(Nakarating na sina Jose at Tito Sen sa Broadway. Kaya tinawag na ni Tito Sen si Bossing na sobrang nag-aalala)
Tito Sen: Vic! Nandito na ako kasama si Jose.
Bossing: Ha? Talaga? Di ba may Senate Hearing ka ngayon?
Tito Sen: Nagsinungaling ako sa iyo. Gusto kong tumulong sa paghahanap kay Jose. Eto nga siya, may sugat pa.
Jose: B-bossing, sorry😢
Bossing: It's ok, you don't need to say sorry. Pero, saan galing yang sugat mo?
Jose: W-wala po ito.
Bossing: Ano yan? Trip mo lang?
Jose: Opo napagtripan ko po ung sarili ko habang naglalakad ako sa kalsada😅 (Pagtatakip niya sa ginawa ni Wally sa kanya nung nagsuntukan sila)
(At biglang may pumigil sa kanilang pag-uusap)
Allan: Best! Teka lang baka marinig ka nila!
Uge: Wala akong pakielam, gusto kong makita si Jo-se... Jose?
Jose: Uge?! Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba nasa ospital ka?
Uge: Kasi–
Allan: Kasi nag-aalala siya sa iyo. Pinipigilan ko na nga, ayaw magpumigil.
Jose: Dapat hindi ka na pumunta dito. Paano kung may mangyari sa iyo? Eh di dagdag pa yun sa mga kasalanan ko sa iyo.
Uge: Nag-alala lang naman ako sa iyo eh. Actually, ako pa nga ang may kasalanan dito kaya nawala ka.
Jose: Ok lang naman ako, kaya wala ka ng dapat ipag-alala😊
Uge: Ok? Eh ano yang sugat sa mukha mo?😒
Jose: W-wala ito, nadisgrasya lang ako nung naglalakad ako sa kalsada. (Deny pa more!!!!)
Uge: Excuse me lang po Bossing.
Bossing: Sige.
(Bigla niyang hinila si Jose papuntang dressing room para gamutin)
Jose: Teka, bakit mo ako dinala dito?
Uge: Para gamutin yang sugat mo😒
Jose: Hindi na, wag na. May manggagamot naman sa akin eh😅
Uge: Hayaan mo na ako. Gusto ko lang naman bumawi sa iyo eh. Kaya please, pwede ba? Wag ka ng kokontra😡
Jose: Opo sige na po Boss!😂
(Habang ginagamot ni Uge ang sugat ni Jose, nag-uusap naman ang tatlo tungkol sa kanila)
Bossing: Tignan niyo silang dalawa.
Allan: Bakit Bossing?
Bossing: Masaya sila kapag kasama nila ang isa't isa.
Tito Sen: Hindi lang masaya, magkaayos na sila.
Allan: Oo nga noh. Pansin ko nga kay Best kapag hindi si Jose ang katrabaho niya, hindi siya komportable.
Bossing: Oo nga eh. Di ba kahapon pa nag-start ung Celebrity Bluff ni Uge?
Allan: Oo Bossing, ba't mo naman naitanong?
Bossing: Di ba sabi mo nga na kay Jose lang siya komportable makipag-trabaho. Eh kitang-kita ko na kahit pinapakita niyang masaya siya, eh sa loob-loob niya, nalulungkot siya.
Tito Sen: Tama ka, kahit ako napansin ko iyon. Paano ba naman itong si Jose, hindi na pumirma uli ng kontrata sa show nila.
Allan: Alam mo naman Tito Sen na araw-araw siyang nagtatrabaho, kahit linggo. Sabi niya nga, kailangan niya rin magbawas ng mga shows niya, napapagod na din kasi daw siya.
Bossing: Oo nga, kaya nga bilib na bilib ako sa kanya. Hindi siya maarteng tao, lahat gagawin niya. Maliban lang sa isa.
Allan: Ano un Bossing?
Bossing: Eh di ung pag-amin niya dun (Sabay turo kay Uge)
Tito Sen: Aamin na siya kay Uge.
Bossing: Kailan? Teka, bakit alam mo?
