Chapter 11

215 49 35
                                    


"You okay?" tanong ni Tina kay Zachary. Ang tahimik kasi nito at seryoso ang mukha habang nagmamaneho. Gusto niyang mag-open ng topic sa pagitan nilang dalawa pero mukhang wala talaga itong planong kausapin siya.

Pabalik na sila ng Manila. Hapon na nang maisipan ni Zach na aalis na sila. Medyo napagod rin kasi sila sa paliligo kahapon at gabi na sila nakauwi ng bahay nila Zach kasama ang pamilya nito kaya tanghali na sila nagising.

Tumatawag pa rin kasi si Larkin kagabi sa kanya habang nakahiga na sila ni Zach sa kama. Gusto niya na patayin nalang ang cellphone niya pero baka tatawaging ang mommy niya. Gusto niya na ngang ring ibato ang cellphone niya pero agad itong kinuha ni Zach at ito ang kumausap sa binata. Pero hindi niya alam ang pinagusapan ng dalawa dahil iniwan siya saglit ni Zachary sa kuwarto at lumabas. Tinanong niya kung ano napagusapan nila ni Larkin nang pumasok ito ulit pero tanging sagot lang nito ay WALA dahil hindi ito  nakakipag-usap sa kanya at pintayan siya ng cellphone.

"Bakit ba ayaw mo ako kausapin? Kanina ka pa ah. Naiinis na ako, alam mo ba iyon?" Nakasimangot na siya ngayon. Isinandal niya ang kanyang ulo sa may bintana. Nakataas na rin ang kilay niya at handa na siyang sasabog. Hindi siya sanay na hindi iniimik ni Zach. Ayaw niya ng cold treatment na pinaparamdam ng binata. Ayaw niya ng ganoon. Naiinis na talaga siya at gusto na rin niyang umiyak.

Naramdaman nalang niya ang mainit nitong palad na humawak sa kamay niya. Napatingin siya sa kanilang mga kamay habang nakanguso. Pinagsalikop nito ang mga daliri nilang dalawa. Agad gumuhit ang mainit na pakiramdam sa kanyang puso nang iangat at dinala nito ang kamay niya sa labi nito at hinagkan ang likod ng palad niya.

"I'm sorry. Medyo masakit lang ang ulo ko," Sabi ni Zach sa namumungay na mga mata. Bigla siyang nakaramdam ng pagaalala para sa binata. Lumapit siya kay Zachary at sinapo ang noo nito.

"May lagnat ka! Bakit hindi mo sinabi? Sana hindi tayo bumiyahe pabalik ngayon," puno ng concern ang boses niya. Gumuhit ang ngiti sa labi ni Zach at hinalikan ulit ang likod ng palad niya. Ramdam niya nga ang init na nagmumula sa labi ni Zach.

"I'm fine," Saad nito. Binagalan nito ang takbo ng sasakyan. Inabot ni Tina ang kanyang bag at kinuha sa loob ang isang maliit na medicine kit. Agad niyang kinuha ang isang tableta ng Paracetamol at inabot rin niya ang mineral water sa harapan ng sasakyan.

"Inomin mo ito," sabi niya at binuksan ang lagayan ng tableta. Siya na ang nagpainom ng gamot kay Zach. Nakangisi pa ito habang ginagawa niya iyon.

"Kisspirin at yakapsule ang kailangan ko. Hindi Paracetamol," nangingiting sabi nito at nag-pout. Kinurot niya ito sa gilid. Ibinaling niya ang kanyang paningin sa labas ng bintana. Ayaw niyang makita ni Zach ang pamumula na naman ng kanyang pisngi.

"Daan muna tayong Super Market, ah... Anong gusto mong kainin mamaya? Anong gusto mong ulam? Ipagluluto kita," sabi niya sa binata. Sumigla naman ang mukha nito sa narinig. Gusto kasi niyang doon muna si Tina patulugin sa condo unit niya. Gusto niya ulit ito masolo.

"Really? You will cook for me?" siyang-siya na tanong nito. Tumango si Tina sa kanya. Napalawak ang ngiti nito.

"Gusto kong tikman ulit iyong Chicken Afritada at Chicken Adobo mo," masayang sabi nito. Napangiti naman si Tin. Matagal na rin nang huli siyang magluto ng putaheng iyon. Naalala pa niya nang minsang bumisita si Zachary at Larkin sa kanila at ipinagkuha niya ang dalawa ng Chicken Afritada at Adobo niya. Naubos kasi ng dalawa ang ulam pati ang kanin na inihanda niya.

"Hmm, okey. Ipagluluto kita," masayang tugon niya.

Gumagabi na nang makarating sila sa condo ni Zach. Agad silang dumiritso sa kusina at inihanda ang mga lulutuin. Hindi niya hinayaan na tulungan siya ni Zachary sa gawain. Pinaupo lang niya ito sa isang bakanteng upuan malapit sa mesa na kaharap siya.

Ako na lang sana COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon