CHAPTER 19

817 28 2
                                    

Lumabas ako ng coffee shop at napansin ang napakalakas ng buhos ng ulan. Maraming magkakasalo sa isang payong at yung iba ay may nakalagay sa ulo at tumatakbo habang basang basa na ang damit.

"Oh my gosh! Malungkot na naman ang Goblin!" sigaw ng isang babae sa tabi ko habang sumisilong sa kasama niya. "Tangna ka pag di ka tumigil kakasabi ng tungkol sa mga pinapanood mo, bibigwasan na talaga kita!" sigaw ng kasama niya at binatukan siya.

"Tangna mo rin. Kaya pala crush mo si Grim reaper. Hypocrite amputs," tumakbo na sila habang magkasilong sa payong. Napailing na lang ako sa kanila. I missed my bestfriend who is currently on Italy at doon na naninirahan.

Ngayon ko lang napansin na hindi pa pala bukas ang payong ko at basang basa na ako ng ulan. Nang tingnan ko ang bag ko, wala din pala akong dalang payong. Tatakbo na sana ako papunta sa jeep nang may humila sa pulso ko. "A-andrei.."

"Hatid na kita. Kay Dark ba? Halika na," ngumiti siya sa akin nang pagkatamis tamis na parang walang nangyari kanina. "Huwag mo akong iiwan ng ganoon, akala ng mga tao break na tayo. Hehe," inilahad niya ang payong sa akin. 

"Hehe, joke joke lang, hindi ka nga pala akin."

"Di na, ano.. Magco-commute nalang ako."

"Di ko naman kayo guguluhin. 'Wag kang magalala, Lori. Marunong akong tumanggap ng pagkatalo , ihahatid lang naman kita para masigurado na makakarating kang maayos," binuksan niya ang pinto ng kotse habang hindi inaalis ang payong hanggat hindi pa ako nakakapasok sa loob.

"Andrei.." nilingon niya ako saglit at agad na ibinalik ang tingin sa harapan. "Alam ko na yan," humalakhak siya ng sobrang lakas. "Sabi ko sayo, wag mo na ituloy hahaha!" naglagay siya ng earphones sa magkabila niyang tainga na parang sinasabi na, 'wag mo na akong kausapin'

Nanahimik na lang ako sa buong biyahe. Bumaba ako sa tapat ng bahay ni Dark. Andrei waved his hands on me. Pinindot ko ang doorbell at agad na lumabas ang isang kasambahay. "Good evening po," magalang na bati niya. Ngumiti ako sa kaniya at agad kaming nagtungo papasok ng bahay. Sinalubong ako ng mommy at daddy niya. Naabutan ko naman si Sir Light na naglalaro ng PS4 sa sala nila. Kumaway ito at ngumiti sakin at muling ibinaling ang atensyon doon.

"Ano pong nangyari, tita?" kasabay ng tanong ko ay ang malakas na kalabog mula sa itaas at ang pag-sigaw ni Dark ng "If I get away from this, I'm gonna kill you all!"

 "Lori, Dark really needs you now," she giggles. I am expecting it to be serious but I think I was wrong. Nasa mood ang lahat at natatawa pa nga si Tita. Nahihiya tuloy ako kay Andrei dahil sa nangyari kanina.

"Go upstairs, that's okay," ngumiti siya sa akin at sumenyas sa isang kasambahay na samahan ako paitaas. Pagbukas ko ng kwarto ay bumungad sa akin ang kaawa-awang si Dark na napalilibutan ng mga babae. Babae? BABAE?!

"Lori, please.." nagmamakaawa ang kaniya mukha na nilagyan ng make up na mukhang kagagawan ng mga babae. "You must be Lori!" lumundag siya pababa ng kama at agad na bumeso sa akin. "We are his cousins! Don't be jealous!" nagtawanan sila at nag-peace sign naman sa akin ang babae. "I'm Pink and it was really great to meet you!"

Lumapit sa akin ang iba pa at isa-isang nagpakilala habang si Dark ay nakagapos sa kama at nakasimangot. Pulang pula ang labi niya dahil sa lipstick pati na rin ang pisngi niya na mukhang binuhusan ng blush-on.

Lumapit ako kay Dark at agad na tinawanan siya. Tinanggal ko ang tali niya sa kamay at kumuha ng tubig mula sa kaniyang banyo. I just wonder kung paano nila nagapos si Dark nang ganoon, they must be really really really strong. Idinampi ko ang towel sa kaniyang mukha at inalis ang mga make up.

Dear Lori (KathNiel - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon