Chapter 25 : Let's Escape

984 26 0
                                    

- CIARA'S POV -

Awtomatikong sumimangot ako sa bumukas na pinto at tama nga na si Steven ang pumasok na may kausap sa kaniyang phone.


"Talaga? Kapag hindi mo ko binayaran, akin ang kapatid mo."



Tumindig ang puso ko sa pinagsasabi niya at siguradong si Kuya Joseff na ang kausap niya. Gusto kong sumigaw kaso natatakot sa hawak niyang baril na baka itutok niya sa akin. Napansin kong may pinindot pa siya sa phone niya at na-loudspeaker iyon kaya dinig ko na ang galit na boses ni Kuya Joseff.



[Gago kang hayop ka! Tantanan mo ang kapatid ko, ibalik mo siya sa amin at babayaran kita!]



"Bakit hindi ikaw ang pumunta dito sa tirahan ko?"



[Sige! Hintayin mo ko at papatayin kita kapag may ginawa kang masama sa kapatid ko!]



Natawa na lamang si Steven nang binaba na niya ang telepono at humarap sa akin kaya muli akong napangiwi ng tingin sa kaniya.



"Bwisit ka talaga!" Nanggagalaiti kong sabi sa kaniya.



"Ha! Madali naman palang kausap ang kuya mo, gusto pang pinapahamak ka."



"Hindi niya ko pinapahamak! Ikaw mismo ang nagpapahamak sa akin!" Galit kong sigaw sa kaniya.



Umiling-iling siya na tila binalewala ang mga pinagsasabi ko sa kaniya.



"Namimiss mo na ba si Bella?" Hindi ako umimik. "Don't worry, isusunod ko siya--"



"WAG!! please, wag mong idamay si Bella dito! Hayaan mo na siya kay William."



Natigilan siya sa sinabi ko. "Bakit? Si William ba ang ama ni Bella?"



"Oo." Deretsyo kong sagot sa kaniya. "At hindi mo siya pwedeng kunin kay William dahil wala ka namang laban sa kaniya. Puro ka yabang!"



Holy sh*t! Ang sama ng tingin niya sa akin.


"Wala akong laban? Sinong tinatakot mo?"


Unti-unti akong napapaatras sa kama kada lalapit siya sa akin at para bang may masama siyang gagawin sa akin kaya bigla akong kinabahan. Dumapo ang tingin ko sa hawak niyang baril na mabilis niya itong ikinasa.


"S-Steven, wag kang lumapit---"



"Ako ba tinatakot mo na walang laban kay William? Huh?!" Sigaw niya ikinagulat ko.


Agad akong nataranta ng unti-unti na siyang gumapang sa kama papunta sa akin.


"Ahh!!!" Napasinghap ako nang mabilis niyang hilain ang mga paa ko kaya napahiga ako ng tuluyan sa kama. Nagsimula na kong maiyak nang bumaibabw siya sa akin at pareho niyang inangat ang dalawang kamay. "WAAAG!!" Humagulgol na ako ng tuluyan ng mabilis niya kong hinalik-halikan sa leeg ko. "NOOO!! PLEASE, STEVEN!! DON'T DO THIS!!"



Hindi ako makalaban dahil pati baril niya ay nakatutok sa aking sentido. Narinig ko ang unti-unting pagpunit ng blouse ko. Oh no! Hindi ko alam kung paano ako hihingi ng saklolo.



*Baaang!!*



Agad siyang natigilan nang may marinig kaming putok ng baril. At nang maramdam kong hindi na mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin, nagawa kong abutin ang vase na nasa ulunan ko at saka pinukpok sa kaniya sabay sipa ko sa maselan niyang bahagi.



"Aaahhh!!!" Namalipit siya sa sakit ng ulo at bayag niya kaya agad akong umalis sa kama at tumakbo palabas ng kwarto. "Ciaraaaa!!"



