Chapter 17 : Steven's Reason

896 27 0
                                    

- CIARA'S POV -

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Pinagmasdan ko ang kalagayan niya na puro pasa ang mukha at benda sa kaliwang braso niya, pero pinipilit niya pa ring ngumiti sa akin. Bumaba ang tingin ko nang magawa niyang abutin ang kamay ko.


"Ciara, I missed you. H-Hindi ko alam kung paano ko ie-explain lahat, all I want to say is sorry for leaving you without reason. I'm so sorry.." He said at nakita na naluluha ang kaniyang mga mata.


Napalunok ako, halo-halo ang nararamdam ko ngayon. Karapatan kong magalit dahil iniwan niya ako noon sa ere, pero sa kalagayan niyang 'yan parang mas naawa pa ako sa kaniya.


"Kung nahihirapan ka pa, tatanungin ko na lang sa nurse kung anong nangyari sa'yo."


Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa akin upang pigilan ako. "No! I can manage.. I will explain."


I sighed then umupo ako sa tabi ng kama niya. "Dalian mo at nahihilo ako sa amoy dito, baka masuka ako wala sa oras."


"Okay.. Ganito kasi 'yan.. Because of my parents kaya bigla kitang iniwan ng walang rason. They want to get married anak ng kasosyo nila sa business--"


Walang gana ko siyang tinitigan. "In short, arranged marriage. Bakit kailan mo pang i-deactivate lahat ng accounts mo?"


"Dahil kailangan kasi ayaw kitang masaktan kapag once na na nakita mong may kasama akong babae."


Napahampas ko tuloy ang kama niya sa inis ko kaya nabigla siya, pasalamat siya hindi ki siya masapak.


"Sana ganun na lang ang ginawa mo para hindi ako magmukhang tanga!"


"Kaya nga humihingi ako ng sorry. At saka hindi ko naman gusto ang babaeng ipapakasal nila sa akin dahil ikaw pa rin ang laman ng puso ko." Napaawang labi niyang sabi pero kaagad naman siyang ngumiti. "Don't worry, hindi pa ko kasal dahil hindi natuloy kaya pwede pa rin na maging tayo."


Napakurap-kurap ako at napailing. "Sorry, pero wala ng tayo, Steven. May boyfriend na ko, at dahil sa kaniya hindi ko malalaman ang lahat lalo na may amnesia pala ako."


Napawi ang kaniyang ngiti. "Ang William Monticello na 'yon?"


"He said that he is my boyfriend way back when we're college. Hindi ko alam yun dahil walang sinasabi sa akin si Kuya Joseff na may ex boyfriend pala ako dito, and he didn't tell me also na may amnesia ako. See? Puro lihim at kasinungalingan ang sinasabi ni Kuya."



"So, mas magtitiwala ka sa boyfriend mong iyon kesa sa sarili mong kapatid? He just protecting you kasi kapatid ka niya."


"Alam ko 'yon. Pero hindi na niya dapat ilihim ang mga gusto ko malaman, lalo na sa tatay ni Bella."


I heard him sighed. "Naalala mo ba yung sinasabi ko noon na willing akong maging daddy kay Ysabella? Kaya kong panindigan iyon."


Napailing ako at napabugtong hininga. "I'm sorry, Steven.. Let's change the topic. What about your condition? What the real happened? Sino may kagagawan niyan sayo?"


Napansin ko ang pagkalungkot ng mukha niya. I feel sorry for him, kung sanang may nararamdaman pa ko sana ay hahayaan ko siyang naging ama kay Bella, kaso may William na ako.


"Gusto mo talagang malaman?" Hindi ako umimik at hinintay ang susunod niyang sasabihin. "Ang boyfriend, siguradong siya may pakana nito."


Muling kumunot ang noo ko sa kaniya. "What? Are you talking to William? How come? That's impossible."


"Sure kang boyfriend mo 'yon? Tangina! Talagang nag-utos pa ng mga tauhan para pabugbugin ako ng ganito na kulang na lang patayin ako. Ciara, layuan mo na ang boyfriend mo at sumama sa akin. Masamang tao si William--aah!!" Napangiwi siya sa akin ng kaniyang braso kaya bigla akong nataranta.


"Tatawag ako ng nurse."


"No. Kumirot lang naman, mawawala rin 'to."


Hindi na ko nakaimik. Napaka-imposibleng gawin iyon ni William. Pero paano kung siya nga?


"Kakausapin ko siya."


"Kapag sinaktan ka niya, babalik tayo ng Singapore or maybe sa Macau na.."


Tumayo na ko. "I have to go. Pagaling ka." Walang gana kong sabi sa kaniya.


Akala ko matatapos na ang pag-iisip ko, but I was wrong. Lalong dumagdag at gumulo ang isip ko. Pagkasakay ko sa elevator ay napasapo ko na naman ang noo ko, sumulyap ako sa katabi kong ale na may hawak na isang box ng chocolate cake na bigla ko na lang ikinaduwal na di ko malaman ang dahilan kaya bigla akong napatakip ng bibig.


What's wrong with me?


Bumukas na ang elevator at naghanap agad ako ng cr. Shit! Lahat sinuka ko na kahit wala naman laman ang tiyan ko, nakalimutan ko yung cheese bread na pinapabili ko kay William.


Oh my gosh! Agad kong nagmadaling lumabas ng hospital until I stopped when I saw William giving me a dead glare. "William.."


"Pinuntahan mo ang ex mo na walang pasabi sa akin?"


Nilapitan ko siya. "I'm sorry, I didn't mean to--" Initsya niya ang isang plastic ng cheese bread sa akin at mabuti na lang ay nasalo ko. Tapos bigla na lang siyang naglakad palayo sa akin. "William, wait---" napasapo ko ulit ang noo ko dahil nakaramdam ulit ako ng pagkahilo, until I fell on the ground and everything went black.






#ChaTara08

To Get You Back [TGKS#3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon