- WILLIAM'S POV -
I'm here at my office at nakatayo sa harap ng wall window. Actually, may hinihintay akong tao na inutusan kong mag-imbestiga.
And suddenly, someone knocked on the door hanggang sa marinig kong bumukas iyon.
"Sir, ako na po 'to si Russell.."
Tumagilid ako upang maglakad patungong swivel chair at naupo. "How's your investigate? May nalaman ka ba?"
He nodded. "Yes sir, here.." Nilapag niya sa table ko ang isang envelope at kinuha ko naman.
And when I opened it, puro nakunang litrato ang mga ito nila Max at ang kaniyang pamilya. Seryoso ko lang pinagmasdan ang masayang pagmumukha ng Kuya ni Ciara, ang dahilan kung bakit niya nilayo sa akin ang kapatid niya. His wife Trina, I already met his wife before at wala akong masabi sa kabaitan nito. Ang dalawang bata, kamukha ni Max ang bunsong lalaki maliban sa panganay nilang babae dahil mas kahawig pa neto si Ciara.
Umangat ang tingin ko kay Russell. "Beside of these photos, meron pa ba?"
"Yes, sir. Nalaman ko na nagkaroon din boyfriend doon si Miss Ciara habang nag-aaral doon sa Singapore."
Napakunot-noo ako. "Kanino mo nalaman?"
"Sa classmate niya rin po noon na ngayon ay Architect teacher na rin ngayon."
"'Yon lang?"
"Baka po surprise ang biglaang pagbalik ni Max Leviste at ang kaniyang pamilya dito sa bansa. At saka tungkol sa mga anak ni Max Leviste, yung panganay nilang babae ay napag-alaman kong ampon nila."
Mas lalong kumunot ang noo ko. "Adopted? That's impossible.. Look of this photo, kahawig ni Ciara." Turo sa isang photo na nakangiti ang batang babae.
Sandali rin niyang pinagmasdan ang litrato. "Tama nga po kayo, sir, kamukha nga niya maliban ang mga mata." He looks at me. "Pansin niyo?"
Seryoso ko namang pinagmasdan yung mga mata ng bata kung anong meron. At ng malaman ko ay bigla akong kinilabutan kaya umangat ang tingin ko kay Russell.
"Her eyes is looks like mine."
Ngumisi si Russell at napatango. "Six years old na po ang batang 'yan, sir."
Biglang kumalabog ang dibdib ko dahil sa kaba at kutob ko. Imagine six years old na pala ang batang ito. Naghiwalay din kami ni Ciara six years ago na rin. Sh*t! Hindi kaya buntis siya noon at ako ang ama?
- CIARA'S POV -
Nag-bow ako pagkatapos kong ipakilala ang sarili ko sa mga empleyado na makakasama ko ngayon at kinamayan ako para i-welcome ako.
"Miss Leviste, girlfriend ka ba ni Mr.CEO?" biglang tanong ng babaeng nagpakilala sa akin kanina, si Winnie.
And because of her question, ay nawala ang ngiti ko sa labi. "Uhm.. Y-Yeah.." Medyo naaalangan kong sagot sa kaniya.
Nakatinginan naman silang lahat at nagbulung-bulungan. Ano ba yang ginagawa nila? Magtsitsismisan sa harapan ko pa?
Pagkatapos ay may biglang lumalabog sa may pintuan kaya nagulat kami.
"Ano ba yan? Ang aga-aga tsismisan kayo ng tsismisan diyan, di na kayo nahiya sa bagong kasamahan niyo dito?" Si Sir Ivo na supervisor dito sa company.
"Sorry, Sir Ivo.." Paghingi nila ng paumanhin.
Nagsimula na kaming magtrabaho as a team. Bawat isa sa amin ay may kaniya-kaniyang ideas sa pagdedesign ng damit. Sinuggest ko sa kanila ang blouse na pwedeng maging off-shoulder mas ikakaganda pa.
