Ang Nakaraan...
Uge: Layuan niyo ako!!! Tulong! Tulong! Tu— (binusalan na siya nung isa)
Kidnapper: Tumahimik ka na. Malapit ng dumating ung prinsipe mo. Maghintay ka lang at magsasama na kayo dito. Buwahahahhhahaha.... 😈
Pagpapatuloy...
4:30 p.m.
(Nagsama-sama sina Jose, Wally, Boobay at Brod Pete para gumawa ng plano)
Boobay: So guys! Ano plano?
Brod Pete: Oo nga, ano plano niyong dalawa Jose?
Jose: Di ba ako lang ang mag-isa dapat ang pumunta? (Tumango silang lahat) Ganito gagawin, ako pupunta ng mag-isa sa loob nung lugar kung nasaan si Uge, tapos ikaw Wally sa labas. Magbabantay ka doon kung may paparating na kidnapper.
Wally: Aye! Aye! Sir!
Boobay: Paano kaming dalawa dito?
Jose: Gagamitin natin mga cellphone natin lalo na kapag may nangyaring masama. Boobay kayong dalawa ang maghihintay ng tawag o text ni Wally kapag kailangan ng tumawag sa mga pulis. At ikaw Wally maging alerto ka, laging mong hawak ang cellphone mo, tatawag ka kapag may kidnapper ng pumasok. Hintayin mo ung tawag ko para sa signal kung tatawag na ba ng pulis. Kuha niyo na?
Wally, Boobay, Brod Pete: Opo sir!
Jose: Sobrang pormal naman niyan 😅
Wally: Para naman kay Uge eh. Hayaan mo, mababawi mo rin siya😊
Jose: Salamat pare. Kinakabahan na ako, malapit ng mag alas sais.
Boobay: Hayaan mo Kuya Jose kami ang bahala sa iyo.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
6:00 p.m.
Jose: Nandito na tayo Wally.
Wally: D-dito?
Jose: Oo, dito ang ibinigay na lugar nung kidnapper.
Wally: Eh madilim at nakakatakot dito😣
Jose: Wala tayong magagawa, eto ung lugar na binigay at saka ako naman ung papasok eh. Dito ka lang naman sa labas. Magtatago ka at magbabantay.
Wally: O-okay. Basta mag-ingat ka ha!
Jose: Oo naman, ako pa ba. Wag kang mag-alala sakin. Ikaw rin mag-iingat ka.
Wally: Sige pumasok ka na sa loob.
(Pumasok na sa loob si Jose upang hanapin si Uge, ngunit parang sobrang tahimik yata ng paligid, kaya nagtaka na ito)
Jose: Ang tahimik naman yata ng lugar na ito. Parang walang tao. Dapat siguro mag-hire sila ng comedian para naman maingay dito. Hay nako Jose nagawa mo pang mag-joke sa sitwasyon na ito. Mukhang mapapadali ung pagligtas ko kay Uge.
(Ang hindi alam ni Jose, may cctv sa loob ng building na pinapanood lang siya ng may biglang...)
Jose: Uge! Uge! Nasaan ka? Nandito na ak–
(Humila sa kanya at binusalan siya sa bibig. Bigla siyang nahimatay)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Makalipas ng tatlumpung minuto...
(Dinilat ni Jose ang kanyang mga mata, ngunit nagulat siya dahil wala siyang busal sa bibig at mas lalong nakakagukat ay katabi na niya si Wally, walang malay)
Jose: Wally! Wally! Gumising ka!
(Paulit-ulit niyang ginigising ito hanggang sa nagkamalay na ito)
Wally: J-jose? Ikaw ba yan Kuya?
Jose: Oo, ako nga ito Wally.
Wally: Nasaan tayo?! (Bigla siyang nag-panic)
Jose: Kalma lang Wally (niyakap niya ito upang pakalmahin)
Sa tingin ko nasa loob tayo ng headquarters nila.Wally: Headquarters? Eh bakit wala tayong busal o tali man lang?
Jose: H-hindi ko alam.
Wally: Ang weird naman ng nangyayari.
(Biglang bumukas ung pinto at may pumasok na apat na kidnappers)
Jose: Huwag niyo kaming sasaktan!
(Biglang may nagsasalita sa speaker sa loob ng HQ)
The Boss: Hindi namin kayo sasaktan.
Jose: Hindi? Eh bakit niyo kami kinulong dito?
The Boss: Kinulong?
Jose: Oo, di ba kinulong niyo kami? At saka bakit wala kaming busal o tali man lang?
The Boss: Nandito kayo kasi may kailangan akong malaman sa iyo.
Jose: Sa akin? Anong kailangan mo?
The Boss: Nais kong malaman kung bakit gusto mong mabawi si Uge?
Jose: Ano naman sa iyo kung bakit gusto ko siyang bawiin?
The Boss: Depende sa sagot mo kung pagbibigyan kitang makasama ang babaeng ito. Ang kailangan ko lang naman ay ang katotohanan. Kung hindi mo sasabihin, malamang sa alamang ay mamamatay itong babaeng gusto mong bawiin. Ano? Sasabihin mo na ba ang dahilan?
Wally: Sabihin mo na Kuya, baka mapatay pa siya. Eto na ang pagkakataon para mailigtas natin siya.
Jose: Sige! Sasabihin ko na ang katotohanan!
The Boss: Good boy naman pala ikaw eh. Ano ang dahilan?
Jose: Gusto ko siyang iligtas kasi...kasi.. kasi mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya. (nahihiyang pag-amin niya)
The Boss: Boys! Dalhin niyo na siya sa mahal niya. Doon na ang huling pag-uusap nila.
Kidnappers: Yes Boss!
Jose: Halika na Wally!
The Boss: Wait! Wait! Wait! Ang sabi ko ikaw lang.
Jose: Kaibigan ko siya at kasama ko siya dito!
The Boss: Di ba ang sabi ko palang nung una, na ikaw lang dapat ang pupunta dito. Yun ang kasunduan natin.
Jose: Pero–
The Boss: Ako ang bahala dito sa kaibigan mo. Anong gusto mo makita mo si Uge o hindi?
(Hindi na nakapag-salita si Jose at naglakad na siya papunta kay Uge. Paano na sila? Sino na ang magliligtas sa kanila?)
Pot! Pot! Pot! To be continued...
Hi guys! Gaya ng naipangako ko may isa pa akong chapter na iuupload ngayon. Merry Christmas 😊
YOU ARE READING
Kap's Book Of Amazing True Love Story
RomanceAraw-araw silang nagbibigay ng aral sa mga umiibig at iibig pa lang. Paano kaya kung si Kap ay umibig na rin? Malaki ba ang epekto nito sa kanilang barangay? O kaya sa kanyang sarili?(PS. Gawa gawa ko lamang po ito) Characters: (Main) Jose/Kap.Jose ...