Chapter 25

43 1 0
                                    

Ang Nakaraan...
(Hinanap nila ng hinanap si Wally pero wala parin ng biglang bumukas ung ilaw at nagulat ang dalawa)

Jose: Halika dito Uge.

Uge: Anong nangyayari?

(Bumukas ang pinto, at nakita nila kung sino ito)

Jose: BOSSING?!

Pagpapatuloy...

Jose: Anong ginagawa mo dito?! Nakidnap ka din ba?! Naku, halika dito Bossing baka kung mapano ka! (akmang hahawakan ni Jose ang kamay niya, ng bigla niya itong iniwas. Nagulat naman si Uge sa inasta niya)

Uge: Bossing, may problema ba? (nagtatakang tanong niya. Hindi pa rin sila sinagot nito kaya medyo nainip at nagalit na si Jose)

Jose: Hindi naman niya tayo sasagutin, kaya hahanapin ko nalang si Wally! (siya ay papaalis na nung hawakan siya ni Bossing sa kanyang kamay)

Bossing: Walang aalis dito.

Jose: Teka lang, bakit ayaw mo kaming paalisin? Nawawala yung kaibigan ko, kaya hahanapin namin siy-

Bossing: SINABI NANG WALANG AALIS EH!!!

Uge: Bakit nga ayaw mo kaming paalisin?! Ano bang nangyayari?!

Bossing: Dahil ligtas si Wally.

Jose: Tsk! Ligtas? Eh paano mo naman nasabi yun?!

(Biglang may lumabas na tao sa likod ni Bossing)

Tito Sen: Dahil kami ang nagpakidnap kay Uge.

(Nagulat naman sina Jose at Uge sa nalaman nila)

Jose: A-ano?

(Lumabas naman si Joey)

Joey: Kami rin ang nagpapunta sa iyo dito, Jose.

(Di nakapagsalita si Jose, kaya si Uge nalang ang nagsalita)

Uge: Bakit niyo ginawa ito? Alam niyo ba na grabe yung pag-aalala sa akin ni Jose?! Paano kung nalagay sa peligro yung mga buhay namin?! Ha?! Sabihin niyo?! 😭

Bossing: Humihingi kami ng pasensya sa inyong dalawa.

Jose: Anong magagawa ng pasensya ninyo sa buhay ni Uge? (matalas na pagkakasabi ni Jose)

Uge: Jose?! Please wag na kayong mag-away.

Jose: Hindi! Paano pag may nangyari sa iyo ha?! Paano nalang kung na-matay ka?! Paano ako?! Hindi ako mabubuhay kapag nawala ka sa akin! 😭😭 Mahal na mahal kita. Kaya ganito na lamang yung galit ko sa kanila. Anong magagawa ng sorry ninyo ha?!

Joey: Humuhingi kami ng patawad sa inyong dalawa. Gusto lang kasi namin na umamin na kayo sa nararamdaman ninyo para sa isa't isa.

Tito Sen: Eto lang kasi ang naiisip naming paraan para umamin kayo.

Bossing: Kadamay din sa plano yung ibang dabarkads. Sorry uli. Gusto ko lang na maging ok kayo. Ayoko ng nakikita kayong nahihirapan. Mahal niyo ang isa't isa kaya karapatan ninyo na malaman ang nararamdaman niyo. Kung hindi pa namin ito ginawa, ay malamang na hindi kayo aamin at magkakatuluyan. Pasensya na ulit.

(Natauhan naman si Jose sa inasal niya)

Jose: S-sorry sa inasal ko. Nag-alala lang naman ako para sa kaligtasan ni Uge eh. At salamat dahil tinulungan ninyo kami na umamin sa nararamdaman namin. Tama nga kayo, kung wala kayo, malamang napunta na si Uge sa iba dahil sa katorpehan ko. Malaki ang pasasalamat ko sa inyong tatlo. Pasensya na ulit.

Uge: Ako din po ay humihingi ng sorry. I thought na hindi ko na makikita si Jose kaya ganoon nalang yung naging reaction ko. And I want to say thank na rin po, kasi you help us to find our love for each other. (sabay tingin niya kay Jose at nag holding hands sila. Ngumiti naman si Bossing at tinawag niya si Jose)

Bossing: Jose! Halika dito. (Lumapit si Jose)

Jose: Bakit po? (nagtatakang tanong niya)

Bossing: Ibigay mo ito kay Uge. (Iniabot ni Bossing ang isang maliit na box kay Jose. Nagulat naman si Jose sa ibinigay)

Jose: Bossing! A-ano to? Singsing? (Tumango lang si Bossing sa kanya)

Jose: Paano kung tumanggi siya? (pag aalalang tanong niya)

Bossing: Hindi yan tatanggi. Maniwala ka sakin.