Agad kong iginuhit ang naisip ko kanina at pinakita sa kanila na ikinamangha naman nila kahit wala ganoong design dahil plain dress palang naman ang ginawa ko. Sila nagsuggest na magdesign at natuwa naman ako dahil bumagay ang naisip ni Ariel.
Nang matapos kami ay inayos ko ang mga gamit ko sa desk ko, tsaka ko chineck ang phone ko and I received few messages from William and unexpectedly from my Brother.
From Kuya Joseff,
- how are you, Jacenth?
- are you working right now?
- reply me back if you are not busy. I have something to tell you.I replied.
- I'm done. So what do want to say?Habang hinihintay ko ang reply ni Kuya Joseff, sinunod kong binasa ang message ni William.
From William,
- I saw you busy.
- I'm on meeting and I'm getting bore.
- I wanna see you.
- Let's have lunch later, I'll wait for you at the basement. Love you.Gusto kong matawa dahil may bago akong nalaman tungkol sa kaniya, mainipin siyang tao. Hindi ko akalain na ang CEO na tulad niya ay pwede rin palang mainip at hindi nagfofocus sa trabaho niya.
Tamang-tama 11:15 am na kaya kinuha ko na ang gamit ko.
"Ciara?"
Agad naman akong napalingon kay Winnie. "Yes?" I smiled.
"Gusto mong sumabay sa amin mag-lunch?"
"Maybe next time or tomorrow kasi nagtext na si William--i mean si Mr.Monticello na maglunch kasama ako."
"Ahh.. Ganun ba. Okay lang yun, syempre sinong hindi matitiis ang isang Mr.Monticello na every girl dream na makasabay siya maglunch and to be honest, you're the luckiest girl. I hope magtagal kayo ni Sir William kasi...."
Napakurap-kurap ako nang bigla siyang nagkunwaring umiyak.
"Kasi?"
"Kasi masakit man aminin to pero bagay kayong dalawa." Tapos nag-agree din ang mga kasamahan niya.
Natawa naman ako ng bahagya. "Grabe kayo, ha? Pero salamat."
Agad namang hinawakan ni Ariel ang kamay ko. Ang napansin ko sa kaniya ay ang pagiging silais niya.
"Friend, pagbalik mo magkwento ka."
"Magkwento ng ano?" Natatawang tanong ko.
"Ng lovestory niyo."
Naku po.. Paano ko masasabi sa kanila eh nasa loading palang ang utak ko dahil hindi gaano detalyado ang naaalala ko. Siguro ang ikukuwento ko na lang yung mga sinabi na lang ni Rasha noon.
"Sure."
Nagpaalam na ko sa kanila at nagtungo nasa basement. Habang naglalakad na ko ay nagtumunog na cellphone ko, si Kuya Joseff ang tumatawag at agad ko naman itong sinagot.
"Kuya?"
(Jacenth, kung lalabas ka, please, magpasama ka sa kakilala mo diyan. There is someone try to get you.)
Napakunot-noo naman ako.
"Sino naman?"
Nakaramdam naman ako ng takot dahil sa sinabi niya.
(Si William Monticello---)
What? But how come eh kasama ko na si William?
"Ciara?"
Hindi ko na nagawa pang sumagot kay Kuya dahil may biglang may tumawag sa pangalan ko kaya sa paglingon ko, nanlaki ang mga mata ko sa gulat at nanatiling na-istatwa sa kinatatayuan ko.
"S-Steven?"
#ChaTara08
BINABASA MO ANG
To Get You Back [TGKS#3]
DiversosWilliam met his Ex-Girlfriend Ciara, unexpectedly. Sa kabila ng pagiging babaero ni William ay tila na-realize niya na kay Ciara pa rin talaga tumitibok ang puso niya. Ciara is a bitter woman dahil minsan na siyang iniwan ng kaniyang past ex boyfrie...