Part 48: Para sa mga taong mahal ko...

1.8K 60 4
                                    

Part 48: Para sa mga taong mahal ko...

Colorado (POV)

I canceled my appointments for today para lang kay Billie. Hindi kasi siya nakasali sa Voice Kids last time. So ngayon lang siya nagka-time. Last week na rin pala ng May ngayon. I've learned that Caillie's in Japan right now. At isa pa, nabalitaan ko na naaksidente pala si Kyoshiro ngayon. Pero importante din naman sa 'kin ang anak ko. At saka, hindi na ako makakadalaw pa kay Kyoshiro dahil alam kong hindi niya pa rin ako napapatawad sa ginawa ko kay Caillie. Baka bigla niya na lang akong sipain sa mukha 'pag nagkataon.

We are here on the audition lane or I should say backstage. Of course, marami pa rin naman akong connections dito. Pero hindi ko ginamit dahil unfair din naman sa mga nakapila dito. Gusto ko kasing ituro kay Billie ang tamang manners kapag nasa public ka.

“Dad, this is the time! I'll sing with all my heart.” Said my 13 year-old son, Billie.

“I know it, little bronco! I also know that you're a trailblazer, sweetheart!”

“Oh, daddy! That's the nice and sweet!” Then bigla niya na lang akong nilundag at niyakap ng mahigpit.

Natutuwa lang sa 'ming dalawa si Luis. Hindi kasi siya makapaniwala na appreciative si Billie. At higit sa lahat, sinabi niya na “You're a gay dad. But you raised him very very well. I must say that.” I'm deeply touched by that. And I said “Thank you” to him. Kaya naman excited na rin ako para sa performance ng anak ko. Sayang nga lang at hindi nakapunta si Georgina at Caloy. May business trip kasi silang dalawa sa Davao. Nakakalungkot lang. Kaya naman bibilhin ko ang copy ng footage ng buong audition ni Billie para sa kanilang dalawa.

Billie is now talking to Alex Gonzaga. Kami naman ni Luis ang nag-usap ngayon.

“Alam mo, ngayon lang ako nakakita ng 13 year-old na nagpapakita ng pagmamahal para sa parents niya.”

“Kaya nga e. I didn't expect na lalaki siyang mapagmahal.”

“By the way, where's his mother?” Tanong ni Luis.

“He's adopted. And his mother and I are actually friends. Sayang nga lang at hindi siya makakapunta dito ngayon kasi may business trip sila ng husband niya sa Davao.”

“Oh! Talaga?” Gulat na gulat siya.

“Yes.”

“Pero, I admire you as a father. Hands down. It's like I want to have a gay father right now. Grabe.”

“Thanks, thanks.” I said pleasingly.

And then, nagsimula na ang audition niya.

I was shocked kung ano ang kinanta niya. We Are The Champions ng Queen.

My Renewed LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon