Chapter 9

101 3 0
                                    

(Gumising na si Jose na ikinatuwa ng lahat, pero parang siya ay nagtataka sa mga nangyayari)

Jose: Nasaan ako? (Biglang sumakit ang ulo niya)

Allan: Ok ka lang ba? Nasa ospital ka kasi nilagnat ka ng mataas.

Jose: Ok lang ako. Asan si Wally? Bakit kayo ang kasama ko dito?

Allan: Wala si Wally dito, nag show muna siya at mamaya siya pupunta dito.

Jose: Hala! Patay!

Paolo: Sinong patay?! Sabihin mo Kuya, sinong patay?😲

Jose: Ang OA mo Paolo walang namatay. Sabi ko patay ako kay direk kasi hindi ako nakapasok ngayon.

Allan: Alam mo Jose wag ka ng mag alala.

Jose: Anong wag mag alala? Eh lagot ako ngayon dun😧

Allan: Si Wally ang nagpaalam para sa iyo, ipinaalam niya yun sa direktor niyo na may sakit ka.

Jose: Ganun ba? Sensya na, nag alala lang ako.

Allan: Ok lang yun.

Bossing: Gising ka na pala.

Jose: Bossing? Ba't nandito kayo?

Bossing: Syempre matalik kitang kaibigan kaya nandito ako. Tinatanong pa ba yan Jose. Kilala mo ako. Ano? Ayos ka na ba?

Jose: Opo ayos na a–ko.

(Bigla niyang nakita si Uge. Siya ay natulala. Tumingin din sa kanya ito at sila ay nagtinginan ng matagal. Nakita nina Bossing ito na agad pinutol ang moment nilang iyon)

Bossing: Jose!

Jose: Uhm... Ano yon Bossing?

Bossing: Ok ka lang ba talaga?

Jose: Opo, ok na ok po ako.

Bossing: Kausapin mo na siya (Pabulong niyang sabi kay Uge)

Uge: Kinakabahan po ako Bossing eh (Pabulong niyang sagot)

Jose: Ano ginagawa mo dito Uge?

(Biglang siyang kinabahan ng marinig niya ang pangalan niya na nasambit ni Jose)

Uge: D-dumalaw sa iyo.

Jose: Bakit?

Uge: K-kasi nag aalala ako para sa iyo.

Jose: Baka may taping ka ngayon, unahin mo na yon kaysa sa akin, tutal ayos na ako. Thank you sa pag aalala mo sa akin😊

Uge: W-wala naman akong taping ngayon kaya dito muna ako p-para alagaan ka😣

Allan: Jose wag mo ng pigilan si Uge na alagaan ka. Gusto niya lang na makabawi sa iyo.

Uge: Oo tama si best, gusto ko lang na makabawi sa iyo sa dalawang taong di tayo nag-uusap.

Jose: Ah... Ganun ba? Pero baka makaistorbo ako sa iyo?

Uge: Ok lang sa akin yun Jose.

Paolo: Guys! Kakatext lang ni Kuya Wally, papunta na daw siya dito kasama sina Menggay at Alden.

Allan: Exciting to. Ang daming love birds😂

Uge: Best!😠

Jose: Uge? Kalma ka lang😅

Bossing: Jose, dyan ka lang. Magpapasama lang ako kina Allan at Paolo para bumili ng pagkain. Nandyan naman si Uge para alagaan at bantayan ka.

Allan/Paolo: Kami Bossing?!

Bossing: Oo kayong dalawa. Tara na.

Allan/Paolo: Sige po.

(Lumabas na sila. Naiwan ang dalawa, medyo awkward sila sa isa't isa kaya nagsalita na si Jose)

Jose: Kamusta ka na?

Uge: A-ako?

Jose: Oo, ikaw. Ikaw lang naman ang kasama ko dito eh.

Uge: Ayos lang naman ako. Ikaw?

Jose: Medyo ok na ako. Ba't ba ang layo mo sa akin? Katabi mo na ung pinto, baka pagbukas niyan madali ka pa. Pwede ka namang lumapit eh, di naman nakakahawa ung lagnat ko. Sige ka baka hindi na kita kausapin ulit, ang dami pa namang ibang babae diyan na seksi at maganda😂

(Lumapit siya dito at kinurot ang tenga niya)

Uge: Ikaw talaga, kahit may sakit ka nang aasar ka pa.

Jose: Aray! Ang sakit! May sakit na nga ung tao, kukurutin mo pa.

(Umupo siya sa tabi nito at hinawakan ang noo niya kung mainit pa)

Uge: Ok ka na ba talaga?

Jose: Oo nga ang kulet mo. Ayos lang talaga ako.

Uge: Kuha lang ako ng bimpo, medyo mainit ka pa eh.

(Tumayo na siya, pero pinigilan siya ni Jose. Hinaltak niya ang kamay ni Uge ng biglang nagkalapit ang kanilang mga mukha. Sila'y nagkatinginan. Unti unting lumalapit ang mukha ni Jose na para bang hahalikan si Uge. Pinipigilan ni Uge ang kanyang sarili pero hindi niya magawa, nadadala siya sa mga nangyayari. Gusto niya rin halikan si Jose. Napapikit na sila pareho, malapit ng dumikit ang kanilang mga labi, pero..........)

Pot! Pot! Pot! To be continued...





Kap's Book Of Amazing True Love StoryWhere stories live. Discover now