- WILLIAM'S POV -
[I already found his way here. Mahaharang ko na siya.] Raven said.
Kahit kami rin ay maabutan na namin si Steven kaso bigla ring huminto ang arrow nito.
"What happened?"
[Pinaputok ko yung gulong para huminto sila kaso bigla silang lumiko. Sh*t!]
Napalunok ako nang natanaw na namin ang sasakyan ni Steven and I saw Raven na papunta din doon. Hininto na ni Leo kaya madali ako lumabas at tumakbo papunta sa kotse ni Steven. Kumalabog ang dibdib ko nang makita ko ng malapitan na bumangga sila sa isang kotse.
"Holy Sh*t!" Binukas ko agad ang pinto ng front seat and I saw Ciara with a blood in her forehead at walang malay "Ciara!" I tried to wake her up but she didn't. Mabilis ko siyang nilabas ng kotse.
"Jacenth!!" Tawag ni Max ng lumapit sa amin. "Let's bring her to the hospital now!"
Pagdating sa hospital. Hindi ako mapakali habang nasa loob na ng emergency room si Ciara. Napapamura ko na lang ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Ciara at sa magiging second baby namin, hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
"Natatakot ako. Ganitong-ganito ang nangyari sa kaniya noong naaksidente siya. Naging kritikal pa ang kondisyon ni Jacenth dahil nagdadalang tao pala siya." He looks at me. "Kapag nangyari ulit iyon, hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko."
Umigting ang panga ko upang mapigilan ko ang sarili ko wag siyang suntukin. "Kung hindi mo sana nilayo si Ciara sa akin, hindi ka sana magkakautang ng malaki!" Galit kong sabi sa kaniya.
Dumating na sina Leo at Raven na sila ang nagpaliwanag sa mga pulis sa mga nangyari.
"Nagkamalay si Steven kanina kaya deretsyong prisinto na siya, medyo hindi tama ang pag-iisip ng isang 'yon." Leo explained.
"About the investigate, nakipag-agawan pala sa manubela si Ciara kaya nabangga sila poste."
Sabay-sabay kaming napalingon sa E.R. nang niluwa nito ang babaeng doktor.
"Who's the guardian of the patient?"
Ako agad ang nakipag-usap. "I'm her husband. How's my wife and our baby?"
"Your wife is unconscious for now because she got miscarriage, the baby was lost. We're sorry.."
Hindi agad ako nakapagsalita sa sinabi nito sa akin. Tila nawala ang lahat ng lakas ko sa katawan kaya napaupo ako. May chance na gumaling si Ciara, pero ang higit na hindi ko matanggap ang pagkawala ng baby namin.
- CIARA'S POV -
Ilang linggo na ang nakalipas pero hindi ko pa rin matanggap na wala na ang baby ko sa sinapupunan ko. Pero hindi pa rin nila alam na bumalik na ang alaala ko, nagsimula iyon nang magising ako mula sa isang bangungot, lahat ng past memories from how William started to court me snf the time came I want to break up with him kahit ayaw niya, hanggang sa mabangga ako.
Humihingi ako ng space kay William dahil gusto kong makalimutan ang mga masasamang nangyari, pero ayaw niya at natatakot siya. Sabi pa ng doktor na baka mahirapan ulit akong magbuntis kaya natatakot ako. Feeling ko kasi parang hindi na ko masaya sa kaniya.
Gusto kong i-test ang sarili ko kaya gusto ko na muna ng space. Gusto ko munang dumistansya sa kaniya kung totoo ba tong nararamdaman ko o dala lang ng emosyon ko sa pagkawala ng second baby namin. Kung hindi pa siguro na bumalik ang alaala ko ngayon, siguradong hindi ako makakaramdam ng ganito.
Dito muna kami sa condo ni William for the mean time dahil natatakot na siya na baka maulit iyon.
Lumabas ako ng kusina para silipin si Bella, pero nabigla ako nang makita ko na kasama na niya sa sala ang Daddy niya na sinasamahan siyang maglaro. Biglang umangat ang mukha niya at binigyan niya ako ng malamig na tingin, ganun din ako sa kaniya pero iniwasan ko siya ng tingin at bumalik ulit sa kusina.
Narinig ko ang footsteps ng sapatos niya na alam kong papunta siya dito. Hindi ko na lang siya pinansin at inabala ang sarili ko sa pagluluto. Pero bigla akong natigilan at napalunok nang yakapin niya ako mula sa likuran kaya napakagat ko ang lower lip ko.
"Bakit ka ba nagkakaganito sa akin? Nahihirapan ako na ganito ang pakikitungo mo sa akin." Bulong niya.
Mabilis akong in-off ang stove at saka ko siya hinarap.
"William.." Napaos ang boses ko. "Yung hinihingi ko, gusto kong ibigay mo sa akin yun."
Nagsimulang kumunot ang noo niya. "Yung space? Bakit? Ano bang problema? Ciara, may anak tayo."
Hindi ko na napigilan ang luha ko na kusa na lang tumulo. "Pero...pero ako ang may kasalanan ng pagkawala ng second baby natin at sinisisi ko ang sarili ko at may gusto akong patunayan sa sarili ko kung masaya pa ba ako o hindi na, kaya I need space."
"What did you say? Are you fvcking insane, Ciara? Kung hindi ka na masaya sa akin, then I will make you happy. Lahat gagawin ko para sayo at para kay Bella! Sa tingin mo madali lang kalimutan ang nangyari sa second baby natin? Hindi! Kaya binabaling ko na lang lahat sa inyo para makalimutan ang bangungot na sinapit mo! Para mo na ring sinabing maghiwalay na tayo!"
Tila may kumirot sa puso ko mga salitang huli niyang sinabi at napaawang labi ako. Mas masakit pa palang marinig iyon mula sa kaniya.
"Fine! I'll give you what you want, pero iiwan mo si Bella sa akin and I assure na sa akin ka pa rin babagsak, because I will do and take all the risk just to get you back, Ciara."
Then he held my nape and he gave me a torrid kiss.
#ChaTara08
BINABASA MO ANG
To Get You Back [TGKS#3]
RandomWilliam met his Ex-Girlfriend Ciara, unexpectedly. Sa kabila ng pagiging babaero ni William ay tila na-realize niya na kay Ciara pa rin talaga tumitibok ang puso niya. Ciara is a bitter woman dahil minsan na siyang iniwan ng kaniyang past ex boyfrie...