(Habang naghihintay sila sa paggising ni Jose, umalis muna si Wally para mag show ng Sunday Pinasaya)
Wally: Uge, Boss Allan, Paolo, alis na ako. Magsoshow pa ako eh. Pakitext niyo na lang sa akin kung ok na si Kuya ko. Alagaan niyo siyang mabuti ha.
Paolo: Opo Kuya Wally, yakang yaka namin ito. Huwag kang mag alala, ok lang si Kuya Jose, siya pa, eh matapang siya.
Allan: Oo, tama si Paolo, magiging ok si Jose. Kami na ang bahala sa kanya.
Uge: Aalagaan namin siyang mabuti. Don't worry he will be fine.
Wally: Salamat ha. Sige una na ako, baka malate pa ako. Bye sa inyo, bye Kuya Jose!
Lahat: Bye Wally!
(Lahat ay sobrang busy sa pag aalaga kay Jose. Lahat sila ay nakatutok dito, hinihintay ang paggising niya)
Uge: Jose! Please! Gumising ka na.
Allan: Hay nako best napaghahalataan ka😏
Uge: Tumigil ka nga, serious mode ako ngayon. Paano kasi itong si Jose alam na may lagnat siya, naglasing pa.
Paolo: Sisisihin mo pa yung tao Ate Uge eh ikaw lang naman ang iniisip niya kaya siya nagkaganyan.
Allan: Oo nga, I agree with you. Pak! English to😂
Uge: Pagkakaisahan niyo pa talaga ako😒
Jose: U-uge! (At bigla itong gumalaw habang sinasambit ang pangalan ni Uge na ikinagulat ng lahat)
Uge: Jose? Ok ka na ba?
Jose: Uge...... M-mahal kita
(Biglang tumigil ang mundo niya ng marinig niya ito. Hindi niya alam kung kikiligin ba siya o hindi)
Allan: Best mahal ka niya! Sabi ko sa iyo mahal ka din niya😉
Paolo: Talaga ba? May pagtingin ka din ba kay Kuya Jose, ate Uge?😏
Uge: Ako? Syempre wala. Huwag kang maniniwala kay Allan.
Paolo: Weh? Sige sabi mo yan😏
(Biglang may kumatok sa pinto, binuksan agad ito ni Allan para malaman kung sino ang kumakatok)
Allan: Sino yan?
Bossing: Ako ito, si Bossing niyo.
Allan: Sige pasok po kayo Bossing. Ba't po kayo nandito?
Bossing: Syempre, para dalawin si Jose. Kailangan bang tanungin mo pa sa akin yan, eh matalik kong kaibigan si Jose.
Allan: Ah sorry po Bossing 😅
Bossing: Wag ka ng magsorry. By the way, how's Jose?
Allan: Di pa po namin alam kung ok na po siya, pero tinawagan ko na po ung doctor para tignan na po siya.
Bossing: Ahh ok. Hi Eugene! Ba't ka din nandito?
Uge: Uhm.. Uge na lang po ung itawag niyo sa akin.
Bossing: Ah sorry. Ba't ka napadalaw dito Uge? Akala ko ba hindi kayo ok ni Jose?
Uge: Eh kasi po.... kasi po...
Allan: Kasi po kasama ko po siya nung time na yon. Nanood po kami ng show nung dalawa. Eh naabutan po naming naglalasing si Jose at nilagnat po siya, kaya dinala po namin siya dito sa ospital.
Bossing: Ahh ganun ba? Kaya naman pala eh. Pero teka ikaw ba si Uge, Allan?
Allan: Hindi po😶
Bossing: Eh ba't ikaw ang sumagot ng lahat. Talaga naman oh. Komedyante ka talaga.
Allan: Sorry po Bossing.
Paolo: Yan kasi, sabat ng sabat😂
Bossing: Nandito ka pala Paolo.
Tok! Tok! Tok!
Uge: Pasok!
Doc: Magandang tanghali po.
Allan: Kayo pala yan doc.
Bossing: Good afternoon po doc.
Uge: Kamusta na po si Jose?
Doc: Ok naman po ung pasyente, pahinga lang po talaga ang kailangan niya. Medyo makakaramdam lang po siya ng headaches dahil po dun sa pag inom niya ng marami. Baka bukas po ng umaga pwede na po siyang lumabas ng ospital.
Uge: Hay salamat naman.
Paolo: Ano yon Ate Uge?😏
Uge: W-wala.
Bossing: Maigi naman at ok na siya, makakahinga na ako ng maluwag.
Allan: Sinabi mo pa Bossing. Sobra kaya kaming nag alala.
Paolo: Ay Boss Allan itext ko pala si Kuya Wally na ok na si Kuya Jose, tsak nag aalala na yun.
Allan: Sige Pao, baka himatayin na yon sa sobrang pag aalala sa Kuya niya.
Kuya Wally
Kuya, ok na si Kuya Jose, pwede na daw siyang makalabas bukas ng umaga.
Talaga!? Sige, mamaya pupunta ako diyan.
Ingat ka Kuya Wally. Bye.
Bye, see you mamaya.
End of the text
Uge: Ano sabi ni Wally?
Paolo: Mamaya, pupunta daw siya.
Bossing: Uhm Uge?
Uge: Ano po iyon Bossing?
Bossing: Pwede ba kitang makausap saglit? Ng tayo lang?
Uge: S-sige po.
(Lumabas ang dalawa para mag usap)
Bossing: Uge, alam kong may itinatago ka sa amin. Umamin ka na, huli na kita.
Uge: Ako? May itinatago sa inyo Bossing? Wala akong itina–
Bossing: Mahal mo si Jose.
Uge: Hindi ko po siya ma–
Bossing: Wag mo ng itanggi. Kita ko sa mga mata mo na mahal mo siya. Bakit ba hindi mo maamin sa kanya na mahal mo siya?
Uge: Eh kasi po... kasi po baka hindi niya po ako mahalin pabalik. At saka hindi ko pa po sure ung nararamdaman ko para sa kanya.
Bossing: Anong hindi ka mahalin pabalik eh sinabi niya sa akin na ma–
Uge: Na ano po Bossing?
Bossing: W-wala. Wala namang mawawala kung aamin ka sa kanya.
Uge: Darating po tayo dun, sa tamang panahon.
Bossing: Ano to? Babala ni Lola Nidora?
Paolo: Ate Uge! Bossing! Gising na po si Kuya Jose.
Pot! Pot! Pot! To be continued...
YOU ARE READING
Kap's Book Of Amazing True Love Story
RomanceAraw-araw silang nagbibigay ng aral sa mga umiibig at iibig pa lang. Paano kaya kung si Kap ay umibig na rin? Malaki ba ang epekto nito sa kanilang barangay? O kaya sa kanyang sarili?(PS. Gawa gawa ko lamang po ito) Characters: (Main) Jose/Kap.Jose ...