- CIARA'S POV -
Nang magising na ako ng umaga, wala na si William sa tabi ko. Pero paglingon ko sa sidetable ay nandoon ang isang tray na may foods, at may nakita akong sticky note doon kaya inabot ko ito.
'Good Morning, my love. Eat your breakfast. I love you from the bottom of my heart.'
Napakurap-kurap ako. Kailangan ko pa bang kiligin matapos kong maalala ang ilang pangyayari na nakita ko sa panaginip ko.
Nagising ako ng twelve midnight dahil sa panaginip na bigla na lang lumitaw sa utak ko.
May lalaking hinahalikan ako sa leeg. Sa kilos naman ng lalaki ay parang hindi naman niya ko nire-rape at tila gustung-gusto ko pa ang ginagawa niya sa akin dahil umungol ako.
Damn! Biglang sumakit ang ulo ko kaya dali kong ininom ang gamot ko na nasa side table. Mabuti nakabukas pa ang lampshade at nakita ko ang nakadapang lalaki na natutulog sa tabi ko, walang iba kundi si William.
Kumalabog ang dibdib ko sa kaba.
Si William nga ang nakatalik ko noon at sinabi naman niyang may nangyari na sa amin noon because we both drunk. And about sa rape, maybe its not true, baka imbento na naman iyon ni Kuya Joseff.
"Ugh!! Ang gulo!!" Inis ko kaya bigla kong ginulo ang buhok ko. Masyado nilang ginugulo ang pag-iisip ko. Hindi ko rin alam kung sino ang dapat kong paniwalaan.
Natigilan ako kung sino ang dapat kong pagtanungan.. Si Rasha. Pero next time na lang.
Pagkatapos kong mag-almusal ay naligo at nagbihis ako ng formal attire, saka ko inayusan ang sarili ko. I face myself on the mirror and I sighed. "This is it."
Kailangan ko ng mag-apply. Kinuha ko na ang sliding folder at brown envelope na naglalaman ng mga requirements ko. Lumabas na ko ng bahay at sumakay ng taxi patungong Global M. Company.
Pagdating ko ay napag-alaman ko na ang company ng Global M. ay nasa 4th floor pa nitong mall, kaya kailangan ko na lang mag-elevator. Pero bago pa ako makarating ng elevator, ay nadaanan ko agad ang AMIEGO. Bahagya akong napanganga nang makita kong nakapastil na pala ang malalaking poster ko sa labas ng boutique ni Rasha.
"Grabe! I'm so....S.P.E.E.C.H.L.E.S.S..."
Yes. I'm speechless dahil sa kagandahang taglay ko. Ghad! ANG GANDA-GANDA KO! Habang sinisigaw ko iyon sa isipan ko, ay napapangiti na lang ako.
And before I forgot, may kailangan pa pala akong gawin, and some other time ko na lang ako makikipag-meet kay Rasha.
Sumakay na agad ako ng elevator, pero bago pa magsara ng pinto ay tila may familiar na lalaki akong nakitang dumaan habang may mga nakasunod siyang naka-Men in Black ang itsura, maybe mga securities iyon. Napakunot-noo ako at nagtaka.
"That's impossible. Paranoid lang ako. That's not him, okay?" I just said to myself.
Simula nang dumating at nakilala ko si William ay naging magulo na ang isipan at puso ko, pero paano si Steven? Mahal ko pa ba siya? Kasi dahil kay William, nakakalimutan ko na siya.
Biglang napaangat ang tingin ko sa pinto nang tumunog ito at bumukas na agad kaya lumabas na ako. Napalunok ako tuloy nang maabutan ko na may ilang naka-office attire ang panay ang lakad sa iba't ibang work station.
Ganito ba sila ka-busy dito?
"Miss?"
Napatalon ako sa gulat nang may kumalabit sa braso ko. "Yes?"
"What can I help you?"
Nahiyang ngumiti ako sa babaeng ito na kasing tangkad ko.
"Uhm.. I'm an applicant." I said.
Tumango-tango naman siya. "I see, follow me po." She said kaya sumunod naman ako sa kaniya.
Dinala niya ako kung saan ang ibang applicants ang naghihintay din sa labas ng office.
Okaaay! I should really wait for some couple of minutes here.
Umupo ako sa katabi kong babae na abala sa kaniyang phone. Wow! Samantalang ako dito ay kinakabahan na.
Kinuha ko rin ang phone ko sa bag at nag-text ako kay William to remind him na nandito ako ngayon sa company nila. And while I'm waiting for his reply, nililibot ko ang sarili ko sa paligid na para makapagbaka sakaling makita ko si William sa paligid pero wala pa rin. I tried to call him pero busy ang phone niya. Baka busy nga. Tsk!
Nang natapos ang isang oras at natapos na rin ang kasunod ko, pumasok na ko sa loob ng office. Dumoble ang kaba ko ng makapasok ako dahil job interview na kaagad ang haharapin ko. May isang lalaking lumapit sa akin at binigay ko sa kaniya ang port folio at ibang requirements ko, saka binigay ng lalaki sa mga job interviewer.
Sa pag-upo ko sa chair, ay natigilan at napatulala ako kung sino ang familiar na lalaki ang kaharap ko na abala sa pagtingin ng port folio ko habang nakangiti.
"Wow! Very impressive, I like your designs." He said that makes may heart beat faster. Then, umangat na ang tingin niya sa akin at nagtama ang aming mga mata.
Napatulala ako sa kaniya. "W-William? Y-You are the--"
Bigla siyang tumayo. "I'm William Latrell Monticello. The CEO of Global M. Company."
#ChaTara08
BINABASA MO ANG
To Get You Back [TGKS#3]
Ngẫu nhiênWilliam met his Ex-Girlfriend Ciara, unexpectedly. Sa kabila ng pagiging babaero ni William ay tila na-realize niya na kay Ciara pa rin talaga tumitibok ang puso niya. Ciara is a bitter woman dahil minsan na siyang iniwan ng kaniyang past ex boyfrie...