Part 35: Masaya na ako sa kanya.
Colorado (POV)
I'm seeking for something special this time. Three months na rin ang nakakalipas nang magbukas ang aming branch sa Pasay. Naging successful naman ang restaurant namin dahil kumikita rin ito ng malaki. At saka, nailabas ko na rin nang tuluyan ang mga shares ko sa company. Hindi na ako ang may hawak ng publishing company. Pareho kami ni Kuya Jude. Nakatutok na lang kaming dalawa dito sa business namin ngayon.
“Colo, na-pull out mo na rin pala ang shares mo,” Sabi ni Kuya habang nagda-drive.
“Oo. Kasi naman, hindi na talaga ako masaya sa mga nangyayari. Especially no'ng nalaman ko na marami palang kasabwat sa paglalasing sa 'kin. 'Yung mga iniinom ko pala noon may ecstasy. Tapos, may dala pa siyang kutsilyo no'n para hindi na ako makagalaw. May nagbibigay pala ng signal sa kanya na parating na si Caillie. Hindi na rin ako makalaban dahil sa feeling na binigay ng ecstasy. Tapos, lahat ng sinasabi niya sa 'kin, dapat sabihin ko para lang matapos na ang lahat. Pero ang tanga-tanga ko dahil hindi ko nalabanan 'yon. Kaya hanggang ngayon nagsisisi pa rin ako sa mga nangyari.” Napabuntong-hininga na lang ako. “I can't really change everything, especially that incident happened.”
Napaiyak na lang ako dito sa kotse. “Tapos malalaman ko pa na si Ate at si Papa pa ang gagawa nito sa 'kin?”
“Colo, hayaan mo na. Pero alam ba 'yan ni Caillie?”
“Hindi. Hindi ko na lang sinabi dahil alam ko namang hindi rin siya maniniwala. Darating rin siguro ang tamang panahon para maayos ko ang lahat. Kahit 'yon lang, magawa ko para sa sarili ko. Hindi na baleng maibalik ko pa ang relasyon namin, basta nasabi ko na lang sa kanya 'yon.” Tapos pinunasan ko na lang ang luha ko.
“Pero, Colo, umamin ka nga sa 'kin. May naanakan ka ba?”
“Wala. Bakit?”
“Kasi may isang babae na lumapit sa 'kin. Sabi niya anak mo raw ang dala-dala niyang bata.”
“Ano naman ang pangalan?”
“Georgina raw e.”
“Georgina? I must that kid now.”
“Oo. Kaya nga paalis na tayo. Pupunta tayo sa kanya ngayon.”
“Hala! Grabe ka Kuya! Di mo man lang sinasabi sa 'kin na pupunta tayo sa kanya.”
“Well, alamin mo muna kung talagang anak mo siya.
“Don't tell me, ipapa-DNA test natin ang bata?”
“Exactly. Kasi naman kung hindi siya papayag na ipa-DNA ang bata, malamang hindi mo siya anak. Bro, wala tayo sa teleserye.”
“I know, but isn't it that it's so rude?”
BINABASA MO ANG
My Renewed Love
General FictionMy Renewed Love. GAY/BOYXBOY/YAOI. NO SOFTCOPIES AND HAS NO SEQUEL. All Rights Reserved 2013 Disclaimer: Any parts of this story is fictional. Any resemblance of names, situations, events and places are purely coincidental.