"Sweetheart.." Mas lalong humigpit ang mga yakap niya sa akin.
"Hush, Dark." Hinaplos ko ang likod niya at ibinalik ang yakap.
"Dark, wake up. Stop calling her sweetheart. She's not Janelle!" pumasok si Andrei sa kwarto.
"She's Janelle.. Right, sweetheart?"
Sa salitang iyon ay kusa nang tumulo ang luha ko. Who's Janelle? Ang daming gumugulo sa simpleng palitan nila ng mga linyang iyon.
"She looks like Janelle, yes Dark! But stop loving her just because kamukha niya yung ex mo!" muling bulyaw ni Andrei.
Kamukha ko si Janelle? Kaya niya lang ba ako nagustuhan dahil doon?
Nanatili nalang akong tahimik at pinakinggan silang dalawa. Kaming tatlo lang ang nasa kwarto dahil ang ibang mga kasambahay at maging ang parents ni Dark ay hindi niya hinahayaang makapasok.
"No, no. She's Jan--" hindi na naituloy ni Dark ang sasabihin niya nang suntukin siya ni Andrei sa mukha. "Andrei..."
"Shut up, Lori! Labas ka dito."
"Ganun ba?" Kinuha ko ang gamit ko at tinanggal ang pagkaka-kapit ni Dark sa akin. Katatayo ko pa lang ng hilahin ako ni Dark at muling niyakap. "Stay with me.." Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Gustong gusto ko nang lumabas at ayaw ko na ring marinig ang mga dapat kong malaman pero hindi nakikisama ang katawan ko.
"Damn it, Dark! Lori deserves the best! Tangina, kung hindi mo siya kayang mahalin, utang na loob ipaubaya mo na siya sa akin!"
Tahimik lang si Dark habang nakaiwas ng tingin. Hinihintay ko rin siyang sumagot ngunit wala yata talaga siyang balak. Nagbuntong-hininga si Andrei at hinawakan ako sa pulso. "I'm driving you home.."
Muli ko siyang nilingon at tulala pa rin siya. "Dark.." Inaasahan ko na pipigilan niya ako pero tumingin lang siya sa akin, a very cold stare. Tumango lang siya sa amin at hinila na ako ni Andrei pa labas. Nadaanan pa namin ang mga parents ni Dark. They're looking at me sadly. Ngumiti na lang ako sa kanila ng pilit at sumama kay Andrei.
Naging payapa ang biyahe. Walang kahit na sino ang nagsasalita. Itinigil lang niya ang sasakyan sa harap ng bahay at pagkababa ko ay agad rin siyang umalis nang hindi nagpapaalam. Pagpasok ko ng bahay ay naabutan ko si Logan na nasa sala at nanonood ng TV. Nilingon niya ako at nagbigay ng nagtatakang mukha. "What happened?" bungad niya sa akin. Umiling lang ako sa kaniya at umupo sa sofa.
"Sina Mama?"
"They're asleep. Sabi nila hintayin daw kita."
"Di ba may pasok ka pa bukas?"
"Eh? It's Saturday tomorrow. Uh, should I say, now? It's already 12 midnight."
"Halika na, akyat na tayo.."
Pumunta na ako sa kwarto ko para kumuha ng damit at pumunta sa banyo para maligo. Pagkatapos ay nahiga na ako sa kama. Unti-unting bumalik ang mga sinabi ni Andrei kanina. Hindi ko mapigilang hindi maiyak. Marami pa rin akong tanong sa utak na hindi pa nabibigyang kasagutan.
Pumasok si Logan na may dala-dalang mga unan. "I'm sleeping here."
Napailing nalang ako sa kaniya at natawa. "Why're you crying?" tanong niya sa akin.
"Wala lang, trip ko lang. Hahaha!" I know he won't believe me, he's a very smart kid.
"Dito ako ah? Baka mag-suicide ka eh. Para pipigilan kita," he chuckled.