Tito Sen: Actually, hindi ko din alam kung kailan siya aamin. Hintayin na lang natin siyang umamin.
Bossing: Akala ko naman alam mo, naloko mo ako dun ah.
Allan: Sana nga umamin na siya, para hindi na mahirapan si Best.
(Tapos na niyang gamutin si Jose, kaya nagtanong na si Jose sa kanya)
Jose: Uge?
Uge: Bakit Jose? Masakit pa ba yang sugat mo? Gusto mong gamutin ko uli?
Jose: Hindi na, ok lang ako. Gusto sana kitang tanungin? Pwede ba?
Uge: Oo naman, ano itatanong mo sa akin?
Jose: Kamusta naman kayo sa Celebrity Bluff? Sina Edu, Boobay, Brod Pete, at ikaw?
Uge: Maigi naman at kinamusta mo din sina Brod Pete.
Jose: Syempre, nakatrabaho ko din sila. Miss ko na sila eh, ung kakulitan nila.
Uge: Maigi pa sila namiss mo, nakatrabaho mo din kaya ako😒
Jose: Eh nakakasama naman kita sa Juan for all eh, sila naman hindi.
Uge: Umalis ka pa kasi eh😒 (Pabulong niyang sinabi sa sarili)
Jose: Ano yon?
Uge: W-wala. Sabi ko, ayos naman sila Boobay at Brod Pete. Ganoon pa din sila katrabaho. Si Edu naman, ayos din. Nakakasabay naman siya sa mga kalokohan na pinaggagagawa namin. Hindi naman maiiwasan na magtanong sa amin ung mga studio audience kung babalik ka pa. Hindi na nga lang namin sinasagot eh. Lalo na si Edu, kapag tapos na ang taping, minsan sinasabihan siya na hindi siya bagay sa show, na ikaw pa rin ang gusto nila na dapat na nandoon. Kaya kino-comfort na lang namin siya.
Jose: Ahh... Ganoon ba? Kahit ako gusto kong bumalik sa show, pero syempre tao din ako, napapagod. Pakisabi na lang kina Boobay, Brod Pete at kay Edu, na galingan nila sa trabaho nila. Baka nga mag-guest pa ako dun kapag nataon.
Uge: Sige, makakarating un sa kanila. Sana nga makapunta ka uli sa studio, maraming nakakamiss sa iyo, lalo na ung mga staff natin.
Jose: Talaga? Sige dadalaw ako dun pag hindi ako busy😂
Uge: Sige, hihintayin kita don😊
(Biglang pumasok sina Bossing, Kaya naudlot ang pag-uusap nila)
Bossing: Ok ka na ba Jose?
Jose: Opo Bossing. Magaling pala si Uge sa mga ganito.
Uge: Bossing?
Bossing: Ano un Uge?
Uge: Pwede ko po bang isama sa outing natin ung mga kasama ko sa Celebrity Bluff?
Bossing: Sina Boobay? Oo naman, welcome sila sa outing natin.
Uge: Thank you po Bossing😊
Bossing: Walang anuman😊
(Umalis na si Bossing at naiwang uli ung dalawa)
Jose: Maigi naman at kasama mo sina Boobay, mas masaya.
Uge: Oo nga eh, ang saya-saya ko Jose😁
Jose: Bakit?
Uge: Kasi magkakasama uli tayo😁
(At bigla niyang niyakap si Jose sa sobrang tuwa niya)
Jose: Uge?😅
Uge: Ang saya-saya ko talaga, kung alam mo lang Jose😁
Jose: (Masaya din ako. Sana ako ang dahilan ng pagngiti mo, masaya ako para sa iyo Uge😊)
Pot! Pot! Pot! To be continued...
YOU ARE READING
Kap's Book Of Amazing True Love Story
RomanceAraw-araw silang nagbibigay ng aral sa mga umiibig at iibig pa lang. Paano kaya kung si Kap ay umibig na rin? Malaki ba ang epekto nito sa kanilang barangay? O kaya sa kanyang sarili?(PS. Gawa gawa ko lamang po ito) Characters: (Main) Jose/Kap.Jose ...