Jose: Ah eh...

(Tinulak nalang siya ni Bossing papunta kay Uge. Nakita sila ni Uge, at biglang kinabahan si Jose. Sinenyasan siya ni Bossing na magsalita)

Jose: Uhmm Uge?

Uge: Ano yon Jose?

Jose: Alam ko na ngayon lang natin nalaman yung nararamdaman natin sa isa't isa, pero matagal na tayong nagmamahalan kahit na hindi naman natin ito alam. Ah eh..

Uge: Ano ba Jose? Diretsuhin mo na ako.

Jose: Ah ganitokasiiyon! (mabilis na sagot nito) Ngayon na alam mo na mahal na mahal kita. Nais ko sana na malaman mo na ayaw na kitang bitawan kahit kailan. Alam kong parang mabilis para sa iyo to, pero alam ko naman na nararamdaman mo na ito na ung tamang panahon para sa ating dalawa. Kaya Uge, di na ako magpapaligoy ligoy pa. (lumuhod na si Jose at nagulat si Uge habang umiiyak). Uge, will you marry me?

(Agad agad namang tumango si Uge at niyakap ng mahigpit si Jose)

Uge: Oo mahal ko! Oo, pakakasalan kita!!

Jose: Yes!!! I Love You!!!

Uge: I Love You Too, mahal ko😊

(Agad namang nagsilabasan ang mga dabarkads na tila ay tuwang tuwa sa narinig na balita)

Brod Pete: Mabuhay ang bagong kasal!!

All: Mabuhay!

(Binatukan naman ni Boobay si Brod Pete)

Brod Pete: Aray! Bakit mo naman ako binatukan?

Boobay: Eh kasi naman anong bagong kasal? Hindi pa nga sila nagpaplano ng kasal nila, bagong kasal?!

Brod Pete: Abay pasensya na, excited lang kami, di ba mga kasama?!

All: Oo!!

(Natawa nalang ang dalawa sa asal ng lahat)

Uge: Naku hayaan mo nalang sila Boobay.

Jose: Oo nga, dun din naman ang punta namin, di ba honey? (sabay kindat kay Uge, pinalo naman siya nito)

Uge: Tumigil ka nga Mr. Manalo. Di pa nga tayo kasal, kaya pwede pang magbago ang isip ko. (pagtataray nito)

Jose: Naku nagtaray ka pa, magiging future Mrs. Manalo ka na noh. Nakatali ka na sa akin. Sa ayaw mo o sa gusto mo. (pagbibiro nito. Biglang namula ang mga pisngi ni Uge dahil sa sobrang kilig nito.)

Allan K: Naku tigilan mo na Bestie ko Jose. Oh tignan mo, namumula na siya parang kamatis. (pagbibiro nito)

Jose: Ano ka ba mahal, masanay ka na, na ganito tayo ka sweet. Sige ka baka humanap pa ako ng i- (biglang hinalikan ni Uge si Jose sa labi)

Uge: Oh ayan na. Sasapakin talaga kita kapag humanap ka ng iba. (nagseselos sa sabi nito)

Jose: Ano ka ba? Hindi ka naman mabiro. Syempre ikaw lang ang mahal ko. Nag-iisa ka lang sa puso ko noh. I love you.

Uge: Talaga? (tumango si Jose) Sabi mo yan ha. I love you too.

(at nag kiss uli silang dalawa, dahilan ng pag-iingay ng mga dabarkads nila)

Pot! Pot! Pot! To be continued...

Hi guys! Pasensya na kung ngayon lang uli ako nag update, maraming nangyari sa buhay ko nung last year. Stress, pressure at na depressed ako kaya nawalan ako ng ganang ituloy yung story. Pasensya na po lalo na sa mga sumusubaybay ng story. Next chapter po nito ay ang last chapter. So hintayin niyo lang this week. Hindi ko na po kakalimutan yon, Promise! At sana po ay ma enjoy niyo lang yung story.








Kap's Book Of Amazing True Love StoryWhere stories live. Discover now