(Halos dalawang oras silang naghintay kay Uge, maigi na lamang ay nagising na ito)
Allan: Best! Ok ka lang ba? May masakit ba sa iyo? Masakit ba ang ulo mo?
Uge: A-ayos lang ako. Teka, nasaan ako?
Paolo: Nasa ospital ka Ate Uge.
Uge: Ha?! Bakit?
Allan: Tinamaan ka na naman kasi ng sakit mo eh. Si Jose kasi eh!
Uge: Si Jose? (Bigla niyang naalala lahat ng nangyari, bigla siyang umiyak)
Allan: Bakit best?
Uge: Ang sakit niyang magsalita eh. Umeeffort na nga ako para lang magkabati kaming dalawa, tapos siya pa itong galit😭😭😭
(Biglang pumasok si Wally sa kwarto, hingal na hingal)
Wally: Guys! Si Jose umalis, hindi niya sinabi sa akin kung saan siya pupunta!😫
Allan: Ha?! Bakit?
Paolo: Natural, ng dahil sa sinabi mo sa kanya😡
Allan: Tinotoo naman niya. Ang sabi ko lang naman ay lumayo siya kay Uge, hindi naman ang magpakalayo-layo ng sobra-sobra sa kanya.
Uge: Paano siya? Paano kung may mangyari sa kanya na masama?
Wally: Kaya yan ni Jose, kilala ko siya. Ang problemahin muna natin ngayon ay kung saan siya nagpunta.
Allan: Sabihin natin to kina Bossing para matulungan nila tayo.
Wally: Baka mag-alala lang yun ng sobra-sobra.
Allan: Mas lalong mag-aalala pa yon kung may mangyaring masama kay Jose.
(At napagdesisyunan nila na sabihin ito kina Bossing. Kaya tinipon niya ang lahat para hanapin si Jose)
Bossing: Halughugin niyo ang lahat ng paboritong lugar ni Jose, tyak dun niyo siya mahahanap. Kapag nakita niyo siya, sabihin niyo kaagad sa akin.
Lahat: Opo Bossing!
Bossing: Ok! Dismiss!
Uge: Bossing!
Bossing: Ano yon Uge?
Uge: Salamat po sa pagtulong niyo po sa paghahanap kay Jose.
Bossing: Naku, wala iyon. At saka, kaibigan ko naman siya.
Uge: Thank you po😅
Bossing: Alam mo, hangga't maaga pa, sabihin mo na sa kanya ung nararamdaman mo para sa kanya. Tignan mo ang nangyayari sa kanya ngayon, naguguluhan at nawawala pa.
Uge: Kahit na gusto kong sabihin sa kanya yon, hindi ko magawa, kasi naguguluhan pa ako kung mahal ko ba talaga siya o hindi. Baka kasi crush ko lang siya kaya ako ganito.
Bossing: Crush man yan o hindi, pareho lang yan, may nararamdaman ka na sa kanya, eh malamang pag-ibig na yan. Mahal mo na siya.
Uge: Ganun po ba?
Bossing: Basta pag-isipan mo yang maigi, kung nakumpirma mo ngang mahal mo siya, eh di sabihin mo sa kanya ung totoong nararamdaman mo para sa kanya.
Uge: Sige po Bossing, mauna na po ako. Thank you po uli.
Bossing: No problem! Ingat ka!
(Habang ang lahat ay hinahanap siya, naglalakad siya sa kalsada na puro puno ang makikita, nag-iisip)
Jose: Ano na naman tong nagawa ko? Kaasar! Nasaktan ko siya! Napakagago mo Jose! Napakatanga mo Ariel! Hindi ka nag-iisip! Ipinairal mo na naman ang katangahan mo! Ganun pala ang pakiramdam kapag may nasaktan ka, parang sugat ko ngayon, matagal maghilom.
(Hindi alam ni Jose na nakita siya ni Tito Sen sa daan)
Tito Sen: Matagal maghilom kung walang gagamot.
Jose: Tito Sen! Kanina pa po kayo dyan?
Tito Sen: Oo kanina pa, narinig ko lahat ng pinagsasasabi mo sa sarili mo.
Jose: Uhm... Bakit po kayo nandito?
Tito Sen: Para hanapin ka.
Jose: Hanapin ako?!
Tito Sen: Sabi kasi ni Vic sa akin na pinapahanap ka niya. Kaya tumulong ako sa paghahanap sa iyo. Nag-aalala kaming lahat sa iyo.
Jose: Ah.. ganon po ba. Maiba lang po ako, anong ibig niyong sabihin kanina?
Tito Sen: Ang alin?
Jose: Ung sugat hihilom kaagad kapag may gumamot.
Tito Sen: Ah! yun ba. Ang ibig kong sabihin dun, parang sa totoong buhay yan, kapag pakiramdam mong lugmok na lugmok ka na, kailangan mo ng karamay para gabayan ka, para iahon ka, at para pasiyahin ang buhay mo.
Jose: Ano pong ibig sabihin nun?
Tito Sen: Pag-ibig. Kailangan mo ng isang pagmamahal. Alam kong may mahal ka pero ayaw mong sabihin sa kanya, kasi natatakot ka sa mangyayari. Jose, hindi porket nasaktan ka na sa una ay hindi mo na itatry sa pangalawa. Malay mo, siya na talaga ang forever mo. Baka tama na ang destiny sa pagpili ng iyong mamahalin. Hangga't nararamdaman mo pa yan ay sabihin mo na sa kanya, sige ka baka makuha pa ng iba yan.
Jose: Sige po, susubukan ko, pero hindi na muna ngayon. Hindi pa ako handa eh.
Tito Sen: Sige, ikaw ang bahala. Gagabayan ka namin dyan. Tara umuwi na tayo at nag-aalala na sina Vic sa iyo.
Jose: Sige po.
Tito Sen: Teka, paano yang sugat mo?
Jose: Pagbalik po natin dun, ipagagamot ko po kaagad ito.
Tito Sen: Sige, tara na.
Pot! Pot! Pot! To be continued...
YOU ARE READING
Kap's Book Of Amazing True Love Story
RomanceAraw-araw silang nagbibigay ng aral sa mga umiibig at iibig pa lang. Paano kaya kung si Kap ay umibig na rin? Malaki ba ang epekto nito sa kanilang barangay? O kaya sa kanyang sarili?(PS. Gawa gawa ko lamang po ito) Characters: (Main) Jose/Kap.Jose ...