Yung pintig ng puso ko parang nakikipagkarerahan sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung saan ang pasikot sikot dito para makatakas ako. Kailangan kong makalayo habang nagkakagulo ang lahat.



"Ciara, na saan ka?!"


Napasinghap ako ng marinig kong ume-echo ang boses ni Steven. Napa-creepy. Agad akong tumakbo ng walang tunog saka ako pumasok sa isa pang kwarto upang magtago, saka ni-lock ang pinto. Grabe ang taas-baba ng dibdib ko sa sobrang hingal at nerbyos. Para akong nakikipagtaguan kay demonyo. Bwisit!



Pero kanino kaya yung narinig kong putok ng baril? At bakit nagkakagulo?



Dinikit ko ang tenga ko sa pintuan upang marinig ko ang footsteps niya pero wala akong marinig. Baka nag-iba ng landas.. Agad akong nagsign of the cross. "Oh Lord, please help me to escape. Amen!"



Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob kaso bago ko ibukas ay may narinig na naman akong putok ng baril kaya napapikit ako sa takot.



Jusko! Para na akong mamamatay sa sobrang kaba.



Dahan-dahan ko ng binukas at nilingon ko ang both side ng hallway kaya lumabas na ko nang biglang napasinghap ako sa gulat nang may humablot sa buhok ko.




"Steven!!"



"Gusto mong tumakas? Pwes, sabay tayong tatakas dito.."



Oh no!





- WILLIAM'S POV -

Si Max ang pinauna namin para makipag-usap sa mga bantay, dala niya ang briefcase na  million cash ang laman.


I gritted my teeth dahil ang tagal niyang makipag-usap at para bang ayaw pa siyang papasukin. I was about to open the door car nang pigilan ako ni Leo.



"What?" Asik ko. "Hindi na makapaghintay na sagipin ang asawa ko!"



"I know what's your feeling kaya maghintay ka muna."



"No." Umiling ako. "I can't take it anymore. Sasamahan ko si Max."


Kaagad akong lumabas ng kotse at pinuntahan ko kung na saan si Max.


"Where's Steven?" Agad kong tinanong sa isang bantay. At sa hindi nito alam ay palihim kong tinutok ang baril ko sa tiyan niya at nagulat siya dito. "Answer me."


"William, wag mong gawin yan! Malapit ko ng maibigay ang pera"


"Wala akong pakealam sa pera, buhay ng kapatid mo ang inaalala ko. Bullsh*t!"


"Put your gun down or else I won't tell where Mr.Chao is."



Binaba ko ang baril at mabilis kong inagaw ang briefcase kay Max, saka ko mabilis hinampas ng malakas sa mokong ito, kaso nabukas ang ito at nagsiliparan ang mga pera ere. Naging sunud-sunod ang pagugod ng iba sa amin kaya agad kaming napayuko ni Max. Tinulak ko si Max palayo saka ko pinagbabaril ang iba, yung iba susugurin ako ng suntok pero nakailag ako kaya nagawa ko pang tinuhod sa tiyan ang isa.



"Call Mr.Chao now!!" Bigla sigaw ng isa sa ibang kasamahan nya at nagulat siya ng makita ako kaya binaril ko agad siya.


[William, umalis ka na diyan. Tumakas na si Steven kasama si Ciara!] Sigaw ni Raven hearing spy.



[Hahanap ng direksyo si Raven para maharang si Steven! Umalis na kayo diyan!] Si Leo..



Binalikan ko si Max na nanginginig na pinupulot ang mga pera sa sahig.



"Wag mo ng pulutin yan. Its just a fake money! Get up!"


"What?!" Hindi makapaniwalang sabi niya.



Agad kaming sumakay sa kotse ni Leo na agad na niyang pinaharurot ito. Sinundan namin sa monitor kung saan papunta ang arrow ni Steven. Nalaman namin iyon dahil sa earrings ni Ciara.



Just wait for me, wife. I'll save you. Hindi tayo maghihiwalay.






#ChaTara08

To Get You Back [TGKS#3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon