CHAPTER 20

908 26 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas pero wala namang nangyayaring kakaiba. Dark's sweetness becomes a typical thing for me. Madalas na din siyang ngumingiti hindi tulad ng dati na laging salubong ang mga kilay at nakakunot ang noo. 

"Why are you looking at me like that?" tanong niya habang nakaupo sa harap ko.

"Wala lang, ang pangit mo pala?" pabiro ko sa kaniya. "Really?" ngumisi siya sa akin at inilapit nang inilapit ang kaniyang mukha sa akin. "Really?" pag-uulit niya.

"J-joke lang!" itinulak ko siya ng bahagya na naging dahilan ng mahina niyang pagtawa.

"Bakit nandito ka? Dapat madami kang ginagawa sa opisina mo."

"I'm so lazy today. I don't feel like doing anything," inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa likod ng kaniyang ulo. Humikab siya at nag-inat. "I'm so sleepy," kinuha niya ang kamay ko at doon ipinatong ang ulo niya. Hinila ko naman ito at tiningnan niya ako nang masama. 

"I'll just go there," tumayo siya nang nakasimangot. "Saan?"

Hindi niya ako pinansin at nagdire-diretso. Ako naman ay tatawa-tawa lang na minamasdan ang likod niya habang naglalakad siya. "You're not going to beg me to stay?" nakatalikod pa rin siya habang nagsasalita. "Why would I?" nangaasar ang tono ko. "Tsk!" padabog siyang umupong muli sa harap ko at nakasimangot. "Ang suplado mo naman ngayon, meron ka ba?"

"Huh?"

"Monthly period?" biro ko sa kaniya. Nakita ko ang pamumula ng mukha niya pati na rin ang paglaki ng mata niya. "Why are you--"

"Joke lang," nag-peace sign ako sa kaniya. Maya maya ay tumayo ulit siya. "Saan ka?" hindi siya sumagot bagkus ay hinila ang kamay ko palabas. "Hoy! Ano ba, marami akong ginagawa," pagpupumiglas ko. "You don't have to work, I can give you a bright future. Just come with me."

***

"Anong gagawin natin dito?"

Tiningnan niya lang ako nang nakangiti habang nakapamulsa. Lord, bakit po ang pogi niya? 

"Hoy Dark."

"Woah, easy there woman! At first, you seem so shy and now, you're just 'hoying' me."

Hinila niya ulit ako kung saan. I just found us in front of a cinema. "Stay here," iniwan niya ako at lumapit sa isang stuff. Yung stuff naman na babae ay parang kilig na kilig. 

Ang lakas ng loob iwan ako sa gitna tapos lalapit lang sa iba. Tsk.

Pumasok kami sa loob ng cinema at kakaunti pa lang ang tao. What movie? I don't know. Hinila niya lang ako rito. "Watch your step," paalala niya. Hindi ko siya inintindi at nagmadaling maglakad. Muntik na akong matisod pero kunwari wala lang. Alam kong nakita niya iyon dahil nakita ko siyang nagpipigil ng tawa. "I told y--" hindi ko na siya pinatapos at umupo na kung saan mayroon na akong mga katabi. Wala siyang choice kundi humiwalay sa akin.

"Move," wika niya sa katabi kong babae. "W-what?"

"I said move. Are you deaf?" nawawalang pasensiyang wika niya. Umirap ang babae at padabog na lumipat. "What's your problem?" hindi ko siya kinibo at ibinaling ang atensiyon ko sa palabas. Nakatitig lang ako roon at hindi pumapasok sa utak ko ang mga linya.

"If you won't answer me, I'm gonna stop that fvcking movie. Mark my words," his voice was full of authority. "What?" 

"Tss.." and now siya naman? What's wrong with this man? Maya maya ay namatay ang projector. Walang ilaw na kahit ano. Pati ang mga tao sa gilid ko ay nagbubulungan na at halatang kinakabahan. Muling umilaw ang screen at nagulat ako nang lumabas ang litrato ko. Hinawakan ni Dark ang kamay ko at tumawa. Naging center of attention ako dahil doon. Nag-play ang isang music kasabay ng slideshow ng mga picture namin ni Dark. Hanggang ngayon ay processing pa din sa utak ko ang lahat. What is this? Nakakahiya yung mukha ko dun.

Dear Lori (KathNiel - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon