Chapter 9 : Second Chance

1.1K 29 2
                                    

- CIARA'S POV -

Nang matapos ako sa hugasan ay sinilip ko siya sa may sala at naabutan ko siyang may kausap sa phone tapos ay binaba na rin niya iyon.


Nilapitan ko naman siya. "William, wala ka bang trabaho ngayon?" I'm just curious.


"Kaninang umaga I have appointment meeting then I just get bored kaya napag-isipan kong puntahan ka."


Tinaasan ko siya ng kilay. "Seryoso? Bakit? Boss ka ba para umasta ng ganiyan?"

Ngumisi siya sa akin. "Sadyang mabait lang ang boss ko kaya pinayagan ako."

"Ganun? Eh ano bang trabaho mo?"


"Sa company, sa Global M. mismo.."


Napa-O ang bunganga ko. "Ooh.. So, what's your position there?"


"Malalaman mo rin soon kapag nakapasok ka na sa Global M."


Napatango-tango naman ako. Tss.. May pa-secret-secret pa siyang nalalaman. Geez!


"Hulaan ko. You're one of the higher position, ano?"


Nagkibit-balikat naman siya at natawa ng bahagya. "Maybe."


"Andaya.. Basta tutulungan mo kong makapasok sa company niyo, ah!"


Lumapit naman siya sa akin and he cupped my face. "Yes of course, my lady. As you wish!" Then he kissed the tip of my nose. "Can I kiss you again?"


Napakurap-kurap ako. Hindi ko alam kung gusto ko bang magpahalik. Bigla tuloy bumilis ang tibok ng puso ko. "Ahm.. I think I should go to room first, I forgot na may gagawin pala ako."


"What? Do you need help? I can help you, I insist."


No! Hindi dapat niya malaman at makita na ginagawa ko na yung port folio. What should I do?


"Ahm.. S-Sure.."


Ay! Tanga, Ciara! ARGH!! BAHALA NA!!


Pinatuloy ko siya sa kwarto ko at agad ko namang inayos ang mga gamit ko sa may study table ko kung na saan din ang laptop ko.


"Ano yang nililigpit mo?"


"Ah! Wala 'to--"


"May I see?" Wala na kong nagawa dahil naagaw na niya ang sketch pad ko and boom! He saw all my works. "Wow! You did these? You're still good in sketching ever since.." Then he looks at me. "Ito na ba ang ipapasa mong port folio?"


"Ah.. Y-Yes.. Maganda ba mga designs na naisip ko?" Medyo nahihiya kong tanong.


"Of course and I'm sure makukuha 'tong mga gawa mo. Tapos ka na ba?"


Umiling ako at napangiti ako dahil pinagaan niya ang loob ko. "Salamat. Actually, I'm not still yet done. Nahihiya lang kasi akong ipakita sayo."


"You don't have to. Para sa akin maganda lahat ng gawa mo." He said then binigay niya ulit sa akin ang sketch pad ko.


Nilapag ko ulit sa mesa ang sketch pad ko at tumingin sa kaniya, kaso natigilan ako nang makita ko siyang nakatitig sa laptop ko, and he saw my wallpaper there. Ang picture namin ni Bella. Oh my God! Hindi niya dapat malaman na may anak na ko.


"Oh! I forgot to shut it down---" papatayin ko sana ang laptop ko nang bigla niya kong pinigilan na wag patayin ang laptop.


"Who is this little girl?" He asked habang seryoso siyang nakatuon pa rin sa picture namin ni Bella sa laptop.


To Get You Back [TGKS#3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon