Chapter 18 : Possessive

1K 28 2
                                    

- CIARA'S POV -

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko and I saw William sitting on my side habang nakabaon ang mukha niya sa kaniyang braso, natigilan ako nang hawak niya pala ang kamay ko.

Bigla kong naalala ang nangyari kanina. Hinimatay ako and now I'm here at the hospital room.

"W-William?" I tried to call his name kahit natutulog siya. I don't know how did he know na si Steven ang ipinunta ko dito sa hospital?

Unti-unti naman niyang inangat ang kaniyang paningin sa akin. "Ciara, you're awake. Oh God!" Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. "I'm sorry sa inasta ko kanina. How do you feel?" He said na may halong pag-aalala.

I sighed in relief that he's not mad unlike awhile ago. "Akala ko iiwan mo ko, e. I'm sorry, too.. Sorry for making you worried. Don't worry, I think I'm already fine. I just wanna go home, ayoko dito sa hospital."

Tumango-tango naman siya. "Fine.. Wag mo na ulit gagawin yon. If aalis ka, dapat kasama na ako."

I nodded at bumalikwas na sa kama. Lumabas muna siya ng kwarto para asikasuhin ang bill. Habang hinihintay ko siya ay bigla akong napaisip sa kalagayan ko. Nahihilo, nasusuka and I'm craving for foods na hindi ko naman gusto lalo na ang cheese bread. Natigilan ako, tila ba nanyari na ito noon sa akin.

"Kuya, I want milk.." I pouted.

"Milk?"

"Yes with plenty of ice. Please?" Dagdag ko pa.

Nagkatinginan tuloy sina Kuya Joseff at Ate Trina.

"Ganiyan talaga ang naglilihi. O siya, gagawa ako." Prisinta ni Ate Trina na agad kumuha ng fresh milk sa ref at maraming ice cube na nilagay niya sa baso.


Tapos kung anu-ano pang ka-weirduhan ang hinihingi kong foods kay Kuya noon. Kaya ang punti ni Bella na pinaglihi ko sa fresh milk.

Oh God!

Napatakip ako ng bibig na narealize ko na baka buntis ako. But I'm not yet sure. Alam na kaya ni William? Sana morning sickness lang. Bigla na lang akong kinabahan. What if I'm pregnant, what should I do? What should I say to my Kuya?

No! No! This can't be..

Bumukas na ang pinto at pumasok si William. "Let's go.."

"William, pwedeng doon muna ko sa bahay ko. Please, doon mo ko ihatid."

Napasinghap siya at tumango. "Sure basta kainin mo yung cheese bread mo."

Todo tango naman ang sagot ko sa kaniya. Paglabas namin sa hospital agad na niya kong pinapasok sa loob ng kotse niya at ganun na rin siya and he started the engine. I don't know how I can I explain to him about Steven, lalo gusto kong nalaman kung talaga bang siya ang may kakagawan sa nangyari kay Steven.

Kinuha ko ang plastic na naglalaman ng sampong pirasong cheese bread at kumagat ako ng isa. Sumulyap ako sa kaniya. "Gusto mo subuan kita? Kagat ka kahit konti, alam ko wala ka pa ring almusal." Sabi ko nang nilalapit ko na sa kaniya ang tinapay. Napangiti naman ako ng kumagat siya.

"Thanks.." He said while he's driving.

"William, how did you know na nasa ospital ako?"

"When I came back sa condo, saktong nakita kitang sumakay ng taxi kaya sinundan agad kita. Hindi na kita sinundan hanggang loob dahil nagtanong din ako sa information kung sino ang bibisitahin mo, then I remember your ex named Steven. Damn it! Didn't I tell you to stay inside my condo? How did you know na nasa ospital ang ex mo, ha?" Pagalit niyang tanong sa akin.

Kinakabahan ako lalo sa isasagot ko. Kasalanan ko naman, hindi ako nagpaalam, natural na magseselos siya.

"To be honest, hindi ko rin alam. He just call me nagulat na lang ako na he knows my number."

"Then change your number."

Napakunot-noo ako. "I won't change my number.. Mabuti na nakipag-meet ako sa kaniya, at least nalaman ko ang reason niya why he left me before."


"Now you know his side, iiwan mo na ko at babalikan mo siya?" Beastmood na siya at paranoid.

"Why would I do that?" Eh mahal na kita! "Of course not!" Sabay irap ko sa kaniya. "The reason why he is in the hospital, may mga tao daw gumulpi sa kaniya." Bumaling ulit ang tingin ko sa kaniya. "Kung ayaw mong iwan kita, gusto ko magsabi ka sa akin ng totoo.."

Napakunot-noo siya at sandaling lumingon sa akin. "What is it?"

"Pinagulpi mo ba si Steven?"

At sa tanong kong iyon, bigla niyang prineno ang sasakyan kaya nabigla ako. Then, matalim niya kong tinignan. "I have my reason why I did that to him dahil may binabalak siyang masama sayo. I will do everything wag ka lang mawalay sa akin ulit. Sa kalagayan mo ngayon, hinding-hindi na kita pakakawalan."

"Kahit kunin ako ni Kuya sayo?"


"I will risk everything kahit kuya mo pa 'yon. I will fight what is mine." He said seriously. He's really a possessive..

Tahimik na kaming nakarating ng Laguna. Hindi na niya ko hinatid pa hanggang loob ng bahay dahil iyon ang gusto ko. Gusto ko munang makapag-isa kahit ngayon lang. Kinuha ko sa loob ng pouch ang susi at ng pinihit ko na sa doorknob, nabigla ako ng hindi tumunog, it means hindi naka-lock. What the hell! Baka pinasukan ako ng mangnanakaw dito!

Pagpasok ko napasinghap ako sa gulat nang may yumakap sa aking bewang.

"Mommy!!"

"B-Bella?" Umangat ang tingin ko at nanlaki ang mga mata ko kung sino ang dumating dito na di ko inaasahan. "K-Kuya...Ate..."

Oh damn! Am I dreaming? They are here and also my baby is here.





#ChaTara08

To Get You Back [TGKS#3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon