- CIARA'S POV -
Napatulala ako sa gulat dahil sa hindi ko akalaing nasa harapan ko ngayon si Steven, kasabay ng paghuhuramentado ng puso ko. Bahagya akong napasinghap nang mabilis niya kong sinugod ng yakap.
"Oh Ghad! Finally, I found you!"
"S-Steven.."
Halo-halo ang nararamdam ko ngayon na hindi ko maintindihan. Bigla ko na lang siyang naitulak nang makita ko si William sa di kalayuan at masama ang tingin sa aming dalawa.
"What?" Pagtataka ni Steven.
Binalik ko ang tingin ko sa kaniya. "U-Umalis ka na."
"Ano? Sa tagal kitang hinanap iyan ang sasabihin mo sa akin? Nandito ako para makipagbalikan na sa 'yo and I will explain everything kung bakit kita iniwan noon. Please, Ciara..." Pagmamakaawa niya habang hawak niya ang dalawang kamay ko.
"Pero..." Si William talaga ang naiisip ko, ayoko mag-isip siya ng masama sa amin.
"Mayro'n ka na bang iba? Tell me!" Malungkot niyang pagkakatanong sa akin.
"Yes and it's me.." Sabay kaming napalingon ni Steven sa nagsalitang 'yon, si William na papalapit na sa 'min. "So, back off to my girlfriend." Seryosong sabi niya nang kunin niya kay Steven ang mga kamay ko.
"William.." Awat ko sa kaniya.
Naningkit ang mga mata ni Steven. "William Monticello?"
Kilala niya si William?
Nakipagtaasan naman ng noo si William kay Steven. "Sino ka ba?"
Nanlaki ang mga mata ko nang ngumusi si Steven. "You don't know me?" He looks at me. "Bakit di mo ko ipakilala sa bago mo na ako ang boyfriend mo noong nasa Singapore pa tayo."
Hinila naman ako ni William sa kaniyang likuran na tila natatakot siyang mahila din ako ni Steven. Ako naman ay napahawak sa kaniyang braso, mahirap na baka bigla niya itong suntukin. Kinakabahan din ako dahil hindi nasabi sa kaniya na may naging boyfriend ako sa Singapore.
"That was before, I'm now her present until future, so get lost on our sight baka hindi ako mapagtimpi. You know me so alam mo kung saan ka rin nakatapak ngayon."
"The hell I care if this is yours. I will get what is mine, Monticello."
William grinned at him. "Go on if you can." Pang-asar niyang sabi.
Sumulyap muna si Steven sa akin bago niya kami talikuran. Humarap na si William sa akin seryoso pa rin ang tingin sa akin.
"I-I'm sorry kung hindi ko nasabi sayo ang tungkol sa kaniya. He's my ex when I was in Singapore. I really thought that he's my first boyfriend, but I was wrong. Meron pa pala akong ex dito sa Pilipinas na hindi sinabi sa akin ni Kuya." I bowed my head after I said those words to him.
Bumaba ang mga kamay niya sa aking kamay at pinisil-pisil niya ito. "Wala ka pa bang naaalala?" I just shook my head as my answer. Then he lifted my chin. "Hindi mo naman siguro ako iiwan, right?"
Napalunok ako at may narealize na ako. Sinabi ko noon na hahanapin ko si Steven kapag nakarating ako rito, pero iba pala ang mahahanap ko, ang lalaking ito at mga alaalang kasama siya. At mukhang si William na mas matimbang ngayon sa puso ko. Hindi pa man bumabalik ang alaala, ang puso ko na ang nagsasabi kung kanino na ako magtitiwala.
BINABASA MO ANG
To Get You Back [TGKS#3]
RandomWilliam met his Ex-Girlfriend Ciara, unexpectedly. Sa kabila ng pagiging babaero ni William ay tila na-realize niya na kay Ciara pa rin talaga tumitibok ang puso niya. Ciara is a bitter woman dahil minsan na siyang iniwan ng kaniyang past ex boyfrie...