Part 42: Siya nga. Si Colo.
Colorado (POV)
Almost one week na rin pala ako dito. Something is usual to me right now. I'm always having a beautiful breakfast at Kuya Drei's cafe. Nakilala ko na rin si Herbert na kaibigan nila ni Caillie. I must say he's very mature at the first sight. But then, he's very warm on welcoming me. Kaya pala siya wala no'ng unang araw na nandito ako dahil sa siya pala ang abala sa pagpunta sa Customs Bureau dahil sa mga inaangkat nilang kape galing pang England at Brazil.
“Kuya Drei, kailan ba ang balik dito ni Caillie?”
“I think a week and a half from now. I can't tell.”
“Bakit naman?”
“Kasi naman it's his vacation. He doesn't really tell everything about that.”
“Parang gusto ko tuloy magtagal ng isang buwan dito.”
“Naku, wag na. Malay ba nating may iba pa siyang pupuntahan. Hindi kasi siya nagsasabi e.”
“Talaga? Kuya ka naman niya.”
“Oo. Masikreto talaga si Caillie, kahit dati pa.”
We continued talking about the cafe and restaurant that they have. I just want to know something new now. Now I know that I have a chance to meet Caillie, mukhang gusto kong magtagal dito ng isang buwan. Sana hindi siya dumiretso sa Paris.
“Colo, ang lalim na naman yata ng iniisip mo ngayon?” Tanong ni Esther sa 'kin.
“Kasi, I'm thinking of staying here for a month. Ang tagal ko na rin kasing walang bakasyon. 8 years na rin akong walang bakasyon.” I said joyously.
“Gano'n ba? You can stay here. Wag ka nga lang magtatagal ng ilang buwan pa kasi susundan ka na ng Immigration dito.”
“I know it. Alam ko naman ang laws dito sa Italy.” I told them.
“Given na alam mo naman pala, you can enjoy here!” Said Esther, “Baka maabutan mong bumalik dito si Maine.”
I'm looking outside. Maganda pa rin talaga ang umaga dito sa Milan. Walang pagbabago. The sun shines so bright. Hindi matao, which is gusto ko. And I cannot find ways to judge this place differently.
“By the way, Colo, how are you enjoying things here?” Asked by Kuya Drei na nagluto pala ng pasta dish.
“I'm just fine.” I answered nonchalantly.
“You know what, favorite ni Caillie 'yang kinakain mo ngayon.”
“Talaga?”
“Oo.”
Then he gave me a cup of hot chocolate. “Ito o, chocolate. Paborito rin ni Caillie 'yan.”
“Pansin ko lang, Kuya, lahat na lang paborito ni Caillie.”
Natawa na lang siya. “Kasi naman alam kong mahal mo pa rin ang kapatid ko. Alam ko 'yang ganyang pakiramdam, Colo.”
“Kuya naman, wag mo na akong ibuking sa kanila. Nakakahiya.”
He snickered again. Nakakahiya 'yung ganito. Siyempre naman, kahit mahal ko 'yung tao, hindi ko naman pinagsisigawan. Saka ko na lang gagawin 'yon. That feeling na hindi mo na alam ang ipapakita mo sa sobrang hiya. Gano'n ang nararamdaman ko ngayon.
Hours after, ako na lang ang naiwan dito sa apartment. Gladly, time ko na rin ito para tingnan ang kwarto ni Caillie. Bukas naman e. Pero hindi ako makikialam ng mga gamit. Titingnan ko lang. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Sabay silip. Natulala na lang ako sa nakikita ko ngayon. Parang nasa ibang mundo na ako sa nakikita ko ngayon. Puro libro. Puro paintings. Puro canvass. Everything is really organized. It was just like before, when we were living together.
BINABASA MO ANG
My Renewed Love
General FictionMy Renewed Love. GAY/BOYXBOY/YAOI. NO SOFTCOPIES AND HAS NO SEQUEL. All Rights Reserved 2013 Disclaimer: Any parts of this story is fictional. Any resemblance of names, situations, events and places are purely coincidental.