Kinabukasan ay maaga akong bumangon para mag-ayos. Sumilip ako sa kwarto ni Logan na kasalukuyan pang himbing sa pagtulog. Lumabas na ako maya-maya at isinara ang pinto. Unang hakbang palang sa hagdan ay amoy na mula sa kusina ang pagluluto ng ulam.
Umupo ako sa sofa at nagpahinga ng kaunti. Nang lumingon ako ay katabi ko lang din si Mama at Papa. "Good morning po."
Biglang may bumagsak sa kusina kaya't tumayo kaming lahat para tingnan iyon. Dark? Bumagsak ang mga kaserola, at kawali sa lapag. "Lori, hi. Morning.."
"Oo nga pala anak, maaga yang nagpunta dito kanina, ipagluluto ka daw."
"Huh? Dark, di ba hindi ka marunong magluto?"
"I'm just trying my luck," he laughed awkwardly while scratching his nape.
"So anong luto mo itina-try ang iyong so-called-luck?"
"Honestly, I don't really know this. Your Mom just hand me her recipe book, and.."
"Adobo iyong tawag d'yan. Pilipino ka, di mo yan alam?"
"Sorry, my bad," he smiled at me and pick up the things on the floor. He turn around and continue cooking.
"By the way, Lori. We'll go together to the company. I'm going back there, I don't really trust my brother," he said without looking at me.
"Oh, that's good. Pero grabe ka naman sa kuya mo." he just shrugged his shoulders. Mukhang seryoso talaga siya sa ginagawa niya. Mama handed me a coffee. Naligo na ako at mabilis na nagbihis. Pagbaba ko ay nakahain na ang mga pagkain sa mesa. Maging si Logan ay naroon na rin.
Maya-maya ay nakaramdam ako ng malambot sa paanan ko at nang silipin ko iyon, PUSA?! Kelan pa kami nagkaroon ng pusa?
"Whitey?" hindi sigurado kong tanong. This might be other cats, you know.. Binuhat ko iyon at inilagay sa hita ko. "Meow~"
Nakita ko na may naka-roll na papel na nakasabit sa may leeg niya. Hinimas himas ko ang katawan niya habang binubuksan ang papel.
"I'm Sorry" -DF
Tumingin ako kay Dark na kasalukuyang nakatingin sa akin nakatingin. "If I don't know you, I might think that 'DF' means Daniel Ford"
"Who is that?" nagtataka niyang tanong sa akin. He didn't know Daniel? Pilipino ba talaga ito?
"You don't know him? You're not a Filipino then!"
"Oh, I might be an alien in disguise then?" those words make us burst of laughing except him. Tiningnan niya kami nang nagtataka, "What?" Umiling lang ako sa kaniya at inilagay si Whitey sa lapag.
"Dinamay mo pa talaga si Whitey, ano?" pinagpatuloy na namin ang pagkain. Maya-maya ay nagpaalam na rin kami kanila Mama at umalis.
***
"Good morning, Sir Dark" everyone greeted him. Siya naman ay dire-diretso lang at hindi tumitingin sa iba. Pumasok kami sa loob ng elevator.
"Wag mo na ako ihatid sa office ah, ako na lang."
"Why?"
"Basta, sige na."
"Alright, take care." Lumabas na ako ng elevator at pumasok sa opisina.
"Long day again," I sighed. There are thick layers of paper again.
I opened my laptop. There are lots of e-mails when I opened my g-mail account. I opened some announcements, at bigla kong naalala na this Sunday na pala yung party ng company! Maybe I will find some gowns for rent earlier. Maybe pag-uwi ko mamaya ay dadaan ako sa kaibigan ni Mama na nagta-tahi ng gowns.