi?" tanong ni Tina. Kinuha niya ang sliced na mangga na inabot ni Zach at agad isinawsaw sa bagoong na may suka at may apat na sili. Napangiwi si Zach na nakatingin sa kanya.
"Para kang naglilihi... Buntis ka na ba?" kunot-noong tanong nito. Tinaasan niya ito ng isang kilay. Agad napalitan ng ngisi ang mga labi nito.
"Boyset! Hindi ako buntis!" asik niya dito. Bigla itong natawa sa kanya. Kumuha rin ito ng isang sliced ng mangga at kinain.
"Akala ko kasi nabuntis ka na ng halik ko," bulong nito na narinig niya naman. Nahampas niya ito sa braso.
"Loko ka talaga! Joke ba iyan? Tatawa na ba ako? HA HA HA! Isipin mo nga iyang sinasabi mo, baliw ka talaga," hindi napigilan ni Tin na matawa dito. Sumubo siya ulit ng mangga. Pinindot ni Zach ang kanyang ilong na hindi niya naiwasan kaya amoy bagoong na ang ilong niya.
"Ang sama mo," nakanguso niyang saad dito kaya gumanti rin siya dito. Tatawa-tawa lang si Zach sa kanya.
"Bakit ka nga uuwi sa probinsiya niyo? Anong meron?" tanong niya ulit habang ngumunguya ng mangga.
"Binyag kasi ng pamangkin ko kaya pinapauwi ako nila mama. Miss na rin daw kasi nila ako," saad ni Zach sa kanya. Sumeryoso naman ang mukha ni Tina.
"P'wede ba akong maging ninang ng pamangkin mo? Hindi ko pa kasi na-experience maging ninang eh," saad ni Tin kay Zachary.
"Oo naman. Sasabihan ko si ate. Alam ko papayag iyon agad. Sasama ka na sa akin?" Nakangiting saad ni Zach sa kanya. Inilapit nito ang mukha sa dalaga kaya agad siyang napaiwas. Napangisi na lang si Zach sa kanya. Baka saan na naman mauwi ang pagkain nila ng mangga. Nakatingin si Zach sa mga labi niya kaya agad niya itong sinubuan ng mangga. Naging adik na yata ito sa halik. Kissing monster, sabi nga.
Siya naman ay hindi makatanggi dito sa tuwing maglalapat na ang kanilang mga labi. Ewan ba niya at bakit niya hinahayaan si Zachary na gawin iyon sa kanya. Ni hindi nga niya mabigyan ng pangalan kung anong meron sila ngayon ng binata. Walang level ang pagsasama nila. Basta ang alam niya ay masaya siya ngayon na kasama si Zach.
Larkin... Sa totoo lang, mas iniisip pa niya ang mga nangyayari na sa kanila ngayon ni Zach kaysa isipin ang kung anong meron sila ni Larkin noon. Ukupado ni Zach ang isipan niya. Siguro nga unti-unti na niyang nalilimot ang dating nobyo dahil andiyan si Zach palagi sa tabi niya na pinapasaya siya at inaalagaan.
"Magpapaalam pa muna ako kina daddy at mommy," sabi ni Tina. Napangiti si Zach sa kanya.
"No need. Naipag-paalam na kita sa kanila," saad nito. Tinaasan niya ito ng kilay sabay ngiti.
"Ang bilis mo talaga, nuh? Pumayag ba sila?" tanong niya dito. Kumuha ulit ito ng isang mangga at binalatan.
"Naman! Hindi nila matanggihan ang kag'wapuhan ko eh," napairap si Tin dito. Namumula na pareho ang mga mukha nila at pawisan narin dahil sa kinakain nila.
"Wooshoo! Ang hangin nuh! Ayoko na ngang sumama," saad niya dito. Napatigil ito sa pagbabalat ng mangga at tiningnan siya.
"Sabihin mong nagbibiro ka lang," seryosong sabi nito. Napangisi naman si Tin. Hindi sumagot si Tin, umiling lang siya. Natatawa siya sa kaloob-looban niya sa hitsura ni Zach ngayon. Biglang lumungkot ang mukha nito at ibinaba pa ang hawak na kutsilyo. Bigla itong tumayo at nag walk-out. Ang bilis magtampo ng loko.
![](https://img.wattpad.com/cover/102068569-288-k525323.jpg)
BINABASA MO ANG
Ako na lang sana COMPLETED
General FictionKristina 'Tina' Drilon. Simpleng babae pero may tanging angking ganda. She loved her boyfriend so much but in the end, iniwan lang siya nito. Sa mga oras ng kalungkutan niya ay andiyan naman ang lalaking handang pasayahin siya. Zachary 'Zach' Valenc...