Part 33: Wala na bang bago? Magsisimula na naman ulit kami ngayon.

2.7K 71 7
                                    

Part 33: Wala na bang bago? Magsisimula na naman ulit kami ngayon. 

Colorado (POV)

Sa mga oras na ito, siguro naman nakaalis na si Caillie, kasama nina Tita Ellie at Drei, sa kung saan man sila dalhin ng eroplano. Ilang buwan na rin kasi ang nakalipas nang huli kaming magkita ni Caillie. Mahirap para sa 'kin na hiwalayan siya. Wala namang kahit isa sa 'min na ginustong maghiwalay kami. Sa ngayon, nakikitira na ako sa bahay ni Kuya Jude sa Forbes Park. Though ako pa rin ang nagha-handle sa publishing company, mahina na rin ang hold ko dahil unti-unti ko nang pinu-pull out ang mga shares ko sa conglomerate. Kahit si kuya ay pinu-pull out na rin ang shares niya.

Gagamitin kasi namin ang shares namin para sa business naming dalawa ni Kuya sa The Fort. Though maganda naman ang profits ng restaurant namin sa mga nakalipas na buwan hindi naman kami magse-settle sa iisang branch lang.

Doon ko na lang ibinubuhos ang lahat. Gusto ko nang kalimutan ang lahat maliban kay Caillie. Pinanghahawakan ko pa rin ang sinabi niya sa 'kin na magkikita ulit kami. Pero ramdam kong mukhang malabo nang mangyari pa 'yon.

“Colo, hindi mo pa rin ba mapapatawad sina Papa at Ate?” Tanong sa 'kin ni Kuya na kasama ko dito sa loob ng kitchen at chine-check ang mga stocks sa kitchen.

“It's not easy to do. To think na nag-connive pa sila para lang sirain ang relasyon namin ni Caillie. Masakit na malaman na sila pa ang gagawa no'n sa 'kin.” I muttered dahil may mga tao dito ngayon.

“Pero it's time to forget it. I know it hurts but you need to move on.”

“Kuya, si Caillie, minahal ko nang higit pa sa sarili ko, hindi basta-basta 'yon. Tapos, sila Papa at Ate, ano nga lang naman ba ang ginawa nila sa 'kin, they wrecked me.”

Lumabas na lang ako sa kitchen at sa restaurant para lang maglakad-lakad. Nang makalabas na ako nang tuluyan, bigla na lang akong naluha.

Letting go is not an easy thing to do. Everytime I close my eyes, I don't see everyone else but Caillie. He really loved me at my best and my worst. Siya ang first love ko. Siya lang ang taong nakakuha ng atensyon ko. At siya lang din ang minahal ko nang ganito.

Pa'no ko nga ba nalaman na sina Papa at Ate ang gumawa ng mga plano?

I remember that time na may narinig na lang kaming kalabog ng kasama ko na si Arie. Hindi pa namin pinansin 'yon. Hanggang sa may mga nabasag na lang ng mga gamit. Tuluyan na kaming lumabas sa kwarto at nakita ko na lang na nakalat ang mga flowers, ang mga plato't basong basag, at nakita naming bukas ang ref. At nahindik na lang kami sa nakita naming dalawa. Si Caillie na hawak-hawak ang bote ng sleeping pills at nakabulagta na lang sa lapag.

Agad kaming tumawag ng ambulansya para saklolohan siya.

Saka ko na rin nalaman ang lahat nang sabihin ni Arie sa 'kin ang lahat. Nasa labas lang kami noon ng emergency room at napaluha na lang ako.

My Renewed LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon