Chapter 9

231 51 21
                                        

Ramdam ni Tina ang malamig na hangin na dumadampi sa kanyang balikat. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Napangiwi pa siya bigla nang maramdaman ang kirot at hapdi ng pangibabang bahagi ng kanyang katawan. Agad niyang hinila ang kumot at iniyakap da kanyang katawan.

Inilibot niya ang kanyang mga mata ngunit hindi niya mahagilap ang binata. Agad ang pamumula ng mukha niya nang maalala ang nangyari sa kanila ni Zach kagabi. Hindi niya mapigilan ang sarili na magtakip ng mukha gamit ang palad niya. Ang bilis niyang bumigay kay Zach. Gano'n lang niya kadaling ibinigay ang virginity niya dito. Pero hindi siya nagsisisi. Masaya siya kahit pa nga hindi pa talaga  klaro kung anong relasyon meron silang dalawa ngayon.

Hindi lang isang beses na bumigay siya kay Zach dahil madaling araw nang magising siya sa maiinit na halik nito sa kanyang batok. Agad nagtagpo ang kanilang mga labi at inangkin siya nitong muli at buong puso niyang ibinigay Ang kanyang sarili dito. Ang bigat ng kanyang pakiramdam sa kanyang katawan.

Sinubukan niya na bumangon at nang magawa niya ay isinandal niya ang kanyang ulo sa headboard ng kama ni Zach. Agad niyang nakita ang ebidensiya sa nangyari sa kanila ng binata last night. Andoon iyong bahid ng dugo sa bedsheet ng binata. Hinanap ng mga mata niya ang kanyang mga damit na hindi niya alam kung saan na initsa ni Zach kagabi. Agad niya naman itong nakita sa mesa ng binata.

Shit! Ganito pala talaga kasakit!

Pinilit niyang tumayo para kuhanin ang mga damit niya na nasa mesa. Sakto namang bumukas ang pinto at naglakad papasok si Zach na may dalang isang tray na laman at pagkain. Agad siyang nag-iwas ng tingin nang magtama ang mga mata nila. Bigla yata siyang nakaramdam ng hiya, ewan ba niya.

Bagong ligo na ito at simpleng nakadamit pambahay lang pero litaw pa rin ang kakisigan ng katawan ng binata. Nawawalan siya bigla ng control sa kanyang mga paa dahil sa hapdi na nararamdaman sa pagitan ng mga hita niya. Agad inilagay ni Zach ang tray sa mesa at dinaluhan siya. Agad siya nitong nahapit sa baywang at ramdam niya ang pag-agat ng katawan niya sa ere. Binuhat siya ng binata ng walang kahirap-hirap pabalik sa kama nito. Napakapit naman siya sa batok ng binata.

"Bakit ka ba kasi bumangon?" tanong nito na may pagalala.

"My clothes," usal niya na hindi makatingin ng diritso sa mata ng binata, bagkus doon siya sa kanyang mga damit nakatingin para mawala lang iyong kaba na nararamdaman niya at hiya na rin. Nayakap niya bigla ang sarili dahil feeling niya malalaglag na ang kumot na nakabalot sa katawan niya. Ibinaba siya ng binata at lumuhod sa harap niya.

"Masakit pa ba?" tanong nito. Kahit sobrang pula na ng mukha niya ay tumango siya rito at tumingin na sa mga mata nito.

Ngumiti ito ng bahagya at hinaplos ang mukha niya. Napapikit siya sa ginawa ng binata. Pinagpantay nito ang mukha nila at binigyan siya ng masuyong halik sa noo. Tinungo nito ang mesa at kinuha ang mga damit niya. Bumalik din ito at lumuhod ulit sa harap niya.

"Itaas mo ang kamay mo," usal nito. Kumunot naman ang noo niya.

"Why?" kiming tanong niya. Itinaas niyo ang blouse niya. Napatango na lang siya at itinaas ang dalawang kamay. Nalaglag pa ang kumot hanggang baywang. Nahinto pa ito sandali sa pagsusuot sa kanya ng blouse niya at napatingin sa kanyang kaumbukan. Agad nag-init ang buong mukha niya nang mapansin na nakatuon ang atensiyon nito sa dalawang dibdib niya.

"Yah! Naengkanto ka diyan at hindi ka na makagalaw?" sita niya sa binata. Napangisi ito sa saad niya. Nakita pa niyang napalunok ito bago ipinagpatuloy ang pagsusuot sa kanya ng damit. Kinuha nito ang panty niya at dahan-dahan na isinilid sa mga paa niya. Napapikit siya nang maramdaman ang sakit doon at kagat-labi para huwag mapadaing. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay siya namang paghinto ni Zach. Malapit na kasi ito sa parte ng kanyang kaselanan.

Ako na lang sana COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon