Kinagabihan.....
(Nagkakainan na silang lahat, pero hindi pa din nagpapansinan sina Jose at Uge)
Bossing: Mga dabarkads masaya ba kayo ngayon?
Lahat: Opo Bossing!
Bossing: Yan ang gusto kong marinig sa inyo. Enjoy lang kayo sa pagkain ha.
Lahat: Opo
(Tapos na ang lahat sa pagkain kaya nagkukwentuhan na sila)
Joey: Anong gusto niyong gawin natin ngayong gabi?
Boobay: Boss Joey!
Joey: Ano yun Boobay?
Boobay: Magkwentuhan po tayo ng mga nakakatakot. Bwahahahaha.... 😈
(Lahat sila nagtawanan😂)
Joey: Pwede yun. Ano masasabi mo pareng Vic?
Bossing: Go tayo diyan. Sino mauuna?
(At nag-umpisa na ang story telling nila. Hanggang si Wally na lang ang magkukwento. Kitang kita nila ang pagkatakot ni Uge sa mga naririnig niya. Kaya alam nina Bossing na gagana ang plano nila para sa dalawa.)
Wally: Tapos yung feeling na yung multo sa panaginip mo, nasa tabi mo lang pala at nagpapanggap na tao....
Uge: Ayoko na!!!! Nakakatakot na!!!! (Takot na iniisip ni Uge)
Jose: Feeling ko sobrang takot na si Uge. Sana may milagrong mangyari😂
(Tumayo si Wally habang nagkukwento at siya ay papalapit kay Uge ng bigla niya itong ginulat)
Wally: BOO!!!
Uge: AHHHHH!!!!!!
(Nagulat ang lahat sa nangyari. Paanong hindi magugulat eh kasi naman napayakap ng mahigpit si Uge kay Jose😏)
Boobay: OH MY GULAY!!!! KINIKILIG AKO!!!!
Lahat: Ayiee!!!! 😍😍😍
(Nang marinig nila iyon ay bigla silang bumitaw sa pagkakayakap)
Jose: Ok ka lang ba Uge?
Uge: A-ayos lang ako.
(Tapos na ang kwentuhan nila, kaya bumalik na sila sa kanilang tutulugan)
Wally: Pasensya na Uge ha, di ko naman sinasadya na takutin ka eh.
Uge: Ok lang yun.
Wally: Talaga ha? Sige, good night na sa iyo. Pareng Jose good night din.
Jose: Sige Wally.
(Tulog na silang lahat ng mahimbing, maliban kay Uge na parang binabangungot sa kama, kaya nagising si Jose na natutulog sa sahig. Nilapitan niya si Uge)
Jose: Uge? Nananaginip ka.
Uge: AYOKO NA!! BITAWAN NIYO AKO!! 😭😭😭
Jose: Uge! Gumising ka, nananaginip ka lang. Nandito lang ako.
Uge: LUBAYAN NIYO AKO!!! TAMA NA!! 😭😭😭
Jose: Uge! Gumising ka!!!
(Ginising ng ginising ni Jose si Uge hanggang sa nagising ito at umiiyak)
Jose: Uge? Salamat sa Diyos at nagising ka. Akala ko di ka na magigising.
Uge: Jose? A-ayoko na😭😭😭
(Takot na sabi niya)Jose: Panaginip lang yun, hindi totoo yun.
Uge: Eh para kasing totoo yun eh😢
Jose: Huwag ka ng matakot, nandito lang ako ha? Huwag ka ng umiyak.
Uge: Jose?
Jose: Ano yun?
Uge: Pwede bang tabihan mo ako ngayong gabi?
Jose: Bakit naman? (Pagtatakang tanong niya)
Uge: Kasi natatakot ako eh, ayoko ng walang katabi kapag natatakot ako. Pwede ba? Sige na! 🙏
(Nag-isip siya ng maigi)
Jose: Sige na nga, pero ngayong gabi lang ha?
Uge: Oo, promise.
(At magkatabi na nga sila)
Uge: Jose?
Jose: Bakit na naman?
Uge: Sige na nga wag na lang, galit ka eh.
Jose: Hindi ako galit. Ano yun?
Uge: Pwede ba kitang yakapin?
Jose: Bakit?
Uge: Kasi natatakot ako eh, baka kasi bumalik yung panaginip ko eh. Pwede ba?
Jose: Nakakailang request ka na ha. Pero sige payag ako.
(Yumakap na si Uge kay Jose)
Uge: Ang sarap mo pa lang yakapin😊
Jose: Syempre naman😁
Uge: At ang bango bango mo pa😊
Jose: Syempre naman. Eh ang gwapo ng kayakap mo?
Uge: Itulog mo na lang yan😒
Jose: Grabe ka sa akin ha😡
Uge: Hindi. Joke lang yun. Hindi ka naman mabiro eh😂😂😂😂 (Natatawang sabi nito)
Jose: Ayan ang gusto kong makita?
Uge: Ang ano?
Jose: Yung tumatawa ka at ngumingiti ka😊
Uge: Ahh.. Ganun ba😄
Jose: Lalo kang gumaganda (pabulong na sabi nito)
Uge: Ano yun?
Jose: W-wala. Sabi ko matulog na tayo. Good night Uge.
Uge: Good night din sa iyo Jose😊
(Tulog na silang dalawa na magkayakap at masaya. Nakita ito ni Bossing na nanunuod sa cctv at ito ay napangiti)
Pot! Pot! Pot! To be continued...
YOU ARE READING
Kap's Book Of Amazing True Love Story
RomanceAraw-araw silang nagbibigay ng aral sa mga umiibig at iibig pa lang. Paano kaya kung si Kap ay umibig na rin? Malaki ba ang epekto nito sa kanilang barangay? O kaya sa kanyang sarili?(PS. Gawa gawa ko lamang po ito) Characters: (Main) Jose/Kap.Jose ...