Part 61: Ang bagay na hindi ko alam tungkol kay Billie.

1.4K 69 1
                                    

Part 61: Ang bagay na hindi ko alam tungkol kay Billie. 

(Caillie)

Nagising na lang ako isang umaga na pakiramdam ko ay buo na ako bilang tao. You can never achieved something treasurable unless you swam through all the pains you have experienced.” Iyan ang panimula kong statement sa isa na namang speech sa University of the Philippines-Diliman. I have received a letter from them and they want me to have a speech about love. “That's love at its essence. At kasama rin ito sa bawat pagsubok na ibinibigay sa atin ng buhay. Kaya naman kung minsan ay nakakagawa tayo ng mga bagay na tila sinusubok kung hanggang saan ang kaya nating ibigay sa ngalan ng pag-ibig. Kaya naniniwala ako sa mga salita ni Francisco Balagtas na hahamakin mong tunay ang lahat, masunod lamang ang pag-ibig. Kaya naman ngayon, nais kong iparating na hindi mo kinakailangang ibigay ang lahat ng pag-ibig sa iba. Magtira ka rin para sa sarili mo. Hindi rin masamang maging makasarili kung minsan. Ngunit magbigay ka rin sa iba. At iyan ang kabalintunaan ng pag-ibig. Hindi mo alam kung kanina ito iaalay. Sa sarili ba o sa iba?”

Hanggang sa tinapos ko ang aking speech sa ganitong paraan, “Kaya naman kung magmamahal ka, siguraduhin mong may laman ang puso mo. Dahil kung wala, parang itinuring mo na rin ang sarili mo na isang lalagyan na walang laman na naghahanap lang ng tagapuno. 'Yun lamang po at salamat.”

Agad akong bumaba at inihatid ang anak ko na si Billie. Yes, I am now his another father. Nakausap ko na rin si Georgina na ina nito. Naiiyak siya tuwa para sa aming dalawa ni Colorado dahil kitang-kita niya ang kasiyahan sa aming mga mata. Parang sila lang ng kanyang ngayon ay asawa na si Caloy. Kaka-annull lang nila ng kanyang dating asawa. Kasal pala siya roon at legal ang mga papeles. Kaya kinailangan niya pang aregluhin ang lahat para lang makamit ang annulment na inaasam-asam niya.

“Dada, pupunta na po ako sa class ko. Malapit na rin pong mag-time, e.”

“Sige, ihahatid na kita sa College of Music.”

“Thanks, Dada!”

“That's nothing, Billie.”

Hinatid ko na siya sa room niya at ang lahat ay natulala sa akin dahil mga nagtataka kung ano ang ginagawa ko sa hallway ng kolehiyo nila.

Agad akong lumabas at bumiyahe pabalik sa UST dahil may isa akong klase ngayong araw doon.

Nang makauwi na ako sa bahay, agad kong tinawagan si Mommy Ellie na nasa Hong Kong para sa isang business trip. Kaya hindi siya nakakapunta sa mga programs ko dahil sa busy siya at talagang hindi ko rin naman siya mapipigilan sa mga gusto niya pang gawin.

Anyway, she answered.

“Hello, anak! Kumusta ka naman ngayon? Buti naisipan mong tumawag.”

“Mom, ito, medyo pagod lang po and I moved with Colo.”

My Renewed LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon