Prologue

3.6K 73 9
                                    

Argao, Cebu...

After three years.. Nakabalik na rin siya dito sa Pilipinas and now she's in vacation para makapagrelax.


"Ang ganda naman pala dito." Ciara said while she's looking around the beach, andaming turista. Nakasuot siya ng summer Chiffon black mesh sheer beach dress bikini.


She wants to be alone kahit ngayon lang at para makapag-unwind after her breakup to his recent boyfriend when she's in Singapore. Kailangan niyang aliwin ang sarili para mabilis ang kaniyang pagmomove on.


Bawat nakikita niyang mga couple na walking while holding hands ginagawa eh iniirapan niya. "Walang poreber! Tss.." Mahinang sabi niya habang pinapahiran niya ng sunblock ang kaniyang legs. "Mahihiwalay din kayo.. Tsk!" Napapailing niyang sabi.



"Ate?" Napaangat agad ang tingin ni Ciara ng may batang lalaki na lumapit sa kaniya at may hawak itong rosas na kasamang nakarolyong piraso ng papel doon. "Para daw po sa inyo."


"H-Huh? That rose? Sa akin? Sigurado ka, boy?" Pagtataka niya.


"Opo.."


"Sino?"


Nagkibit-balikat ang bata. "Ewan ko po, basta daw po ibigay ko daw po iyan sayo. Ang ganda mo daw kasi." Sabay ngiti pa sa kaniya.


Napailing ulit si Ciara sa bata. "Sorry bata, pakisabi hindi ako tumatanggap ng rose o kung ano man. I'm not interested."


"Pero masama pong tanggihan ang grasya. Kapag hindi niyo daw po tinanggap, hindi niya ko bibigyan ng pambiling candy." Tila naiiyak na sabi ng bata sa kaniya.


Naawa naman siya at no choice na tinanggap niya ang rose saka niya inamoy-amoy ito bago basahin ang nasa papel.


'Its been years and I still love you, Ciara.  And I will do everything just to get you back....into my life. – W.L.'


Mas kumunot ang noo ni Ciara sa kaniyang nabasa at sa initial na W.L.


"What the ef?!"





- - - -

Heto ang part na hindi pa nakakaalis ng Argao, Cebu sina Raven at Sophia.. Hehe!

#ChaTara08

To Get You Back [TGKS#3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon