Chapter 6

100 2 0
                                    

(Sumakay na sila ng sasakyan para iuwi na si Jose sa bahay ni Allan)

Jose: Uge! Uge! Uge! (Paulit-ulit niyang sambit)

Uge: Bakit Jose? Masakit ba ung ulo mo?

Jose: M-medyo.. (Parang nasusuka niyang sambit)

Uge: Itigil mo ung sasakyan dyan Wally, naduduwal si Jose.

Wally: Sige, alalayan niyo siya baka mahilo pa lalo.

(Hininto niya ang sasakyan sa tabi at bumaba sila para alalayan si Jose sa pagsuka)

Allan: Ayan kasi, ang dami mong nainom. Ano ba ang problema nito Wally? Bakit siya nag-inom?

Wally: Pasensya na, hindi ko din alam eh. Basta nagyaya siyang mag-inom. Malay ko ba na ganyan kadami ang iinumin niya.

(Hinawakan ni Jose ang ulo niya)

Uge: Ok ka lang ba? Masakit pa ba ang ulo mo?

Jose: Oo ayos lang ako, huwag mo akong intindihin.

(Pero bigla siyang nahimatay, at maigi ay nandoon si Wally para sambutin siya)

Wally: Pare! Pare! Jose! Jose! (Ginigising niya ang kaibigan niya pero hindi ito nagising)

Allan: Maigi pa na sa bahay ko na natin siyang gisingin, over fatigue lang siguro yan. Kailangan niya ng pahinga.

Wally: Sige, tara na sa sasakyan. Uge!

(Parang wala sa sarili si Uge tila malalim ang iniisip, hindi niya kinikibo si Wally)

Allan: Uge! Tara na. Delikado pa naman ang daan ngayon.

Uge: Ha?

Allan: Kanina ka pa tinatawag ni Wally. Malalim ata ang iniisip mo.

Uge: W-wala, sige sunod na ako.

(Nakadating na sila sa bahay ni Allan, pero hindi pa rin nagigising si Jose, kaya pinagtulungan ni Allan at Wally na buhatin si Jose papunta sa kama na inihanda sa kanya)

Wally: Balitaan niyo na lang ako kung ok na si Jose.

Allan: Sige, iuupdate ka namin. Pero teka, paano ung nanay ni Jose?

Wally: Ako ang bahala kay nanay, gagawa na lang ako ng dahilan para maniwala siya.

Allan: Paano ung Sunday Pinasaya niyo bukas?

Wally: Ako din ang bahala dun, sasabihin ko na may sakit si Jose, tutal may lagnat naman siya di ba?

Allan: Kunsabagay. Sige ikaw na bahala dyan, mag- ingat ka pag-uwi mo.

Wally: Sige. Teka, nasaan si Uge?

Allan: Ayun, nanduon sa kwarto ni Jose, inaalagaan niya. (Sabay kilig)

Wally: Bakit ko pa ba itatanong yan, eh mahal niya yun... Hehe... Sige alis na ako.

Allan: Bye Wally!

(At umuwi na si Wally. Si Allan naman ay naghahanda ng pamunas para kay Jose, habang si Uge naman ay nakatitig lang kay Jose na natutulog)

Uge: Alam mo Jose, ang ganda pala ng mga mata mo, nakakabighani. Sana maging ok na tayo. Miss na miss na kita. Miss ko na yung dating ikaw, na sweet, palabiro, at mabait. Ikaw kasi eh kaasar ka, biro ka ng biro, nasasaktan mo na pala ako. Sana paggising mo ok ka na pati rin tayo, kasi mahal na mahal kita eh (paluha niyang sambit)

(Nakikinig si Allan sa pinto. Ramdam niya ang kalungkutan ng kanyang best friend, kaya pumasok na siya ng kwarto para ibigay ung pamunas at palanggana na may tubig na malamig)

Allan: Best! Ito na yung bimpo at palanggana.

Uge: Thank you best.

Allan: Tulungan na kita.

Uge: Sige, thank you.

Allan: Thank you? Saan?

Uge: Sa pagtulong mo kay Jose.

Allan: Ano ka ba, wala yun. At saka kaibigan ko rin sila, kaya ko sila tinutulungan.

Uge: Alam mo masuwerte ako na kaibigan kita.

Allan: Best alam mo naman na ayoko ng dramahan.

Uge: Hindi naman ito drama, real life ito.

Allan: Alam mo imbes na magdaldalan tayo dito, alagaan na natin si Jose.

Uge: Opo na po boss.

Allan: Mahal mo siya noh?

Uge: Sino?

Allan: Alangan naman ako? Eh di si Jose? Huwag ka ng mag-deny, kilala kita.

Uge: Oo, mahal na mahal ko siya.

Allan: Bakit ayaw mo pang sabihin sa kanya?

Uge: Baka kasi masaktan lang ako.

Allan: Subukan mo kaya, ganyan talaga ang pag-ibig, parang sugal lang yan. Wala naman mawawala kung susubukan mo, kaibigan ka naman niya eh.

Uge: Talaga?

Allan: Oo, try mo kapag ok na siya.

Uge: Sige, pero kinakabahan ako eh. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.

Allan: Eh di sabihin mo ang nilalaman ng puso mo.

Uge: Sige, sasabihin ko na lang sa kanya pag ready na ako, hindi ko pa kaya ngayon eh.

Allan: Sige, susuportahan kita best. Basta walang atrasan.

Uge: Oo ba.

Jose: Uge! Uge! Uge! Uge!

Uge: Jose?

(Pot! Pot! Haha.. parang kalyeserye lang. To be continued....)

Kap's Book Of Amazing True Love StoryWhere stories live. Discover now