Part 12: Sinusubukan ko naman, e. Di nga lang talaga kaya.
Colorado (POV)
Ang kasamaan ko ba ay sagad na? Sa tingin ko, hindi pa. Alam kong kapag nalaman din ng parents ko ang ginagawa ko, magagalit rin sila sa ‘kin dahil nga hindi naman nila ako tinuruang manakit ng damdamin ng iba. Well, si Caillie naman kasi, e. Kung hindi niya ginawa ‘yon sa ‘kin, e ‘di sana wala siyang problema sa ‘kin ngayon. Baka crush ko pa rin siya hanggang ngayon. Pero, nag-iba na talaga ang lahat. Mas nage-enjoy akong saktan siya. Ang sarap sa pakiramdam kapag nakikita ko siyang halos maluha-luha na.
Bilang ganti, susubukan kong ayusin ang pakikitungo ko sa kanya ngayon.
Alam kong iisipin ninyong sobrang makasarili ako kapag hindi ko na binago ‘yon.
Walang pasok ngayon sa office. Tamang-tama para ayain sa isang date mamaya si Caillie. Kahit na sekreto kaming mag-on ay hindi ko rin naman siya ginagawang lokohin.
Hindi naman ako gano’ng kadamot sa pagmamahal. Pero, kung galit na galit ka pa rin, malamang, hindi mo na iisipin pang mahalin mo ulit siya.
Tinawagan ko siya. Siguro naman ay gising na rin siya.
May sumagot.
“Hello? Caillie?”
“Hindi ito si Caillie. Si Drei ito.”
“Si Caillie po?”
“Naliligo pa siya, e. Tawagan mo na lang ulit.”
“Ahh … sige po, salamat!”
Hanggang sa nawala na lang ang kabilang line.
Mamaya ko na nga lang siya tatawagan. Naliligo pa pala siya.
Sana naman wag nang umeksena ‘yong Kyo na ‘yon! Nasissira kasi diskarte ko kay Caillie. Ang tingin ko na talaga sa ulupong na ‘yon ay kalaban kay Caillie.
To admit something, parang nag-iiba na kasi ang pakiramdam ko para kay Caillie.
Kaya naman I’ll repay for everything that he has done.
Treat ko ulit ang date naming dalawa ngayon. Pero, hindi pa rin naman ako gano’ng kaseryoso sa relationship naming dalawa.
…
Hanggang sa matapos ang kalahating oras, I tried to call him again.
Finally, he answered my call.
“Hello, Colo! Napatawag ka?”
“Hindi ako tumatawag ngayon! Iniinis lang kita!”
“Bwisit ka! Ayan ka na naman! Wag mo nga akong uratin ngayon?! Kabwisit ‘to?!” urat na urat siya dahil sa ‘kin! Ang sarap-sarap niyang tawanan ngayon!
“Joke lang! By the way, aayain lang sana mag-date ngayon. Pwede ba?”
“Well, pag-iisipan ko muna, ‘no? Ikaw kasi, may pastime kang mang-trip, e! Mamaya kung ano na naman ang gawin mo sa ‘kin d’yan!”
“Wala naman akong gagawin sa’yo, e. Simpleng date lang naman para sa ‘ting dalawa! At saka, dapat ang sinasabi mo, ‘dalian mo na!”
“Parang ayoko!? Baka nga kasi may gawin ka namang di maganda!”
“Sige na! Para sa’n pa’t boyfriend mo ‘ko kung ganyan ka sa ‘kin!?”
Ang arte naman ng bading na ‘to?! Ang sarap gilitan at tapyasan ng balat! Siya na nga inaaya ko, siya pa choosy diyan!
BINABASA MO ANG
My Renewed Love
Fiction généraleMy Renewed Love. GAY/BOYXBOY/YAOI. NO SOFTCOPIES AND HAS NO SEQUEL. All Rights Reserved 2013 Disclaimer: Any parts of this story is fictional. Any resemblance of names, situations, events and places are purely coincidental.