- CIARA'S POV -
Umalis na sina Kuya at tumuloy na sa Eton City. Kami na lang ni Bella ang naiwan dito. Habang nagluluto ako ng favorite niyang Baked Macaroni, hindi pa rin mawala sa isipan ko ang sinabing iyon ni Ate Trina na may gustong kumuha sa akin.
Paano na lang kung lalabas kami? Jusko po..
"Mommy?"
Bumaba bigla ang tingin ko kay Bella. "Yes, baby?"
"Luto na po?" Tanong niya. Itsura namang naiinip na siya at mukhang gutom na.
"Five minutes na lang, baby! Upo ka na sa dining table." She nodded at sumunod naman siya sa akin. Agad ko siyang pinaghanda ng pinaggan at nilagyan ko ng baked macaroni. "Here you go. Kain ka ng marami, huh?"
"Yes, mommy. I will.."
Kahit kailan hindi naalis sa kaniya ang paggiging sweetness niya, napaka-adorable talaga ng anak ko. Mabuti na ngalang hindi niya tinatanong kung sino ang daddy niya dahil hindi ko rin alam kung sino.
Umupo ako sa tapat niya at pinagmasdan siya habang kumakain. Napansin ko nga na medyo tumaba ang braso niya at nagkabilbil ng kaonti. Noon kasi napakapayat at sakitin pa siya. Laking pasasalamat ko kay Ate Trina na hindi niya pinababayaan si Bella.
"How's your school, baby? Gusto mo i-transfer kita?"
Biglang umangat ang tingin niya sa akin. "Yes, mommy. Wala naman po akong friends doon." Nakanguso niyang sabi.
"Huh? Bakit naman?"
Nagkibit-balikat naman siya. "Wala daw po kasi akong daddy.."
Napalunok ako at natigilan sa kaniyang sinabi. Oh my God, heto na nga ba ang sinasabi ko.
"A-Anong sinabi mo?"
"I said that I have Daddy, si Papa Steven po."
And my jaw dropped. Papa ang tawag niya kay Steven dahil noong time na kami pa, tinuruan niya si Bella na itawag siyang Papa.
"Kaso baby, wala na kami ng Papa Steven kaya wag mo siyang tatawaging Papa, okay?"
Napakurap-kurap siya. "Hindi mo na po siya love? But he promised that he will marry you at ako daw po ang flower girl."
Napasinghap ako at napakurap. Juskong batang 'to, hanggang ngayon pa pala naalala niya pa iyon. "Baby, hindi na mangyayari 'yon."
"Bakit po?"
"Kasi may iba ng gusto si Mommy." I said then I smiled.
"Sino po?"
"Soon, makikilala mo rin siya. Kain ka na ulit."
Tumango na lamang siya at nagpatuloy sa kaniyang pagkain.
Dumaan ang gabi na magkatabi kaming natulog. Kinabukasan, nagising ako at napabangon agad dahil naduduwal na naman ako. I thought okay na ko kahapon kaso bumabalik na naman.
Mabilis akong naghilamos at paglabas ko ng banyo ay nakita ko ng nag-uunat si Bella na kagigising lang din.
"Good Morning, Mommy!"
"Good Morning, Baby.."
Lumapit ako sa kaniya to kissed her pouted lips. "My, are you okay?"
BINABASA MO ANG
To Get You Back [TGKS#3]
AcakWilliam met his Ex-Girlfriend Ciara, unexpectedly. Sa kabila ng pagiging babaero ni William ay tila na-realize niya na kay Ciara pa rin talaga tumitibok ang puso niya. Ciara is a bitter woman dahil minsan na siyang iniwan ng kaniyang past ex boyfrie...