CHAPTER 22

736 23 0
                                    

[Now Playing: It Will Rain by Bruno Mars]

***

"According to the results, Mr. Fortalejo has a serious damage on his brain due to the accident. It is also possible that he may suffer to Post-traumatic amnesia. Meaning, some of his memories may lost for a short or longer time," patuloy pa rin na nagsasalita ang doctor habang kausap ako pati na rin ang parents ni Dark.

Iyak nang iyak si Tita habang yakap yakap siya ni Tito. Hindi ko na naintindihan ang iba pang sinasabi ng doctor dahil naupo na ako sa isang sulok habang patuloy pa rin na umaagos ang mainit na likido mula sa mata ko. 

Tumayo ako lumapit kay Tita, "Tita, I'm so sorry. This was all my fault.."

"Lori, this is nobody's fault. Walang may gusto nito, wag na tayong magsisihan dito."

"She's right. Dark will be fine. He is a strong guy," wika ni Tito at tinapik ako sa balikat. Nagpaalam ako sa kanila na pupunta lang ako saglit sa chapel at pumayag naman sila. Naglakad ako papunta roon at agad na lumuhod pagpasok.

Lord, huwag niyo muna pong kukunin si Dark sa akin. Ay, sa kanila pala. Hindi na nga pala siya sa akin kasi kani-kanina lang, pinakawalan ko siya.

May naglahad ng isang panyo sa harapan ko at iniangat ko ang tingin sa kaniya. "Cray?"

"Bakit sa tuwing nakikita kita, lagi ka na lang malungkot?"

Umupo ako nang maayos at pati na rin siya na tumabi sa akin. "Why are you here?" dugtong niya pa. 

"Si Dark.." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang napahagulgol na naman ako. Hinaplos niya ang likod ko at bahagya akong nakalma.

"I broke up with him earlier..." halata ang pagkagulat niya nang sabihin ko iyon. Maya maya ay napalitan iyon ng tingin na parang naaawa. "Bakit?"

"I'm afraid that when I leave him, he'll lose his self.. Cray, I am sick. Stage 2, and I don't know what to do." Lalong naging malaki ang bakas ng pagkagulat sa mukha niya. "Kailan pa?"

Kinwento ko sa kaniya ang lahat lahat. It is good na kahit papaano ay may napaglalabasan ka ng sama ng loob. "Lori, I don't find any words. My mind became empty and I don't have any advice to give now. I'm sorry, all I can do is to listen," wika niya. Tumango ako sa kaniya. Nagpaalam na rin siya matapos ang ilang minuto pero nanatili pa rin ako sa loob ng chapel.

"Lori," boses ni Andrei. Nilingon ko siya sa likod. Naglakad siya papunta sa akin. Agad niya akong niyakap saglit at humiwalay pagkatapos at tumingin sa akin ng diretso. "You can cry on my shoulder."

"Ubos na ang luha ko, Andrei," ibinaling ko ang tingin ko sa unahan kung saan may krus at may nakapaligid na mga kandila.

"Be strong, Lori. Kaya ni Dark kaya dapat kayanin mo rin"

"Hindi ko alam. Hindi ko alam kasi sobrang babaw ng luha ko at masyado akong fragile sa mga ganitong bagay. Mabilis akong mabasag at bumigay."

"Lori, why did you broke up with him?" sa tanong na iyon ay parang tumigil sa pagtibok ang puso ko. Pinagpawisan ako ng malamig at hindi ko alam ang gagawin.

"A-ah, its okay if you don't want to tell me yet. Don't force yourself, Lori. If you are really willing to share it, perseverance will deliver the message," he forced a smile.

"Thank you, Andrei. Halika, bumalik na tayo doon."

Pagbalik namin doon ay naroon pa din sina Tito at Tita. "Lori, dadating daw ang parents mo ah?" tumango ako sa kaniya at umupo sa tabi nila. "Have your dinner muna, hija. Anong oras na, hindi ka pa kumakain."

Dear Lori (KathNiel - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon