Part 29: That is how they feel ... for me.

3.1K 66 6
                                    

Part 29: That is how they feel ... for me. 

Caillie (POV)

'Yung pakiramdam na masaya naman ako kay Colo, pero kung minsan napapaisip pa rin talaga ako kung magtatagal nga ba kami. Kung minsan talaga, ayaw ko na lang isipin ang mga gano'ng ka-drama-han. Nakakasira lang kasi ng bait. Pero ang hindi ko na talaga masisikmura ngayon, nangingialam pa rin ang pamilya ni Colo sa relasyon naming dalawa. Nasasaktan na talaga ako. Pinilipit kong kayanin dahil alam ko kung ano ang magiging outcome nito kapag nakipaghiwalay ako. Alam kong masisira ang buhay ni Colo. Nakikita ko kasi sa kanya ang pagmamahal niya na hindi ko mapapantayan.

Wala siya ngayon dito sa bahay. Ako lang mag-isa. Umiiyak ako ngayon at pilit na tinitiis ang lahat. 'Yung pakiramdam na nagmahal ka lang naman at maraming against sa relasyon naming dalawa.

Nakatanaw lang ako mula sa bintana. Nakikita ko ang ibang buildings. Sumabay pa ang malakas na buhos ng ulan. Ganito ba talaga kapag maraming against sa pagmamahalan ninyo? Nakakaya mong tiisin ang lahat?

Then, nag-ring na lang ang cellphone ko. Uknown number na naman? Sinagot ko na lang.

“Hello, sino po sila?” I asked.

“Caillie, si Kyoshiro ito.” Nang marinig ko ang pangalan niya bigla na lang akong napangiti.

“Kyoshiro, I need you now.”

“I know, right? Nandito na nga ako sa labas ng condo ninyo. Pinapunta kasi ako ni Colo dito. Kauuwi ko pa lang last Monday.”

“Sandali lang, huh.”

“Sige.”

Agad akong pumunta sa pintuan. Binuksan ko at nakita ko si Kyoshiro. Napaiyak pa ako lalo.

Pinapasok ko siya at niyakap ko agad. Ang lungkot-lungkot ko na kasi. Hindi ko na kasi kaya.

“O, Caillie, bakit ka umiiyak?” Tanong niya sa 'kin.

“Kasi, Kyo, nahihirapan na ako. Sa mga nangyayari sa relasyon namin ni Colo. Ang daming nakikialam.” Napahagulgol na lang ako nang tuluyan at nanatili sa yakap niya.

“Caillie, nandito naman kami ni Colo. Wag kang mag-alala. At saka, wag mong isipin ang mga taong nangingialam sa inyo ni Colo. Sila kasi 'yung mga taong hinahanap din kung ano ang nasa inyong dalawa, which is love.”

“Pero, kasi, hindi ko na matagalan pa. Kung kailan ko naman natagpuan ang true love, saka pa ganito? Kasalanan ba ang magmahal? Kelan pa?” Mas humigpit pa ang yakap ko sa kanya. Nasasaktan pa rin ako.

“Pero, tanong ko lang, pinagpalit ka ba ni Colo despite na gano'n ang sitwasyon ninyo? Hindi naman, 'di ba? 'Yung mga taong nasa paligid ninyo, gano'n talaga ang magiging initial reaction dahil ang tingin nila sa relasyon ninyong dalawa ay imoral. Pero ang katotohanan naman talaga, inggit lang sila dahil mas masaya kayong dalawa.” At pinapatahan niya na ako.

Kumalas na kami sa pagkakayakap namin sa isa't-isa.

Tinawagan niya si Colo.

“Hello, Colo.”

Nakaupo lang ako. Tumigil na rin ako sa pagluha.

“Caillie, kausapin ka daw ni Colo.” Sabi ni Kyo nang makalapit na siya sa 'kin.

Nang maiabot niya na sa 'kin ang phone niya.

“Hello, Colo. Nasaan ka ngayon?”

“Nandito ako sa bahay ni Kuya. May pinag-uusapan lang kaming dalawa.”

“Ano'ng oras ka ba uuwi?” Medyo naiiyak pa rin talaga ako.

“Mamayang gabi pa ako uuwi, Caillie ko. Pasensya na, huh.”

My Renewed LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon