Staff: Jose, Wally, at Paolo, mag-ready na kayo sa Juan for all segment. Isuot niyo na yung mga costumes niyo.
JoWaPao: Sige.
Jose: Hay! Costume na naman...
Wally: Bakit naman Jose?
Jose: Eh nakakairitang magsuot ng costume, ang kati pa sa labi yung bigote.
Paolo: Kuya Jose, ang tagal na natin itong ginagawa. Paano kasi itong si Kuya Wally inumpisahan ung Dora- Dora na pagco-costume (sabay tawa)
Jose: Kunsabagay, dito tayo kumikita.
Staff: Ready JoWaPao, in 5, 4, 3, 2, 1....
Kap Jose: Ito ang istoryang kapana- panabik.
Joey: Ang ganda!
Allan K: Wala pa.
Ngangawad Paolo: Ito ang istoryang mukhang imposible, pero totoong nangyare.
Ex-O Wally: Ito ang istoryang inaabangan ng buong sambayanan.
JoWaPao: Kap's Book of Amazing True Love Stories!
Bossing: Recap! Recap!
Kap Jose: Recap tayo sa story kahapon....
(Nagkwentuhan sila sa love story ng mag-asawa, at nag-closing na sila)
Allan K: Tara! Jumunot na tayo ng susugurin.
Paolo: Hahahahaha.... Baklang bakla.
Allan K: Grabe ka saken ha, bakla ka din kaya.
Joey: Nagpapatanong sakin si Tito, di ba araw-araw kayong may nakakasalamuha na mga mag-aasawa. Kayo bang tatlo, iniisip niyo rin ba na sana ganoon din kayo katulad nila?
Paolo: Ako hindi, baka sila po oo (sabay tawa nilang lahat)
Jose: Ako siguro hindi na, kasi takot na ako sa ganyan eh. Ikaw Wally?
Wally: Ako, ok na ako sa pamilya ko.
Bossing: Weh? Maniwala ako sa inyo.
Jose: Kami? Di kayo nagtitiwala Bossing?
Bossing: Eh mga siraulo kayo eh
JoWaPao: Hahahahaha........
(Bumunot si Bossing ng mananalo, at binigyan nila ito ng papremyo)
Jose: Hay! Salamat! Tapos na, makakapagpahinga na rin tayo.
Wally: Nabalitaan niyo ba na bukas may bisita tayo sa barangay?
Paolo: Hindi, pero natural lang naman yun kasi sabado.
Jose: Sino daw? (nagtatakang tanong niya)
Wally: Hindi sinabi yung pangalan eh, narinig ko lang yun kay Allan. At saka malapit daw na kaibigan niya ung pupunta.
(Biglang kinabahan si Jose)
Paolo: Bakit kinakabahan ka Kuya Jose?
Jose: Wala, bigla akong kinutuban. Bigla rin akong kinabahan.
Wally: Ipahinga mo na lang yan, bukas kitakits ulit tayo.
Paolo: Sabay na ako sa iyo Kuya Wally.
Wally: Sige, sasabay ka ba sa amin Jose?
Jose: Hindi na, may sasakyan naman akong dala. Sige, bye Wally at Paolo!
WaPao: Bye Kuya Jose!
(Umuwi na si Jose at biglang tinawag ni Wally si Paolo)
Wally: Halika dito Paolo.
Paolo: Bakit Kuya Wally?
Wally: Nagsinungaling ako sa inyo kanina. Alam ko kung sino ung guest natin bukas.
Paolo: Sino?
Wally: Si Eugene Domingo.
Paolo: Ha! Talaga? Sabihin natin ito kay Kuya Jose.
Wally: Huwag! Lihim natin itong lahat kay Jose. Dapat hindi niya alam ito. Si Bossing ang nag plano nito.
Paolo: Ok, sige, hindi ko ito sasabihin kay Kuya Jose. Excited na ako bukas, kinikilig ako. Teka bakit nga ba pinalano ito nina Bossing?
Wally: Para magkaayos na silang dalawa, 2 taon na kasi silang di nagkakabati simula nung nag-away sila.
Paolo: Ano naman ang connect nun sa pag geguest niya sa atin?Pwede naman silang magbati off-cam.
Wally: Kasi gusto nina Bossing makita kung magbabati sila o hindi. Magbabati sila sa paraan na hindi magbabati.
Paolo: Ha? Ang gulo.
Wally: Basta malalaman mo bukas, at saka gusto na talaga makipagbati ni Uge kay Jose.
Paolo: Ahhh...ok.
Wally: Siya ang gaganap na bagong secretary habang wala si Maine.
Paolo: Ha? Araw-araw natin siyang kasama?
Wally: Oo, kaya siguradong magbabati ung dalawang iyon.
Paolo: Excited na talaga ako. Sige bye Kuya Wally!
Wally: Bye Paolo! Baka di ka na makatulog ng dahil dyan.
(Nakauwi na silang lahat at nagpapahinga na para bukas)
YOU ARE READING
Kap's Book Of Amazing True Love Story
RomanceAraw-araw silang nagbibigay ng aral sa mga umiibig at iibig pa lang. Paano kaya kung si Kap ay umibig na rin? Malaki ba ang epekto nito sa kanilang barangay? O kaya sa kanyang sarili?(PS. Gawa gawa ko lamang po ito) Characters: (Main) Jose/Kap.Jose ...