Isinara ko ang laptop at saglit na tumungo sa desk. Kasalukuyan akong nasa opisina pero hindi maganda ang pakiramdam ko. Pinakiusapan ako ni Mama kanina na huwag munang pumasok pero di ako pumayag. No work, no pay kasi, mahirap ang buhay. Ipinikit ko ang mata ko at narinig ang pagbukas ng pinto. Iniangat ko ang tingin ko at nakita si Sir Dark at Andrei.
Agad akong napaupo ng maayos dahil sa gulat. What are they doing here? Naku, baka isipin ni Sir Dark na natutulog lang ako sa trabaho.
"Are you okay?" sabay nilang sabi. Nagulat naman ako dahil rito.
"Okay lang po ako.. May kailangan po ba kayo?" pinilit kong ngumiti sa kanilang dalawa.
"Get out," wika ni Sir Dark kay Andrei.
"Why? I would ask Lori for a dinner later!" sagot ni Andrei sa kanya.
"Nah. Get out." napakamot nalang ng ulo si Andrei. He waved his hands to me and mouthed 'goodbye'
Nang makaalis na nang tuluyan si Andrei ay umupo siya sa harap ng desk ko.
"You fine?" tanong niya sa akin. I just nod at him and smile.
"Alright" tumayo na siya at naglakad palabas.
Awkward man sa pakiramdam ko ay ipinagsawalang bahala na lang iyon at ipinagpatuloy ang trabaho. Hindi ko pa man nabubuksang muli ang laptop ko ay agad na sumakit ang ulo ko. I force myself to work but my body is not cooperating. Despite of this, I still continue my work.
Lumipas ang kalahating oras at hindi na talaga kinaya ng katawan ko kaya nagpahinga muna ako. Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako at nagising nalang ng pumasok ang guard sa loob ng opisina.
"Mam, quarter to 8pm na po, hindi pa po ba kayo uuwi?" tanong niya sa akin.
Nabigla naman ako sa narinig. Quarter to 8? Sabi ko ay iidlip lang ako pero grabeng tulog na pala ang ginawa ko. Tiningnan ko ang cellphone ko at nakakita ng maraming missed calls at messages.
"Salamat po kuya, uuwi na rin po ako." ngumiti ako sa kanya at inayos ang gamit ko. Lumabas na din siya ng opisina at nagpaalam.
Pinindot ko ang 'G' sa elevator at nang naroon na iyon sa floor ko ay bumukas ito. I saw Sir Dark standing inside with a blank emotion.
"It's too late, why're you still here?" tanong niya sa akin na hindi man lang nagbabago ang tono ng boses pati na rin ang ekspresyon ng mukha.
"Nagpahinga po ako saglit, hindi ko po namalayan ang oras.." sagot ko sa kaniya.
"You're sick." he said directly.
"Medyo nahihilo lang po ako pero okay naman po" muli akong nagpilit ng ngiti sa kaniya.
"I'll drive you home"
"Hindi na po, Sir. Nagta-taxi po ako pauwi.."
"I am your boss" natigilan ako sa sinabi niya. Pati rin ba sa ganoong bagay ay boss pa din ang nasusunod?
"Hindi na po talaga, Sir."
"I insist."
Lumabas kami ng company at nagtungo sa parking lot.
"Si-"
"Don't 'sir' me, we're already outside the company"
"Pero s--"
"It's Dark. Dark is my name, not sir."
"D-dark."
Pumasok ako sa passenger seat at pumunta siya sa kabila.