Chapter 30 : Surprise Proposal

1.1K 30 1
                                    

- CIARA'S POV -

Nagising ako ng wala siya sa tabi ko kaya agad akong bumango at nagbihis. Madali akong lumabas ng kwarto deretsyon sa kusina pero wala siya doon, pero may nakita akong sticky note sa may ref.


'I have urgent meeting. Thanks for the breakfast.'



After kong mabasa iyon ay bagsak pa rin ang balikat ko. Ganun lang yun? Sinilip ko ang mga nakatakip na niluto ko, hindi nabawasan. So, sa akin siya nasarapan, ganun? Nakakatampo siya.



Ahh! Alam ko na!



Ininit ko ulit yung omelette sa oven at nagluto ulit ng pang-lunch meal niya dahil maliban sa favorite breakfast niyang omelette, favorite niya ang kalderetang manok. And my plan is, dadalhan ko siya ng lunch sa office niya.



Nang matapos akong magluto, agad akong naligo, nagbihis ng simpleng dress at naglagay ng light make-up. Nang matapos na ko ay umalis na ko sa condo.



Nagcommute ako papuntang Global M. Pagdating ko sa Mall, nagtungo ako sa elevator papuntang 4th floor. Paglabas ko ng elevator, karamihan sa iba ay napatingin sa akin.



'Hindi ba girlfriend siya ni Sir William?'



'Oo nga, tagal niyang nawala.'



"Miss Ciara? Oo nga! Ikaw nga!"



Agad akong napangiti nang si Winnie ang tumawag at lumapit sa akin na agad nakipagbeso. "Hi. Kumusta?"



"Oh my! We're fine. May good news ako, yung design nating off shoulder blouse, nakuuuu! Bumenta sa Department Store." Aniya na sobrang tuwa, ganun din ako.



"Really? Wow! I can't believe it."



"Oo nga. Teka! Pupuntahan mo ba si Sir William?"




I nodded. "Yeah. Nakalimutan niyang magbreakfast kanina e. May meeting pa ba siya?"



"Hindi ko lang alam. Puntahan mo na lang and don't mind the others."



"Alright. Thanks!"



Sumakay ulit ako ng elevator. Paglabas ko ang front desk agad ng secretary niya ang nakita pero wala ang secretary niya roon. Napalingon naman ako sa gilid ko na may janitor.



"Hi po." Bati niya. "Si Sir William po?"




Tumango ako. "Oo.. Nandito ba siya?"



"Yes, ma'am. Kanina pa po natapos meeting nila. Nandyan din po sa loob ang secretary niya." Tapos ay sumakay na siya ng elevator.



Biglang kumalabog ang dibdib ko sa sinabi ni Kuya Janitor. Parang kinutuban ako ng masama. Huminga ako ng malalim at saka ko binukas agad ang pinto ng walang katok-katok. And I saw them na naglalampungan sa couch at nagulat din sila ng makita ako.



"C-Ciara.." Tawag sa akin ni William, at walang malay kong nabitawan ang hawak kong paper bag habang tulala pa rin ako sa kanila.



Hindi ako makapagsalita at sobrang naninikip ang dibdib ko. Kusang umagos ang mga luha ko habang matalim kong tinitigan si William na papalapit sa akin.



"Cia--"



Mabilis ko siyang sinampal at nanginig ang bigla ang kamay ko sa ginawa ko. "Maling-mali na binalikan pa kita. Ayoko na!"



To Get You Back [TGKS#3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon