Part 54: Momentarily Breaking Down Inside.

1.3K 55 7
                                    

Part 54: Momentarily Breaking Down Inside.

(Colorado)

Nakita ko ulit si Caillie. Oo, nakita ko ulit siya. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Pero wala na akong nararamdaman para sa kanya. We're through. And I know it. Kaya siguro pumalit si Pedro sa kanya, para sa 'kin. It really paid off, I guess. But then, there comes Caillie feels that resides inside my mind.

“Colo, ang tahimik mo na naman yata?” Tanong sa 'kin ni Constantine na nakakapansin na lang pala sa 'kin.

“Wala lang. Wala.” I answered hastily.

“Anyway, nananahimik ka lang naman kapag may iniisip ka e. Ano ba 'yon?” Tanong niya sa 'kin.

“Baka naman si Caillie 'yan?” Si Roman.

I'm all caught. Napangiti na lang ako.

“Don't tell me nakita mo na siya ulit?”

“Yes.” Then I smiled to them.

Tumayo na lang si Constantine at niyakap ako. “Congrats! Matutuloy na ba ang kasal?”

“Guys, don't you like Pedro for me?” I asked them again.

“Not really. He's too young for you. He's only 25 and you're 40. It's very unlikely to happen. I bet it.” Assured Roman.

“At saka, hindi ko ramdam na mahal mo siya. I know that you are trying. But hell no. You just can't take away Caillie off of your mind.” Sabi ni Constantine.

“Basta, kailangang ituon ko pa ang atensyon ko kay Pedro. I have my new life now. I wish that everybody respects that.”

“We're very sorry. But we just can't dismiss that.” Said Roman.

“It's alright.” I shortly said.

Kumain na lang kami at natapos na ang pagkikita naming tatlo. Nakakainis man ang mga pinagsasabi nila sa 'kin, totoo naman ang lahat ng 'yon. Bigla na lang kasing nagising ang puso ko nang makita ko ulit si Caillie. Ganito pala ang feeling kapag parang nakatuon na lang sa isang tao ang puso mo. Hindi na nito kaya pang tumingin sa iba. Itatanggi ko pa bang mahal ko pa rin siya? Mukhang oo, lalo na sa harapan ni Pedro. Pero nakalimot na rin talaga ako kay Caillie. Mukhang masasabi ko na rin ang linya sa kanta ni Adele: Excuse me, first love.

My phone rang. Si Mama lang pala.

“Colo, where are you now?” Mukhang kabado si Mama.

“I'm off to my resto. Why?”

Then she seemed to burst in tears, “Your Papa, he's in coma right now!”

Natulala na lang ako saglit. “Where is he confined?”

“Go straight to Makati Med, please.”

My Renewed LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon