"Good morning, baby," biglang bumilis ang tibok ng puso ni Tina nang mabungaran ang guwapong boyfriend niya sa malaking sala nila. Ang tamis ng mga ngiti nito sa kanya na abot hanggang tainga. Kakatapos lang niyang maligo at mag-ayos ng kanyang sarili sa kanyang k'warto. Ngayon ang unang araw ng pasukan sa paaralan na kanyang pagmamay-ari. She owns a a culinary school for children.Ito naman kasi ang pangarap niya noon pa man. Hundred percent din ang support na ibinibigay ng parents niya sa kanya, kahit pa siya ang nag-iisang magmamana ng kanilang mga negosyo ay hindi siya pinigilan ng daddy niya kung anong gusto niya. Darating din naman kasi talaga ang araw na siya na ang hahawak ng lahat ng negosyo nila pero sa ngayon na malakas pa ang mga magulang niya, hindi na muna siya pinapakialaman at kinukulit ng mga ito.
"Good morning, baby," nang makalapit ay agad pinulupot ni Zachary ang matipunong braso nito sa kanyang beywang at siniil siya ng isang malalim na halik. Napangiti siya ng matamis nang magbitiw silang dalawa. Yumakap siya nang mahigpit sa
kanyang nobyo. Dalawang araw lang itong nawala ay na miss niya na ito agad. Umuwi ito saglit sa probinsiya para bisitahin ang ama nito na na-Hospital. Bigla daw ito nakaramdam ng paninikip ng dibdib at hindi makahinga kaya isinugod agad sa Hospital."Na miss kita," saad ni Zach at hinaplos ang mukha niya. Hinawakan niya ang kamay ng binata.
"I miss you more," sabi niya at isiniksik ang kanyang mukha sa leeg ng nobyo. Ang bango ng leeg nito at nakakaadik amuyin. Kaya natawa bigla si Zach sa kanyang ginawa. Sininghot-singhot kasi niya ang leeg nito.
"Anong ginagawa mo?" humagikgik na turan nito at hinapit siya sa beywang.
"Ang bango kasi," nangingiti niyang sabi. Hindi niya mapigilan ang sarili na amoy-amoyin ito.
"Gusto mo sa k'warto mo natin ipagpatuloy ito?" nangaakit na tanong ni Zach. Bigla siyang napatigil at humarap ang binata sa namumulang mukha.
"Andito pa sila daddy at mommy," natatawang sabi niya. Hinila niya ito papuntang kusina.
"Kumusta na pala si tito?" tanong niya habang umiinom ng fresh milk. Tinabihan niya ito at agad naman siyang niyakap ng binata mula sa likuran. She missed him so much. Kung p'wede lang na hindi siya pumunta sa school niya ngayon.
"Maayos na ang lagay ni Papa. Nasa bahay na rin siya. Kinakailangan niya lang inumin iyong mga gamot na inihabilin ng doctor sa kanya," saad ni Zach. Tumango-tango siya dito.
Dalawang linggo na rin ang nakaraan. Iyong gabing may nangyari ulit sa kanila. Kinaumagahan noon ay kamuntik na silang mahuli ng parents ni Tina.
--
Mahimbing ang tulog ni Zachary sa tabi niya habang nakapulupot ang braso nito sa kanyang maliit na beywang at nakadantay naman ang mga hita nito sa may hita niya. Gising na siya pero ayaw niyang gumalaw baka kasi magising ang binata. They made love all night long at alam niyang pagod na pagod ito kagaya niya.
Tatlong katok mula sa labas ng kanyang pintuan ang nagpabangon kay Tina. Kamuntikan pang mahulog si Zachary sa kama buti nalang ay mabilis niya itong nahawakan sa kamay. Oh my God! Ang lakas ng tibok ng puso niya dahil sa kaba.
"Honey, bakit andiyan iyong kotse ni Zach sa labas?" tanong ng mommy sa labas ng kanyang k'warto. Bigla ang pagkataranta ni Tina. Si Zach naman ay nakangiti lang na nakatingin sa kanya. Gusto na nga niya itong batukan. Dahil siya kinakabahan, samantalang ang kasama niya ay parang cool lang sa tabi niya.
Agad niya itong hinila papunta sa isang pinto sa gilid ng closet niya. Nagtataka man ang binata ay nagpatianod ito sa kanya. Bumukas ang pinto at itinulak niya doon si Zachary. Maliit na pinto iyon pagpasok sa guest room nila.
BINABASA MO ANG
Ako na lang sana COMPLETED
General FictionKristina 'Tina' Drilon. Simpleng babae pero may tanging angking ganda. She loved her boyfriend so much but in the end, iniwan lang siya nito. Sa mga oras ng kalungkutan niya ay andiyan naman ang lalaking handang pasayahin siya. Zachary 'Zach' Valenc...