Chapter 7

98 2 0
                                    

Ging-ging: Bakit kaya tinatawag ni Jose ang pangalan ni Uge? Aamin na kaya si Uge sa nararamdaman niya para kay Jose? Malalaman natin dito sa Kalyeserye! Ay este, Kap's Book of Amazing True Love Story!😂

Uge: Jose? Ok ka lang ba? (Hinawakan niya ang noo nito at nalaman niya na sobrang init nito) Grabe! sobrang init mo.

Allan: Tignan natin sa thermometer para malaman natin ung lagnat niya.

(At tinignan nila sa thermometer kung gaano kataas ung lagnat ni Jose na kaagad na ikinagulat nila)

Allan: F-forty degrees celcius (nanlaki ang mga mata ni Allan)

Uge: Di ba parang sobrang taas nun para sa normal degree ng tao?

Allan: Oo

(Bigla namang nilalamig si Jose, halos mamulupot na sa sobrang ginaw)

Uge: Dalhin na kaya natin siya sa ospital? Baka kung ano pa ang mangyari sa kanya.

Allan: Sige. Ako na ang magdadrive, ikaw na bahala sa gamit na dadalin natin sa ospital.

Uge: Ok, Sige.

(At dinala nga nila sa ospital si Jose. Habang naghihintay ng resulta sa ospital, si Wally naman ang bahala sa nanay nito at sa Sunday Pinasaya)

Wally: Nay, mukhang di pa po makakauwi si Jose ngayon.

Nanay: Bakit may taping ba kayo?

Wally: Wala po, pero sinama po siya ni Tito Sen sa Cebu para mag show po siya dun. Marami po daw kasi ang naghahanap sa kanya, kaya ayun po nanduon po siya.

Nanay: Eh hanggang kailan siya duon?

Wally: Hindi ko po sigurado kung hanggang kailan po siya duon, pero sure po ako na medyo matatagalan po siya.

Nanay: Kanina ko pa nga siya tinetext pero hindi siya sumasagot.

Wally: Baka po walang load or signal duon, o baka po busy po sila.

Nanay: Sana ayos lang siya duon. Pakikamusta mo nalang ako sa kanya ha.

Wally: Opo makakarating po ito sa kanya. O sige po uwi na po ako. Bye po nay!

Nanay: Sige mag-ingat ka, bye Wally!

(Pinagpaalam niya na rin ito sa Sunday Pinasaya na may lagnat si Jose, kaya medyo nakahinga na siya ng maayos pero...)

Wally: Hay salamat maay— (naputol ang kanyang pagsasalita ng biglang nag ring ang cellphone niya) Kring! Kring! Kring!  Hello?!

Allan: Hello Wally, sensya na kung naistorbo kita.

Wally: Ok lang yun Allan. Bakit napatawag ka?

Allan: Kasi si Jo–Jose.....

Wally: Anong nangyari kay Jose?😕

Allan: K-kasi...

Wally: Kasi ano?! Allan umayos ka nga. Anong nangyari kay Jose?

Allan: Naospital si Jose, naka confine siya. Hindi pa namin alam ung resulta.

Wally: Ha?! B-bakit? Anong nangyari sa kanya?

Allan: Sobrang taas ng lagnat niya eh.

Wally: Sige, pupunta ako diyan sa ospital. Isama ko na si Paolo. Saan ung ospital?

Allan: Sa St. Luke's Hospital. Ingat kayo.

Wally: Sige. Bantayan niyo siya diyan ha. Lagot kayo sa akin pag may nangyaring masama sa Kuya ko.

Allan: Oo kami na bahala dito ni Uge.

Tut! Tut! Tut! (Binaba niya na yung cellphone niya. At huminga siya ng malalim)

Wally: Sana ok lang si Jose, siya lang ang kaisa-isa kong Kuya eh😢

(Pumunta na sa ospital sina Wally at Paolo, saktong dating nila at lumabas na yung resulta ni Jose)

Uge: Uhm Doc! Ano po ung lagay niya?

Doc: Kayo po ba ang asawa ni Mr. Manalo?

Uge: Ako po? 😅

Doc: Oo ikaw.

Uge: Hindi po, kaibigan lang po niya ako. Kami po ung mga kaibigan niya.

Allan: Sus! Kaibigan lang daw😏 (siniko siya ni Uge para tumahimik siya)

Uge: Shush! Ano ka ba best, tahimik ka nga.

Doc: Ahahaha.... Pasensya na po akala ko po kasi asawa ka niya. Bagay po kasi kayo.

Wally: Akala ko ba nandito po kayo para sa resulta?

Paolo: Oo nga!

Doc: Ay! Pasensya na po talaga. Eto po ung resulta, ok naman po si Mr. Manalo, naover fatigue lang po siya kaya mataas ang lagnat niya. Baka 1 or 2 days siya dito sa ospital. Iche- check po kasi namin siya kung ok na siya at para paglabas niya ng ospital ay ok na siya. Pwede niyo na po siyang puntahan sa kwarto niya.

Wally: Talaga po?

Doc: Oo. O siya sige po, mauna na po ako. May titignan pa po akong pasyente.

Uge: Sige po Doc, thank you po ulit.

Doc: You're welcome po. Sure po kayo na hindi kayo magnobyo o mag-asawa?

Uge: Doc naman eh, hindi nga po.

Doc: Joke lang po. Pero infairness po, bagay po kayong dalawa.

(At pumunta na sila sa kwarto ni Jose. Na ikinagulat nila na ito ay natutulog ng mahimbing kaya lahat sila ay gumaan na ang loob)

Pot! Pot! Pot! To be continued...😉

Kap's Book Of Amazing True Love StoryWhere stories live. Discover now