Chapter 5

122 2 0
                                    

(Ready na si Jose para sa show nila ni Wally sa Klownz at Zirkoh, pero parang nanghihina siya)

Jose: Bakit parang nahihilo ako at medyo masakit ang ulo ko. Sana hindi naman lagnat ito, may lagari pa kami ni Wally. Kaya ko ito, pagkatapos ng 2 show namin pahinga na kaagad ako.

(Pumunta na siya sa Klownz at napansin siya ni Allan at Wally na matamlay)

Wally: Pre? Ok ka lang ba?

Jose: Oo naman, Bakit?

Allan: Eh kasi napansin namin na parang matamlay ka, may sakit ka ba?

Jose: Ako? May sakit? Hindi noh. Ako pa magkakasakit?, seryoso lang ako ngayong gabi.

Wally: Talaga ba? O baka siya ang iniisip mo?

Jose: Sino naman ang iisipin ko?

Allan: Eh di si bff ko. Deny ka pa.

Jose: Hindi ko siya iniisip. Magso show ba tayo o tutunganga lang tayo dito?

Wally: Naku! Iniiba ung usapan.

Allan: Sa katunayan nga nandito siya. Niyaya ko siyang manood ngayon.

Jose: S-siya, nandito?!

Allan: Oo, bakit may problema ba?

Jose: Wala, tara umpisahan na natin ung show.

Wally: Tara, Gorabels na tayo.

(At inumpisahan na nila ung show nila, kagaya ng nakagawian nila, nagpapatawa sila at kumakanta ng mga nirerequest ng audience nila)

JoWa: Cause all of me, loves all of you.

Love your curves and all your edges.

All your perfect, imperfections. Give

your all to me. I give my all to you.

You're my end and my beginning. Even

when I loose I'm winning. Cause I give

you all..... of me. And you give me

all.....of you ohh.... (Nagpalakpakan ang mga audience dahil sa ganda ng blending ng mga boses nila)

Jose: Thank you, thank you.

Wally: Sino ang susunod na magre request ng kanta?

Allan: Ako! ako!

Wally: Ikaw Allan?

Allan: Hindi ako, ung katabi ko magre request ng kanta.

Uge: Pwede kantahin niyo ung Bakit Ngayon Ka Lang?

Wally: Sige, ano Jose bakit ngayon ka lang daw ang kakantahin natin?

Jose: S-sige.

JoWa: Bakit ngayon ka lang, dumating

sa buhay ko. Pilit binubuksan ang

sarado ko na puso. Ikaw ba, ang

nararapat sa akin. At siya ba'y, dapat

ko ng limutin. Nais kong malaman,

bakit ngayon ka lang........dumating..

(Nagpalakpakan ulit ang mga audience, pati sina Allan at Uge)

Wally: Jose! Bakit umiiyak ka?

Jose: Wala, naalala ko lang ung pamilya ko.

Wally: Talaga ba?

Jose: Oo, tapusin na natin ito para makalagari na tayo sa kabilang bar.

Wally: Sige.

(Napansin nina Allan at Uge ang pag-iyak ni Jose)

Allan: Best, bakit kaya umiyak si Jose?

Uge: Hindi ko alam

Allan: Hala! Baka siguro ng dahil sa iyo?

Uge: Bakit naman sa akin?

Allan: Eh kasi maha- este hindi mo pa siya binabati.

Uge: Yun lang? Iiyak siya.

Allan: Malay mo, ganoon nga.

Uge: Alamin muna natin bago tayo manghusga.

Allan: Sige, gusto mo sundan natin sila sa Zirkoh?

Uge: Para saan?

Allan: Para malaman natin kung ano ung dahilan.

Uge: Sige, pero kapag may nangyaring masama, ikaw ang bahala.

Allan: Sige, ako bahala.

(At sinundan nga nila ung dalawa sa Zirkoh, pinanuod uli nila ung dalawa hanggang sa matapos ung show nila)

Jose: Wally halika dito.

Wally: Bakit pre?

Jose: Samahan mo akong mag-inom.

Wally: Pare may Sunday Pinasaya pa tayo bukas ah.

Jose: Tanghali pa naman yun eh.

Wally: Sasamahan na lang kita. Mahirap na kung pareho pa tayong lasing.

Jose: Sige, sige.

(Uminom si Jose ng sobra sobra. Hindi na niya alam ang sinasabi at ginagawa niya)

Wally: Pre, tama na yan. Marami ka ng naiinom. May problema ka ba?

Jose: Oo, si Uge pare.

Wally: Si Uge pre ano?

Jose: Mahal ko si Uge, mahal na mahal.

(Narinig ito nina Allan at Uge. Gulat na gulat naman si Wally nung narinig ito)

Wally: M-mahal mo siya?

Jose: Oo, Hindi lang mahal, mahal na mahal.

Wally: Marami ka ng nainom kaya nasabi mo yan.

Jose: Hindi. Totoong mahal ko siya.

Wally: Teka pare, ba't parang mainit ka? May lagnat ka!

Jose: Wala akong lagnat.

Wally: Meron, iuuwi na kita sa inyo.

Jose: Huwag! Papagalitan ako ni nanay kapag nalaman niyang lasing ako.

Wally: Ay! Oo nga pala.

(Agad agad pumunta sina Allan at Uge kina Wally)

Allan: Doon ka na lang sa bahay ko mag-stay.

Wally: Nandito kayo?

Allan: Oo, ito kasing si bff nagyaya pumunta dito.

Uge: Mainit ka nga Jose.

Wally: Uy si Uge nag-aalala.

Jose: Uge! I-ikaw ba yan?

Uge: Oo, masakit ba ung ulo mo?

Jose: M-medyo. Dito ka lang sa tabi ko.

Uge: Oo naman.

(Habang nag-uusap ung dalawa, kinikilig naman sina Allan at Wally)

Allan: Iuwi na natin siya sa bahay ko, baka abutin tayo ng umaga dito.

Wally: Sige, ako na ang magmamaneho.

Uge: Best, duon muna ako sa bahay mo. Aalagaan ko siya. Pwede ba?

Allan: Sige. Nag-aalala ka talaga sa kanya eh. (Pang-aasar niya)

Uge: Oo na! Nag-aalala ako sa kanya.

(At sila ay nagtungo na sa bahay ni Allan)

Kap's Book Of Amazing True Love StoryWhere stories live. Discover now