Chapter 4

113 1 0
                                    

Jose: Bakit niyo nga po pala kami pinatawag Bossing?

Wally: Oo nga po. Bakit po?

Bossing: Dahil may importante akong sasabihin sa inyo, lalo na kay Jose. (Kinabahan ang lahat) Hindi ko gusto ung galaw mo kanina Jose. May problema ba?

Jose: Wala po Bossing.

Bossing: Mag-usap tayo mamaya ng personal sa Dressing Room ko.

Jose: O-opo. (Takot niyang sagot)

(Habang nagmimeeting, tinitignan ni Wally ung dalawa kung ok lang sila, pero hindi pa rin sila nag-uusap)

Wally: Ok ka lang ba pare?

Jose: Ok lang, bakit mo naman naitanong?

Wally: Wala lang, kasi nung kanina sa Juan for all hindi ka namin makausap ng maayos eh.

Jose: Masama lang siguro ung pakiramdam ko.

Staff: Kuya Jose! Pinapatawag kayo ni Bossing.

Jose: Sige, susunod na ako. Sige bye Wally!

Wally: Bye pre. Ingat ka, bad mood pa naman si Bossing ngayon.

(Pumunta na si Jose sa Dressing Room kung saan nandoon si Bossing nag-iintay sa kanya)

Jose: Bossing, pinatawag niyo daw po ako?

Bossing: Oo, halika nga dito. Ok ka lang ba talaga?

Jose: Ako po? Ok lang naman po ako. Bakit po?

Bossing: Kasi kanina hindi ka namin makausap ng maayos. Umamin ka nga, ok lang ba talaga kayo ni Uge?

(Naririnig ni Uge ung pag-uusap nina Bossing at Jose sa pintuan)

Jose: Ok naman po kami. Nag-usap naman po kami kanina.

Bossing: Alam kong nagsisinungaling ka. Umamin ka, hanggang ngayon pa rin ba takot ka pa rin na kausapin siya?

(Wala ng nagawa si Jose kundi umamin na kay Bossing)

Jose: Opo, hanggang ngayon hindi ko po siya kayang harapin. Ang laki kasi ng kasalanan ko sa kanya. Hindi ko po alam ang gagawin ko. Kasi hanggang ngayon...

Bossing: Hanggang ngayon ay mahal mo pa rin siya?

Jose: Opo, mahal ko pa rin siya (may luhang bumaba mula sa kanyang mga mata)

(Narinig ni Uge ang sinabi ni Jose, hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Naiyak din siya kasi mahal niya din si Jose)

Bossing: Kung ako sa inyo ayusin niyo na yang away niyo. Ako ang nahihirapan sa inyong dalawa.

Jose: O-opo Bossing. (Habang umiiyak)

Bossing: Tigilan mo na ngang umiyak, hindi bagay sa iyo. At bilang Kuya mo, nahihirapan din ako sa sitwasyon mo. Umamin ka na kasi sa kanya sa nararamdaman mo.

Jose: Baka kasi Bossing, hindi niya ako mahalin pabalik. Ngayon pa nga lang di kami maayos.

Bossing: Ikaw bahala, basta sa huli huwag mong pagsisisihan ang mga desisyon mo.

Jose: Opo Bossing, uwi na rin po ako.

Bossing: Sige, umuwi ka na. May show ba kayo ni Wally mamayang gabi?

Jose: Opo, actually 2 show po meron kami ngayon.

Bossing: Pahinga ka na, at may lagari pala kayo ngayon. Sige bye Jose.

Jose: Bye po Bossing.

(Pinunasan agad ni Uge ang mga luha niya at biglang lumayo sa pintuan ng DR)

Wally: Ano pre ok na kayo ni Bossing?

Jose: Ok naman kami, kinausap niya lang ako.

Wally: Eh ba't parang umiyak ka?

Jose: Hindi ako umiyak, napuwing lang ako. Sige pre maya na lang ulit sa show natin.

Wally: Weh? Sige maya na lang ulit. Ingat ka sa pag uwi.

Jose: Sige, ingat pre.

(At sila ay umuwi na at nagpahinga na para sa show nila sa gabi)

Kap's Book Of Amazing True Love StoryWhere stories live. Discover now