"Loves?"
"Yes?"
"Sa dinami-dami, ba't ako?"
"I saw this one already on a commercial. KathNiel?" I laughed at him. "I'm really jealous now," he pouted. "Bakit naman?"
"You mentioned Daniel Ford many months ago and now.." lalo akong humagalpak ng tawa. Hindi niya na ipinagpatuloy iyon.
"Do you want me to answer your question just like Daniel's answer?" tumango ako sa kaniya at nagpipigil ng tawa. Umiling siya sa akin na naging dulot ng pagkunot ng noo ko. "Let's just be our own version of KathNiel without imitating them. Be my Kathryn and I'll be your Daniel. Okay?"
Muli naming minasdan ang mga maniningning na bituin sa langit. Kasalukuyan kaming nakahiga sa damuhan sa dulo ng isang cliff. Ang bawat haplos ng hangin ay sobrang lamig. "Di pa ba tayo uuwi?"
"Oh! Yeah, it's already eleven."
We celebrate our first anniversary by spending the whole day together. Parang kahapon lang nang matalsikan niya ng putik ang damit ko, ang araw na napilitan siyang mag-sorry.. Tapos, isang taon na agad? If you're gonna ask me about the brain cancer, sadly, it's getting worse but until now, Dark has no idea about it and I don't have any plans on telling him for now..
Pag-uwi ko ay agad na akong naligo at pagkatapos ay binuksan ang laptop ko. I started surfing on Facebook when one post got my attention. Maraming sad reactions and share ang post. I started reading the caption which was too long.
As I was reading, I realized that they were a perfect couple. Their relationship can be really described as relationship goals. Until one day, the girl became sick and died. Hindi matanggap ng lalaki na hindi man lang sinabi sa kaniya na may sakit pala siya. Naging depressed ang lalaki at inubos ang oras sa di magandang mga bagay. That is only a summary. Medyo na-triggered ako. Ang lahat ng ipinapakita ni Dark, sa loob ng napakahabang mga buwan, totoo iyon. What if the same thing happened when... when I should leave him.
Napaisip ako, hanggat maaga pa, dapat gawan ko na ng paraan just like what Abigail of She's Dating the Gangster did to Kenji. Pagpaparaya.
In the middle of nowhere, biglang pumasok si Logan sa kwarto habang bitbit ang mga unan. "Let me sleep here," tumango lang ako sa kaniya at pinatay na ang laptop. "Will you tell me your secret now?"
"What secret?" pagtatakang tanong ko sa kaniya. "It's been months since the last I asked you about this but I don't forget it yet," napakunot ang noo ko at pilit na inisip ang ibig niyang sabihin. "The day when you came home from the hospital."
"M-matulog ka na Logan, maaga ka pa bukas," pinatay ko ang ilaw at nagkumot. "Still avoiding, whatever."
***
"Ate," Logan said while poking my cheeks. "Hmm?"
"Guess what?"
"Ano?"
"I already know your secret," seryoso niyang sabi. Naramdaman ko ang panginginig ng buong katawan ko at para akong nabuhusan ng malamig na tubig kaya't natanggal ang antok ko.
"Why are you keeping this a secret?" itinaas niya ang envelope na alam kong naglalaman ng results nang magpa-check up ako, I should've hide it in a safer place.
"Logan, sinabi ko sayo na 'wag mong pakikialaman ang gamit ko!" marahas kong hinablot sa kaniya ang envelope. "Go away!" itinulak ko siya palabas ng pinto. Bago ko tuluyang maisara ang pinto ay may nagsalita siya, "Are you really my sister?"