Chapter 14

184 42 26
                                    


"Kuya, anong gusto mong kainin? Ipagluluto po kita," agad nilingon ni Zach ang kapatid na nasa likuran niya. Ngayon lang sila nakarating sa condo unit niya dahil sa haba ng traffic na sumalubong sa kanila pauwi.

"Kahit ano, Amber," kaunting sagot niya. Muli niyang itinuon ang kanyang atensiyon sa kanyang cellphone at denial ulit ang number ni Tina.

"Damn!" Hindi siya mapalagay bigla. Kanina pa niya kinikontak ang dalaga pero un-attended ang number nito. Ngayon lang ito nangyari at hindi niya maintindihan ang kanyang sarili dahil bigla-bigla ay kinabahan siya.

"Kuya, what's wrong? Mukhang balisa ka po," Nagaalala na tanong ni Amber at nilapitan siya. Hinilot-hilot niya ang kanyang sentido at humugot ng isang malalim na buntong-hininga at tumingin sa kapatid.

"Si Tin, hindi ko siya matawagan. . ." saad niya at tumayo bigla sa sofa. Nagtataka naman ang kapatid na sumunod sa kanya palapit sa pinto.

"Dito ka lang, okay? Pupuntahan ko siya sa office niya. Baka nakatulog lang siya doon. Kung wala naman pupunta muna ako sa bahay nila, okey? Tatawagan na lang kita mamay, Amber," saad niya sa kapatid. Tumango-tango naman si Amber sa kanya.

"Sige, Kuya. Mag-ingat ka sa pagmamaneho, Kuya." Saad ng nakakabatang kapatid ni Zach. Agad na siyang lumabas ng building at dumeritso sa kanyang sasakyan. Dalangin niya na sana ay nakauwi na nga ang dalaga sa bahay nito at safe itong nakauwi. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kung may mangyari man na masama kay Tina.

Agad niyang tinahak ang daan patungo sa paaralan na pagmamay-ari ng dalaga. Mabilis ang kanyang pagpapatakbo para lang makaabot agad doon. Nang makarating sa mismong lugar ay agad siyang bumaba. Bukas pa ang paaralan at siguro andoon pa nga si Tina sa loob.
Papasok na siya sa malaking gate ng paaralan nang sinalubong siya ng g'wardiya

"Sir, ano pong ginagawa niyo rito?" nagulat ito nang makita siya. Ito ang unang beses na pumunta siya doon na gabi na. Nilapitan niya ito at seryoso ang mukha na nakatingin sa g'wardiya.

"Susunduin ko lang ang ma'am Tina mo," kinakabahan man ay nakuha pa niyang pakalmahin ang kanyang boses. Kumunot bigla ang noo ng g'wardiya.

"Sir, kanina pang hapon umalis si ma'am Tina. Matagal nga po siyang naghintay diyan sa labas ng masasakyan. . ." saad nito at tumigil bigla. Naging seryoso ang mukha nito nang tingalain siya.

"Nakita ko pong dumating ang sasakyan ni sir Larkin. . . Lumabas po siya ng sasakyan at kinausap si ma'am. Matagal silang nag-usap bago sumakay si ma'am sa sasakyan niya,"

Biglang nagdilim ang anyo ni Zach nang marinig iyon galing sa guard. Malulutong na mura ang pinakawalan niya sa ere. Lalong nadagdagan ang kaba at takot sa puso niya ngayon.

Fvck! Mapapatay kita Larkin oras na ginawan mo ng masama si Tina. Ibabaon kita sa lupa, hayop ka!

Dumiritso siya sa bahay nila Tina. Sana andoon na ang dalaga. Sana walang masamang planong gawin si Larkin dito at ihatid na lang niya si Tina sa bahay nito nang maayos. Sana okay lang ang baby Tina niya.

Dumeritso siya sa loob ng bahay nila nang pagbuksan siya ni Nana Viola. Nag-aalala ang mukha nito nang makita siya. Sumunod ito sa kanya agad dahil hindi niya nasagot ang tanong nito kung nasaan si Tina.

"Nana, sina Tito at Tita, andiyan na ba?" ang hina ng boses niya. Halos wala na ngang lumabas. Pakiramdam niya mabibingi siya sa sobrang lakas ng pagtambol ng puso niya dahil sa sobrang kaba. Ngayon alam niyang wala talaga ang dalaga sa bahay ay parang mababaliw na siya sa kakaisip kung saan ito dinala ni Larkin.

"Zach, anong nangyayari? Bakit hindi mo kasama si Tina? Nag-away ba kayong dalawa?" tanong ulit ni Nana Viola na hinawakan ang braso niya. Lumingon siya rito na puno ng takot, pangamba at lungkot ang mga mata.

Hindi niya nasagot ang tanong ulit ni Nana Viola nang lumabas ang mga magulang ni Tina galing sa k'warto ng mga ito. Nagtataka ang dalawa na lumapit sa kanya. Agad lumingon ang mga ito sa likuran niya na para bang hinahanap si Tina.

"Kanina pa namin kayo hinihintay ni Tina dahil kakain sana tayo sa labas," saad ng Mommy ni Tina na nakangiti. Hindi niya magawang suklian ang ngiti ng ina ng dalaga dahil sa sobrang kaba niya. Yumuko siya bigla at naikuyom ang nang mahigpit ang kanyang kamao. Narinig niya ang pagtikhim ng Daddy ni Tina.

"Hijo, may problema ba? Si Tina nasaan?" Tiningala niya ang ama ni Tina at nakita niya ang seryosong mukha nito. Paano ba niya sasabihin sa mga ito na nawawala ang anak nila?

Gusto niyang umiyak sa harapan ng mga magulang ni Tina. Hindi niya kayang pigilan ang kanyang sarili. Gusto niyang sumigaw, magwala at manuntok ng tao. Pakiramdam niya sasabog na siya sa loob.

"Tito, Tita, I'm sorry. Hindi ko po nasundo si Tina kanina. Patawarin niyo po ako," hindi niya pinigilan ang mga luha na naglandas sa mga mata niya. Naguguluhan ang mga magulang ni Tina sa kanyang inasta. Lumapit ang ina ni Tina sa kanya at mahigpit na hinawakan ang braso niya.

"Zach, bakit ka umiiyak? Nasaan si Tina? Anong nangyari?" rumihistro ang pagaalala sa mukha nito. Pilit niyang pinapakalma ang kanyang sarili.

Sinabi niya sa mga ito ang nagyari, ang pagsundo niya sa kapatid sa station ng bus, ang pagpunta niya sa paaralan ni Tina at ang sinabi ng guard sa kanya.
Narinig niya ang mga mura ng ama ni Tina habang kaharap siya. Gusto niyang sisihin ang kanyang sarili. Gusto niyang suntukin siya ng ama ni Tina at sampalin na lang siya ng ina nito. Umiiyak ang Ina ng dalaga at pati si Nana Viola ay hindi mapigilan na humagolgol.

"Iyong anak ko. Baka ano na ng ginawa ni Larkin sa kanya. Daddy, hanapin natin siya, please." Humahagolgol ang Ina ni Tina sa balikat ng asawa nito. Pinapatahan nito ang asawa at tumingin sa kanya.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo kung bakit nasa kamay ngayon ni Larkin si Tin. Ang gawin natin ngayon ay ang hanapin ang anak ko at siguraduhin na ito'y ligtas. Oras na sinaktan ni Larkin ang anak ko, patawarin sana ako ng Diyos sa maaari kong gawin sa kanya," saad ng ama ni Tina na nanggagalaiti sa galit na nararamdaman.
   

Ako na lang sana COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon